You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

CARLOS HILADO MEMORIAL STATE UNIVERSITY


Talisay Main Campus
Panunuring Pampelikula

Pangalan: Dela Torre, Mary Joy Petsa: Enero 20, 2023

Reyes, Rose Ann

Deleguer, Lee Angel

Lidres, Diosalle

Palma, Luzmarie

Kurso: BSED FILIPINO 3-A Guro: Rey Q. Mendoza, PhD

I. Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula: A Family Affair
B. Direktor ng Pelikula: Jerome Chavez Pobocan at Raymund Ocampo
C. Prodyuser: Star Creatives
D. Mga Pangunahing Tauhan - Gumanap na Artista:
Cherry Red Magwayen-Estrella- Ivana Alawi
Katangian: Maalaga, maganda, mapagmahal, at masipag ngunit dahil sa
kasamaang ginawa ng mag-ama sa kanyang buhay ay napilitan siyang
gumanti.
Francisco Estrella (Paco) – Gerald Anderson
Katangian: Maginoo, pangalawa sa magkakapatid, mabilis mapikon,
matulungin, may paninindigan sa pagmamahal kay Cherry.
Dave Estrella -Sam Milby
Katangian: Matipuno, panganay, mapagkumbaba, at torpe para ipaglaban
ang tama at pagmamahal kay Cherry Red.
Sebastian Estrella (Seb) - Jake Ejercito
Katangian: Mahilig mag gig, pangatlo sa magkakapatid, musikero,
maligalig, babaero, at nagsisi sa huli dahil sa kasalanan niya kay
colleen.
Andrew Estrella (Drew) – Jameson Blake
Katangian: Gwapo, bunso sa magkakapatid, mahina, walang paki sa
responsibilidad, at sa huli ay pinagbayaran ang kasalanang nagawa.
E. Tema ng Pelikula: Pag-ibig, Drama, Pamilya
F. Buod ng Pelikula:
Nagsimula ang lahat sa Rodeo General Luna sa Rantso at ang kwento
tungkol mag-amang Estrella’s at sa isang batang babae na
nangagangalang Cherry Red kung saan siya ay isang tagapagmana ng
isang bahay na pagmamay-ari ni Carolina Estrella, ina ng Estrella’s
brothers. Balak sanang tanggihan ni Cherry ang pamana kaya lang
sinabihan siya ng kanyang tiyahin na wala pa silang bahay at
kinakailangan nila iyon para hindi mahirapan kaya naman tinanggap
nalang ni Cherry Red ang pamana kapalit ng pagtratrabaho niya sa
rantso. Nung una ay ayaw pa ni Dave kay Cherry Red dahil sino ngaba
siya para pamanahan ng kanilang ina ngunit nung nakita niya ang
kabutihang loob ni Cherry Red ay unti-unting nagbago ito paglipas ng
panahon at nabuo ang kanilang pagiibigan. Ngunit sa pagbalik ng ama
ni Cherry Red at namatay dahil sa trahedyang dulot ng druga may
alitan na nangyari dahil nakita ng ama ni Cherry Red na may
ninanakaw na pera sa Drew kaya naman nagpanik ito at hindi na
nakapag-isip ng maayos dahil sa takot nabaka isumbong ito sa
kanyang ama noong araw din na iyon ay may nakitang liham ang ama
ni Cherry kaya balak sanang makausap ng maayos ang ama ng
Estrellas brother ngunit dahil sa galit at tensyon ay ihampas ng bato ni
Drew si mang Panyo at hindi naglaon noong lumayo pa sina Dave at
Drew para pag-isipan ang gagawin nila kay mang Panyo ay nagkausap
ang dalawang ama at doon na nga nalaman ng ama ni Cherry ang
tunay na kadahilanan kung bakit namatay ang tunay na ina ni Cherry
kaya naman para hindi na ito kumalat ay binaril nila ito at tinapon sa
ilog. Pagkatapos nilibing ang ama ni Cherry ay pinabuting hinaliwayan
ni Dave si Cherry dahil nakokonsyensiya ito sa ginawa ng kanyang
kapatid. Nagbago ang lahat at umalis si Dave sa rantso para
mangibang bansa at habang naroon sya ay sinikapan naman ni Paco
na makuha ang atensyon ni Cherry at nagtagumpay naman ito at
pinakasalan pa nga si Cherry. 8. Ang Plug
Habang nag-aaway sina Dave at Paco tungkol sa negosyo, ang mga
problema ni Freddie ay nagdudulot ng mabigat na epekto sa kanya-
naiwan ang kanyang balansing buhay. Sa pag-anunsyo ng huling
habilin ni Freddie, nabigla ang magkapatid na Estrella nang malaman
ang malaking desisyon ng kanilang ama. Ang Tagapag-alaga, isang
nakakakilabot na panaginip tungkol sa kanyang ama ang
bumabagabag kay Cherry Red at nang araw ding yun ay nagpalitan ng
suntok sina Dave at Paco sa kanilang camping trip dahil nahuli ni Paco
si Dave na tila minamasdan na naliligo si Cherry Red. Dahil sa alitan
ay may namuong tensyon sa loob ng pamilya Estrella kasunod ng
malaking anunsyo ni Dave na kay Cherry Red ito ipapaalaga.
Nagkaroon ng pagtatalo sina Cherry Red at Paco tungkol sa mana dahil
tila hindi daw nirespeto ang kanyang kapasidad sa pamamalakad ng
