You are on page 1of 6

Princess Jesa Zarene M.

Requeja 10-Thrones

“Every Beast Needs A Beauty”


Jonah Mae P. Pacala

I. Buod
Bata pa Lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay:
bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong
bents na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago Lang siguro sa kanya ngayon ay ang
pagkawala ng kanyang katuwang sa buhay: ang kanyang ina. Hindi pa nakakabangon sa sakit ay
pinili niyang magkatatag at mabuhay para sa sarili at para sa mga pangarap. Mahirap ang buhay
pero madaling maging malakas. Iyon ang panlaban niya, ang pagiging matatag at pursigido. Hindi
sya napapansin dahil dito, pero hindi parin ba ito mapapansin kung may lalakeng nakapaligid sa
kanya? Lalo na pag napaibig na siya nito? Mahina ba talaga ang mga babae pag dating sa pag ibig?
Dahil sigurado nitong una palang ay mauubos na nya ang kanyang lakas.

Siya ay isang tunay na kagandahan at hindi kailanman natakot sa halimaw. Sa halip,


tinanggap niya ang halimaw sa kanyang pinakamahusay at maging sa pinakamasamang sarili nito.
Alam niyang hindi maganda ang mahalin siya dahil babaero siya. Hinawakan niya siya sa
kaibuturan ng kanyang kawalan ng pag-asa. Nabubuhay sila sa dalawang magkaibang mundo.
Naniniwala siya na si Sunny ay isang anghel na karapat-dapat sa langit at hindi sa impyerno
kasama niya ngunit hindi siya basta-basta mawawala sa kanya. Ni minsan ay hindi niya naisip na
gusto nitong maghiganti noong una

II. Critique:
A. Mga Tauhan:
Si Nikkola Sunny Aragon, Masasabi kong Isa syang simpleng babae na may kaangking-
angking ganda, masipag at independent. Simula nung nawala ang kanyang Ina natuto syang
mabuhay mag isa. Nagtrabaho sya bilang crew sa fast food at nag sideline rin bilang marlboro girl
sa Isang bar at ang pinakahuli-janitress, kung saan una nyang nakilala si Logan Torrealba. Logan
Torrealba. Mabait, gwapo, matalino pero babaero. Maliban din sa mga katangian nito sya rin ay
palakaibigan. Una palang nyang kita sa kayo parang matagal na kayong magkakilala kung makipag
usap. Sya rin ang unang taong naging kaibigan nya sa kanyang trabaho bilang janitress.

Rage Del Fierro, has authoritative aura, evil demi-god like creature, aloof, dickhead,
workaholic, rich and successful businessman, successor of the Del Fierro Group of Companies
Katulad din naman sya ni Logan kaso suplado plus babaero wala ring bago katulad sa mga pinsan
nya. Suplado sya sa tipong maiirita ka talaga sa ugali at buong pagkatao nya. Sya ang
pinakamamahal ni Sunny. Brandon Rockwell. Ang pinakahuling pinaka-matalik na pinsan ni rage.
Yung ugali nya parang pinaghalong Logan at Rage din. Has authoritative aura, workaholic, rich
and successful businessman. Ang pangalawang taong nakilala ni sunny nang maging janitress.

Mia Conception. sya ang workmate ni Sunny at pinaka-matalik nitong kaibigan. Maganda,
mabait pareho rin kay sunny na walang kinakatakutan. Kasama sya ni Sunny sa kalungkutan at
kasayahan. Para naring silang magkapatid at pareho rin nang pinagdaanan sa buhay. Kid
Fuentabella. Isa sya pinakamatalik na kaibigan ni Rage at Boyfriend ni Mia. Gwapo, mapanukso.
Isa rin syang businessman. Nakilala rin ni Mia si Kid dahil kay Rage. Marco Del Fierro - Ang ama
ni Rage at ang dahilan kung bakit Nagkakilala si Rage at Sunny. Dahil si Sunny ang anak ng Dating
kabit ng tatay nito. Gusto ni Rage na maghiganti kay sunny para sa kanyang Ina. Cassandra Del
Fierro - Ang Ina ni Rage at ang taong ayaw na ayaw kay sunny dahil sa history nila.

