You are on page 1of 3

“Si Bumbi Bubuyog at ang mga Alitaptap”

Nagtaka ang munting bubuyog na si Bumbi nang makita ang kanyang maliit
na kuwarto sa loob ng bahay-pukyutan. Punong-puno ito ng malapot na pulot.
Kaya naman inis-is niya ang dingding at sahig nito. Nang matanggal ang mga
pulot, nagtungo siya sa pintuan ng bahay-pukyutan at pinanood ang daigdig sa
labas.

Araw-araw mula noon, pagkatapos maglinis ni Bumbi ay sinisilip niya ang


labas ng bahay-pukyutan. Napapansin din niya ang pag-alis at pagdating ng
mga nakatatandang bubuyog at nagkukwentuhan tungkol sa mga bulaklak.
Inggit na inggit si Bumbi Bubuyog "kailan kaya ako makakaalis sa kuwartong ito?”
Gusto kong makillala ang mga pulang gumamela!"

Isang umaga, kinausap si Bumbi ni Reyna Bibuska "Anak, panahon na para


ikaw ay humakot ng nektar mula sa mga bulaklak." Agad naman itong sumagot
"pero Inang Reyna hindi pa po ako handa at ako po ang inyong bunso!"

"Bumbi, kahit ang bunsong bubuyog ay hindi puwera sa gawain. Sige, hayo
na anak," malumay na sagot ng reyna. May takot sa dibdib na nilisan ni Bumbi
ang bahay-pukyutan. Pero ng kanyang makita ang mga bulaklak ay agad
niyang nalimutan na sya ay nagtatampo sa sinabi ng mahal na Reyna.

"Sa wakas malalapitan ko na rin ang pulang gumamela!" Samantala, sa di


kalayuan ay kilig na kilig na naghihintay ang mga bulaklak sa bagong bubuyog
na lumilipad.

"Nakikita nyo ba ang munting bubuyog, yung pinakakyut sa lahat?" Tanong


Seyna Santan

"Sino kaya ang una niyang dadapuan sa atin?" Pulang-pula na nagtanong si


Rosita Rosas

" Baka ako, Ibang klase yata ang aking bago!" Agaw ni Odi Orkidyas

"Aba lahat naman tayo ay mababango at laging handang magbigay ng


nektar!" Pagbibiro ni Gela Gumamela. Dahil matagal nang gusto ni Bumbi na
makilala ang gumamela dito agad siya dumapo.

"Bumbi Bubuyog ang pangalan ko, maari ba akong kumuha ng nektar mo?"

“Aba, oo naman at ako naman si Gela Gumamela, patuloy ang


kuwentuhan ng dalawa habang tuloy ang pagkuha ng nektar.

Maya-maya ay napansin ni Bumbi ang mga langgam na parang mga


sundalong nagmamartsa sa kupa. Natuwa siya sa kanyang nakita.

"Alam mo bang kay hirap maging bubuyog, kay bata-bata ko pa ay


pinapakuha na ako ng nektar. Mas mabuti pa siguro maging katulad ng maliliit
na iyon!" wika niya kay Gela Gumamela.

Mabilis na pumunta si Bumbi sa mga langgam at nakipagkilala. "Mga


kaibigan, maari ko bang malaman kung bakit nagpapakapagod kayo sa
pagbuhat ng pagkain maghapon?"

“Naghahanda kami para sa tag-ulan" tugon ng isang langgam

"Maari ba akong sumama?" wika ni Bumbi

"Oo naman, basta kami iyong tutulungan," tugon ng lider ng mga langgam.

Ngunit wala pang isang oras ay tinigilan na ni Bumbi ang pagbubuhat.


"Maganda ang inyong gawain ngunit ito pala ay hindi para sa akin" Nahihiyang
wika ni Bumbi.

Hindi pa rin umuwi si Bumbi at bumalik kay Gala Gumamela. "Saan ka ba


nagpunta? Baka hinahanap ka na ng mga bubuyog."

"Ayoko nang maging katulad ng mga iyon! Mas mahirap ang kanilang
ginagawa."

" Syempre, isa kang bubuyog di ka talaga puwedeng maging langgam," tugon ni
Gala Gumamela sa nagrereklamong bubuyog.

Muling umalis si Bumbi nang marinig niya ang isang pangkat ng ibon na
nag-aawitan. "Maari ba akong sumali sa inyo?"

