You are on page 1of 27

“PAULA, PULANG LOBO”

Siclong Elementary School

Bernadette S. Embien

Kindergarten

1
Masaya at tahimik na namumuhay ang mag-asawang Boyet at Aling Lope. May isa

silang anak, si Paula na mahilig sa pula.

2
Dahil iisang anak, lumaking matigas ang ulo ni Paula. Sa halip na mag-aral ay sarili at

barkada lamang ang iniisip

3
Madalas siyang humiling sa kanyang ama at ina na ibili siya ng mga damit, sapatos at

bag na kulay pula.

4
Maging ang kanyang mga laruan ay kulay pula rin. Ang lahat ng ito ay ipinagyayabang

niya sa kanyang mga kaibigan na sina Hanna, Bela at Gina.

5
Dahil sa kanyang ugali, madalas siyang kinaiinisan ng kanyang mga kalaro at

sinasibihan ng mahangin ang ulo, na ang ibig sabihin ay mayabang.

6
Inisip niyang maglayas. Hindi niya naisip na mahal siya ng kanyang mga magulang

kaya ittinatama at pinagsasabihan siya..

7
Napadpad si Paula sa kabilang bayan. Sa dulo ay may isang matandang babae na

nagmagandang loob na patuluyin siya bahay.

8
Nalaman ng matanda na naglayas si Paula. Pinayuhan siya nito na umuwi na at

humingi ng tawad sa mga magulang.

9
Nagalit ang bata. “Wala kang pakialam sa buhay ko, at wala kang karapatan na

pagalitan ako!” pasigaw na sabi ni Paula.

10
Lingid sa kaalaman ni Paula, ang matandang babe ay isa palang engkantanda. Mula sa

isang matandang babae ay nagpalit anyo ito at naging isang napakagandang

engkantada.

11
“Napakabastos mong’ bata! Mahangin! Kulang na lang ay lumipad ka sa dahil sa iyong

kayabangan!”, galit na sinabi ng engkantada.

12
Pinarusahan ng engkantada si Paula at ginawa itong isang pulang lobo na may tali.

Palutang lutang ang lobo dahil sa hangin na nasa loob nito.

13
Mula noon ay naging lobo na si Paula. Lumipad siya pauwi sa kanila upang himingi ng

tawad ngunit sumabit ang kanyang tali sa puno ng manga.

14
“Hoy, nakikita niyo ba ang bagay nay un?” Sabi ng kaibigan na si Hanna.

Ano yan? Kung ano man yan siguradong gustong gusto ni Paula yan dahil kulay pula.

Tugon ni Bela

15
“Oo nga, para sa kanya nga ang bagay na iyan, pula at mahangin katulad ng ulo ni

Paula hahaha”, pabirong sagot naman ni Gina.

16
Narinig ni Paula ang pag-uusap ng kanyang mga kaibigan. Umiiyak at puno ng

pagsising lumipad pauwi si Paula sa kanyang magulang.

17
Sa harap ng kanilang bahay, nakita siya ng kanyang ina at namangha sa kulay nito.

Kinuha ni Lope ang lobo at ipinakita sa asawa.

18
“Boyet, tingnan mo ang bagay na ito, hindi ba’t napakaganda? Sigurado akong

matutuwa ang ating anak kapag nakita niya ito” sabi ni Lope.

19
“Napakaganda ng bagay na iyan, itago natin hanggang sa dumating ang ating anak.

Alam kong babalik si Paula at makakasama natin siyang muli” malungkot na sinabi ni

Boyet.

20
Narinig itong lahat ni Paula. Gusto niya na magsalita at sabihing nagsisisi na siya ngunit

tanging hangin at langitngit ng lobo na lamang ang naririnig ng mag asawa.

21
Lubhang nagsisi si Paula. Kung naging mabuti lamang siyang anak at hindi naging

mayabang ay hindi sana nangyari ito sa kanya.

22
Itinago ng mag asawa ang lobo ngunit dala ng katandaan ay naghina na sila at hindi na

muling nakita ang kanilang anak.

23
Makalipas ang ilang taon, napansin ng mga kapaitbahay na tahimik ang tahanan ng

mag asawa. Nang mga oras na iyon ay tluyan na pala silang namayapa ng hindi

nakikita ang kanilang anak na si Paula.

24
Napansin ng mga kapitbahay na naroroon parin ang pulang lumulutang na bagay. Agad

nilang napagtanto na ang pulang bagay ay maaaring si Paula.

25
Binigyan ng mga tao roon ng pangalan ang pulang palutang lutang sa loob ng bahay ng

mag-asawa. Mula sa Lope at Boyet ay tinawag nila itong Lobo.

26
Kalaunan ay kumalat sa buong bayan ang kwento ng pulang lobo na pinaniniwalaang

ang mahanging bata na si Paula.

27

You might also like