B. Banghay
Napalayas si Sunny kaya't ngayon ay pinagkakasva nalang nito ang isang libong pera nyang
natitira para makapaghanap ng pera at trabaho. Nagpatuloy ito sa pazhhauap ng trabaho Sinubukan
nya sa fast food chain na panay direkta nila kay sunny sa malalaking kumpanya Pumunta sya sa
Jollibee na pangatlong branch na nitong napuntahan Habang kausap ang Manager ay may itinuro
itong building kay sunny kung saan sya pwedeng mag apply. Nay apply ito bilang janitress at agad
itong nakuha at dun sila nagkakilala ni Rage, ang CEO nang kumpanyang inapplyan nya.
Nagsimula na si Sunny sa kanyang trabaho nung araw na kinuha sya at duon nya nakilala si Mia
na Isa ring janitress na lagi nyang kasama. Nag linis lamang ito buong araw nag libot-libot sa
buong building.
Natapos na ang buong araw nya. Lumabas muna ito saglit para bumili ng de lata kesa
kumain sa jollibee. Isang de lata sa isang araw. Mabuti nalang at may matitirahan ito, yun ang
pinaka importante. Bumili si sunny ng walong de lata at kakain nalang sa karinderya. Kailangan
nitong magtipid dahil malayo pa ang swelduhan. Para pag nakaipon ito ay pwede na syang
makahanap ng matitirhan. Nag trabaho si Sunny sa Isang bar bilang Marlboro girl at simula nung
nagkita sila ni rage dito ay tila nagbago ang pakikitungo nito sa kanya na para ba itong napapalapit
at lagi na rin ito niyayaya ni rage kumain ng lunch kasama sya. Napaghahalataan na ito ni sunny
kaya medyo nag aalinlangan ito dahil hindi nga sila pareho ng estado sa buhay. Napaghahalataan
nadin ni Rage na tila lumalayo si sunny sa kanya. Lalong napaghahalataan nung ginawa nya ang
gawain ni sunny bilang janitress eh sya nga may ari ng kumpanyang iyon. Naikwento ni sunny kay
rage na mag aral ulit at tila hindi nito nagustuhan ang balak ni sunny.

Inimbitahan si Sunny nila Logan para sa Birthday ni Kid, kasama si Mia. Nag Bihis at Nag
ayos pa ito pero pagdating nya ay pagmamaliit lang pala ang aabutan nya mula sa babaeng kasama
ni Rage at kay Rage rin mismo. Kinaumagahan ay nag trabaho na ulit si Sunny at ang una pa nyang
lilinisan ay kwarto ni Rage. Pagkatapos nitong mag linis ay niyaya siya ni Kid Kumain sa labas
pero ito'y sinang ayunan ni Rage bago si Sunny. Bakit? Dahil bawal daw makipag date sa mga
trabahador ni Rage. Hindi rin naman pumayag si Sunny dahil sa tingin nito ay hindi naman talaga
ito magandang tingnan. Pero pumayag naman si Sunny makipag date kasama nga lang sa Rage at
Logan. Nakikipag kompetensyahan pa nga si Rage kay Kid.