"Basta magaling kang umawit, bawal ang pangit ang boses dito!" Tugon ng
lider na si Ibom Bon. Kasabay ng pagtango ni Bumbi ay ikinumpas ni maestro Bon
ang kanyang patpat "Bbbbbzzzz!!!, bbbzzz!!!...bbbzzz" malakas na ugong lamang
ang nakayanan niyang gawin

“Ano ba’yan, masyadong mababa ang boses mo! Ikinalulungkot ko pero


hindi ka maaing sumali. Kaming mga ibon lamang ang nakakaawit nang
maganda!” hatol ni Maestro Bon.

Naghalakhakan ang iba pang mga ibon. Malungkot na bumalik si Bumbi sa


talutot ni Gela. Sinisi niya ang pagiging bubuyog kung bakit walang indayog ang
kanyang boses. Samantala ay muli siyang pinaalalahanan ni Gela na bumalik na
sa kanila sapagkat gumagabi na, ngunit siya ay patuloy sa paghiga hanggang
sa siyay makatulog.

Gabi na nang siyay magising. Binati siya ng mga alitaptap na tila mga
bituwing isinabog sa paligid. Siya ay naakit at hindi na humiwalay.

“Maari ba akong maging tulad ninyo?” Ako nga pala si Bumbi Bubuyog.
Gustong-gusto ko rin magkailaw sa aking puwit,” ani ni Bumbi sa mga alitaptap.

“Sige, pero maglalaro muna tayo ng taguan!” ani Tiptap Alitaptap na siyang
lider ng grupo

“Ikaw ang taya!” sulsol pa ni Tiptaptu.

“Kapag nahuli mo ang kahit isa sa amin, lalagyan namin ng ilaw ang iyong
puwit,” pangako naman ni Tiptaptri.

Pumayag si Bumbi, wala sa isip niya na niloloko lamang siya ng mga pilyong
alitaptap.

“Ambisyosong bubuyog!Hindi ba niya alam na ang ilaw sa puwit ay para


lamang sa atin?” Bulong Tiptap Alitaptap.

“Halikayo’t turuan natin siya ng leksyon para maging kuntento siya sa


kanyang itsura!”

Naganap ang walang katapusang taguan. Tuwang-tuwang lumipad ng


pakalat ang mga alitaptap patungo sa mga kakahuyan.

“Habol Bumbi,habol. Bumbi nandito kami yahoo!” wika ng mga pilyong


alitaptap.

Tinugis ni Bumbi ang mga alitaptap at wala sa mga ito ang kanyang nahuli.
Huli na nang napansin ni Bumbi na naiwan na siya ng mga alitaptap sa gitna ng
kakahuyan. Habang nag-iisa sa lugar na iyon ay unti-unti siyang natakot. “Ang
dilim –dilim naman dito, paano kaya ako uuwi?” wika niya sa sarili.

Pinilit hanapin ni Bumbi ang daan pabalik pero hindi niya matandaan.
Nagsimulang pumatak ang ulan, nagmamadaling naghanap si Bumbi ng
masisilungan. Ginaw na ginaw at takot ang munting bubuyog.

Samantala, nagkakagulo na ang lahat ng mga bubuyog sa paghahanap sa


kanilang bunso. Sa dilim ng gabi, narinig ang walang katulad na pagsasanib ng
mga huni ng mga bubuyog. Umugong ang buong paligid.

“Bumbi, halika, umuwi ka na!” Wari ito ang kanilang sinsabi.

Nakarating sa kinaroroonan ni Bumbi ang tunog na iyon. Nabuhayan ng loob


si Bumbi. Sinundan niya ang pianagmulan ng huning iyon at muling ibinuka ang
kanyang bibig “B-Bbbbbbzzzzz! Bbbbzzzz! Bbbzzzzz” palapit ng palapit si Bumbi sa
kinaroroonan ng tunog hanggang sa matagpuan na ng mga bubuyog ang
kanilang bunso.

Tuwang-tuwa si Reyna Bibuska nang makarating sa bahay-pukyutan si Bumbi.


Yumakap sa kanya ng mahigpit ang busong bubuyog, pakiwari ni Bumbi ay wala
nang nilalang ang hihigit pa sa bubuyog.

Simula noon, natutuhan ni Bumbi Bubuyog na ipagmalaki na siya’y isang


bubuyog. Taas noo na niyang sinasabi “Aba, bubuyog yata ako!”

You might also like