You are on page 1of 6

PARABULA

GROUP 1
FILIPINO

Introduction

PAMAGAT: ALIBUGHANG ANAK

BERSIKOLO: (Lukas - 15:11 - 32)

ESTILO: Pagmamahal/Pagpapatawad

TAGAL: 15-MINUTO

Buod

Ang kwentong ito ay patungkol sa isang anak na lubos na nalulong


sa bisyo at sugal, iniwan niya ang kanyang ama para magwalwal,
ngunit sa dikalaunan ay bumalik pa din ito sa ama at lubos na
nagsisi sa nagawang kaalibughaan.

-
Mga Pangunahing Tauhan:

Alibughang Anak - Aldrean Combate


Ama - Diether Mark Juntilla
Panganay na kapatid - Jared Castillion

Mga Tauhan:

Tagapagsalaysay - Shekainnah Mhae Dela Torre


Tindero ng alak - Jan Marte Balansag
Sugarol 1 - Christian Ruiz
Sugarol 2 - Feloteo Omas
Bayarang Babae - Kim Rose Naagas
Alila 1 - Leza Mae Saborido
Alila 2 - Ruel Tumulak

GROUP 1

Leader:
-Shekainnah Mhae Dela Torre

Members:
-Justine Labastida
-May Agarao
-Marialyn Caliao
-Leza Mae Saborido
-Jennyrose Penafor
-Kim Rose Naagas
-Diether Mark Juntilla
-Joshua Garcia
-Christian Ruiz
-Jared Castillion
-Ruel Tumulak
-Aldrean Conbate
-Feloteo Omas
-Jan Marte Balansag
PRODUCTION

Script Writer: Shekainnah Mhae Dela Torre

Director: Justine Labastida

Assistant Director: Jelaica May Agarao

Staff: Jennyrose Penafor

ALIBUGHANG ANAK

Tagapasalaysay: May isang tao na may anak na lalaki…ang


sabi ng nakababata sa ama…

Nakababatang anak: Ibigay nyo napo saakin ang mamanahin ko


bago kayo yumao ama

Tagapagsalaysay: At hinati nga ng ama ang kanyang ari-


arian.
Nang matanggap na ng nakababata ang
kanyang parte ay agad itong umalis.
Pagkalipas ng ilang araw ay ibinili niya ang
kanyang parte at pumunta sa malayong
lupain.

Pagkarating niya ay nakakita agad siya ng


mga nag susugal at ng isang bayarang
babae, lumapit agad ito dahil nakita nitong
tila may kayamanan siyang dala.
Iwinaldas niya sa sugal,babae at alak ang
lahat ng kanyang kayamanang galing sa
kanyang ama. Di niya napansing unti-unti
nang nauubos ang kanyang salapi, natapos
ang sugal at iniwan na siya ng babae dahil
wala na siyang pera, at nag muka na
siyang pulubi.

Nang maubos na ang kanyang kayamanan,


nag karoon ng matinding tag-gutom sa
lupaing iyon. Siya’y nag simulang mag
hirap. Namasukan siya sa isang taga doon
at pinagtrabaho siya sa isang babuyan, sa
tindi ng kanyang gutom at sa dahil wala
namang nagbibigay sakanya ng pagkain ay
halos kainin niya na ang mga bungang
kahoy na kinakain ng mga baboy.
Ngunit napag isip-isip niya ang kanyang
nagawa at sinabi sa sarili…

Nakababatang anak: Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng


aking ama, samantalang ako’y namamatay
dito sa gutom.
Babalik ako sa aking ama at sasabihin sa
kanya… ama! Nagkasala ako sa inyo at sa
diyos, hindi napo ako karapatdapat na
tawaging anak ninyo, ibilang niyo nalamang
po akong isa sa inyong mga alila.

Tagapagsalaysay: Umuwi siya ng kalunos-lunos at tila di na


makatayo sa gutom at pagod.
Malayo pa’y natanaw na siya ng kanyang
ama at lubos itong naawa sa kanya,
patakbo nyang sinalubong ang anak,
nilapitan niya ito at sinabing…

Ama: Anak ko!

Tagapagsalaysay: Niyakap at hinalikan niya ito, ipinahanda


nang kanyang ama sa mga alila nito ang
pinaka magandang damit at nag-turang…
Ama: Bilisan ninyo, suotan nyo siya ng sing-sing
at bigyan nyo siya ng sandalias, katayin
ninyo ang pinaka matabang baka at tayo’y
mag diwang, sapagkat ang anak kong ito’y
namatay na at muling nabuhay, nawala
ngunit muling natagpuan!

Tagapagsalaysay: At sila ay nag diwang…mag hapon noong


nasa bukid ang anak na panganay nang
pauwi ito at malapit na sa bahay, narinig
nito ang tugtugan at sayawan.

Pagnganay: Bakit anong meron dito?

Alila: Bumalik napo ang inyong kapatid ng buhay


at walang sakit, pina-katay po ng inyong
ama ang pinatabang baka.

Tagapagsalaysay: Nagalit ang panganay at ayaw nitong


pumasok sa bahay. Nilapitan siya ng ama
at pinakiusapan.

Panganay: Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng


mahabang panahon at kaylan may diko
kayo sinuway, ngunit ni minsa’y di niyo
manlang ako binigyan kahit isang maliit na
kambing, para magkatuwaan kami ng aking
mga kaibigan, subalit ng dumating ang
anak niyong yan! Nalumustay ng inyong
kayamanan, diako makapaniwala na
ipinakatay niyo pa siya ng pinaka
matabang baka! Arrrrrgh!

Tagapagsalaysay: Nag dabog ang anak habang galit na galit,


ang ama namay tila nalungkot sa mga
pangyayari.

Ama: Anak lagi kitang kapiling at lahat ng aking


ari-arian ay sayo, nararapat lang tayong
mag saya at mag diwang sapagkat patay
na ang kapatid mo ngunit nabuhay , nawala
at muling natagpuan.
Tagapagsalaysay: Umalis na ang ama at iniwang nag isip-isip
ang panganay, bahagya siyang
humakbang at siya namang pag lingon ng
kanyang nakababatang kapatid
nagkatitigan silang dalawa habang ang
bunso ay may luha sa mata.

PAGTATAPOS

-luke 15:11-32

You might also like