Natapos ang ilang buwam, Nakapagisip isip si Sunny na pwede na syang magtrabaho dahil
may sapat naipon din naman na sya. Nag resign ito at na approve naman na after ng ilang linggo
pero nag stay padin sya sa trabaho dahil wala pa itong nahahanap na bed space. Sa ilang linggo pa
nilang pagsasama ni Rage ay tila nagkakamabutihan na ang kanilang loob. Niligawan ito ni Rage
at Lagi narin Silang magkasama and eventually naging sila rin. Kaso ang problema ay nalaman ni
Kid iyon at dun na nagkaproblema. Hindi narin nag trabaho so Sunny sa kumpanya nila Rage at
bumalik na sa bahay ng auntie nya at tinuloy ang pag-aaral. Hindi narin sila naguusap ni Kid pero
tuloy tuloy padin ang relasyon nila ni Rage.
Katatapos lang ng school ni sunny at sabi ni rage ay antayin daw nya ito pero ilang oras na
syang naghihintay pero hindi parin ito dumarating. Napalingon si Sunny sa labas ng school nila at
nakita nya ang pamilyar na sasakyan ni Rage at may lalakeng papunta sa kanya. Sabi ng lalake ay
pinapahatid ito ni rage sa bahay nito. Napansin ni Sunny na parang may problema ito at nagulat si
Sunny nang may biglang kumatok sa bintana ng sasakyan ni Rage, ang nanay ni rage. Nagulat si
Sunny nang makita nya ang muka ng taong katabi ng nanay ni rage. Sila Rage ang pamilya ng
Kabit ng Mama nito. Narinig ni Sunny mula sa babaeng kasama ni Rage na dapat daw ay tigilan
na ni Rage ang balak na paghihiganti kay sunny. Nakupirma pa mismo nito kay Rage.

Lahat pala simula sa pag apply nya trabaho ay planado ni Rage at ang pinakamahirap pa
ay nalaman nyang may fiance na pala ito. Kinausap pa ni Rage si Sunny pero lahat na ay malinaw
sa kanya. Umalis si Sunny at agad pumunta may kid kung saan andun din si Mia. Kwinento nito
sa kanila ang ginawang panloloko ni Rage sa kanya at ang lalaking minahal ng nanay nito maliban
sa tatay nya ay tatay ni Rage at na may fiance na si Rage. Nagusap usap pa sila at inantok na si
Sunny. Umaga palang ay sinabi na ni kid na lumipat si Sunny sa condo nya para may kasama ito.
Bago sila pumunta roon ay pumunta muna sila sa mcdo para kumain. Napapansin din na parang
namumutla si Sunny at nung ibinigay na sa kanila ang binili nilang pagkain ay bigla na lamang
itong nagsuka. May kutob na si Mia na buntis ito at dahil din hindi pa dinadatnan si Sunny.
Binilhan ito ni Mia ng pregnancy test at nagpositive ito. Kahit anong ulit nya ay ganun parin ang
kinalalabasan. Lunes, pumasok si Sunny sa kanilang paaralan kahit masama parin ang pakitamdam
nya. After class ay bigla nitong nakita sa Rage sa kanilang school gate at pinipilit itong makipag
usap sa kanya at balikan ito pero hindi pumayag si Sunny.

Nalaman ni Sunny na may share pala ang nanay nya sa kumpanya ni Rage kung saan ito
nagtratrabaho dati. Pero bago nya makuha ang pera ay kailangan nyang magtrabaho ayon sa
kundisyon ni Rage. Iyon nga ang ginawa nya nagtrabaho kahit buntis sya ay kailangan nyang mag
trabaho at sundin lahat ng pinapagawa ni Rage para lang magka pera sya makalayo-layo na. Pero
kakaiba nga talaga ang tadhana at nalaman na nga ni Rage na buntis si Sunny. Okay naman ang
lahat inaalagan sya ni Rage at lagi itong nanjan para kay Sunny pero nagkagulo nang sumulpot
ang uncle ni Sunny at nanghihingi ng pera dahil nagkasakit daw ang auntie nya at nagpauto naman
si Sunny. Ang sabi nito ay ibenta nalang ang singing ni Sunny (their engagement ring) o kaya't
manghingi nalang sa asawa nito. Duon rin biglang sumulpot si Ezra na may dalang pera at
kundisyon. Ang Pera nang nanay nya ang Makita si Ezra at Rage na ikasal sa harap niyo. Pinili
nga ni sunny ang Pera at pinanood si Ezra at Rage na iannounce ang kanilang engagement.

Lumayo si Sunny at pumunta sa aurora kung saan andun ang beach house ng mama nya
kasama narin ang pera nya. Ilang araw palang itong namamalagi pero may tao agad na sumulpot
mula sa kanyang paligid, si Rage. Kahit magaling si sunny sa tagutaguan ay mahahanap ag
mahahanap padin daw ito ni rage.

"I love you, Sunny. I love you so damn much. You got me smitten bad. Very very bad. And
you're about to experience a very smitten beast."

C. Tagpuan

Del Fierro Company, Isang successful na kumpanya.Isang innovative at Malaking


kumpanya where you can sleep. Ito ang ang unang kumpanyang trinabahuhan ni sunny as janitress
at kung saan din nya nakilala si Rage. Bar, Mausok at maingay at madaming tao na pwede mong
makasalamuha. Ito ang pangalawang trabaho ni Sunny kung saan nagsimula ang interaksyon nila
ni Rage na at kung saan sila mas naging close. Aurora, ang beach resort ng mama ni Sunny.
peaceful place kung saan pwede kang mag relax at tahimik narin at pinakaimportante ang view ng
dagat at simoy ng hangin na pinaghalong dagat. Ito ang lugar na pinuntahan ni sunny o tinaguan,
pagkatapos ibigay ni Ezra ang kundisyon nito sa kanya. Dito rsya nahanap ni Rage pagktapos nya
mag tago. Condo - Kung saan dinala si sunny nung nalaman nya na may fiance na ito. High class
na condo. May magandang interior at mga furnitures at may magandang view from the top. Dito
dinala si sunny pagkatapos nyang malaman na ang tatay pala ni Rage ay ang dating kabit ng nanay
nya. Fastfood, Dito naghinala sila sunny na buntis sya. Bahay ng auntie ni Sunny - Makalat at
Masikip at madumi dahil hindi na masyadong nalilinisan. Dito tumira si sunny pagkatapos nya
mag resign sa trabaho.

D. Estilo sa Pagsulat
Ang nasabing akda ay nakapokus sa laganapan ng buhay ng pangunahing tauhan kaya’t
nahahanay ito sa teyoryang romantisismo na ang layunin ay maipamalas ang ibat ibang paraan sa
ngalan ng pag-ibig na ang pokus pinakapaksa ng buhay ni Sunny at Rage. Tumatalakay ito sa
damdamin ng tao sa ngalan ng pag-ibig. Naka pokus ang mga mababasa sa emosyon, imahinasyon
at damdamin ng akda. Kilala ng author ang kanyang isinulat tulad ng detalya at impormasyon
nakaloob dito, Kung babasahin mo ang istorya ay alam mong mabisa ang estilo ng manunulat.
Gumagamit ito ng ibat ibang bokubolaryo at kakaiba ang paraan ng pagsusulat niya ng kanyang
mga kwento kumpara sa istilo ng pagsulat ng ibang mga may-akda. Kailangan mo talagang
unawain ang kanyang mga akda para maintindihan mo ito.

III. Konklusyon
Nung una ko itong nabasa ya medyo naguluhan ako pero nang nakalahati ko na ang akda
mas lalo kong naiintindihan ang nilalaman ng akda. Kilala rin si jonaxx sa kakaibang plots nya sa
kanyang mga akda, katulad nito. Kung babasahin mo ang buong akda medyo maguguluhan ka ng
kaunti pero maintindihan mo rin naman sa huli. Hindi rin iisa ang conflict rito kaya’t mada ka pang
luha, saya at galit na mailalabas. Ang makukuhang mong aral ditto ay, magkaiba man ang inyong
mundo, kung sa una man hay masakit ang inyong tagpo pero sa huli parin ay kayong dalawa parin
ang ipagtatagpo kung ang pagmamahal nyo ay totoo.

You might also like