rantso. Namuo ang insecurity at selos kay Becca pagkatapos niyang
kumpirmahin ang romantikong nakaraan nina Dave at Cherry Red
kaya nagpasya si Becca na ipaglaban si Dave at nag-isip ng paraan
para makuha ang kanyang puso. Nang maglaon, uminit ang mga
bagay-bagay sa pagitan nina Dave at Paco pagkatapos ng isang rodeo
match. Nang mapadpad si Dave sa isang isla kasama si Cherry Red,
ginamit niya ang pagkakataon para ipagtapat ang kanyang
nararamdaman para sa kanyang pag-ibig kay Cherry. Sa lihim na
nakabaon, ang isang sulyap sa liham ni Carol kay Panyong ay
humantong kay Paco sa isang nakagugulat na pagtuklas tungkol sa
mana ni Cherry Red at gayundin sa negosyo ng kanilang pamilya.
Sinikap ni Cherry Red na tanungin si Lando tungkol sa ang
nawawalang sulat ay muling nagbukas ng mga lumang sugat na may
kaugnayan sa pagkamatay ng kanyang ama. Nakarating si Paco sa
isang desisyon na nagbabago sa buhay nang ang isang pangunahing
kasosyo sa negosyo ay huminto mula kay Cuatro Estrella. Sa kabila ng
kanilang pag-aalinlangan tungkol sa plano ni Paco na linlangin ang
kanyang asawa ay nagsinungaling siya gayundin ang magkakapatid na
Estrella. Dahil sa sobrang kalungkutan at nakaraang trauma ni
Cherry Red na nagpabigat sa kanyang puso at damdamin habang sina
becca at dave naman ay nagkakalabuan na. Nagsisimula nang
maranasan ni Paco ang madilim na bahagi ng pulitika. Dahil sa
kanyang mga problema, nagpasya si Cherry Red na humingi ng
propesyonal na tulong. Si Cherry Red ay na-harass habang
nangangampanya para kay Paco, na nagdulot ng pagdududa tungkol
sa kanyang asawa. Binayaran ni Belle si Seb at Colleen ng sorpresang
pagbisita. Matapos ma-kidnap sina Cherry Red at Dave, napilitan si
Dave na sabihin kay Paco ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni
Panyong. Sumabog sa galit si Paco nang matuklasan niyang si Drew
ang may kinalaman sa pagkamatay ni Panyong. Nang maglaon, nilinaw
ni Tori ang kanyang sikreto. Dahil sa natuklasan ni Paco ay parang
hindi na niya alam an kanyang gagawin matapos ihayag ni Dave ang
katotohanan sa likod ng pagpanaw ng mga magulang ni Cherry Red. Sa
pagkuha ng aliw sa piling ng isa't isa, sina Cherry Red at Dave ay
nakahanap ng closure na kailangan nilang bitawan ang kanilang
nakaraan. Dahil gusto ng magkapatid na maayos pa ang lahat sa
kagustuhan nila ay nag gaslighting nila si Cherry Red. Sa kabila ng
kanilang mga unang pagdududa at pag-aalinlangan, ang magkapatid
na Estrella ay sumang-ayon na pakainin si Cherry Red sa sandalling
magising siya. Habang sinusubukan ni Cherry Red na kumawala sa
kanyang mga diumano'y maling akala, iniisip ng mga tao sa paligid
niya na kailangan niya ng espesyal na paggamot para sa kanyang
kondisyon. Humingi si Paco ng tulong kay Tori sa pagsasabi ng totoo
kay Cherry Red, na ikinabigla lamang ng isang nakagugulat na
paghahayag. Natisod ni Cherry Red ang lumang telepono ni Carol
habang sinusubukan niyang lutasin ang misteryong bumabalot sa rest
house ng mga Estrella at si naman ay gumawa ng isang mahalagang
desisyon bilang kanyang sikreto ipinahayag. Plano ni Drew na gumawa
ng bagong simula kasama si Tori. Ngunit dahil gusto ng gumanti ni
Cheery kay Drew at nagkausap sila ng malalim at sinabi ni Drew ang
totoong pagkamatay ng magulang ni Cherry ay tila naguho ang mundo
ni Cherry at sinabihan si Drew na mahihirapan siyang patawarin ito.
Habang ang tensyon naman sa mag-asawang sis eb at colleen ay lalo
ding lumalala ng pinuntahan nis eb ang kabit niya dahil gusto itong
patayin ni Gov sa napanuod nitong bidyo ng dalawa ay kinaumagahan
pagkauwi nis eb sa kanilang bahay para hanapin si collen ay nagbigti
na pala ito. Sina Seb at Cherry Red ay nabibigatan ng pagkakasala
kasunod ng isang malagim na kamatayan. Nang maglaon, natuklasan
ni Seb kung sino ang nasa likod ng kanyang video scandal. Nilinaw ni
Paco ang mga isyung bumabalot sa kanyang pamilya sa publiko.
Kasabay nito, nag-aalala ang magkapatid na Estrella kay Seb. Sobra
ang pagkagalit ni Seeb kay Cherry dahil namatay si collen. At dahil din
sa guilty na naramdaman ni Cherry Red ay nagsimula ng bagong
buhay si Cherry Red ngunit nagpupumilit na makamit. Nang maglaon,
nakatanggap si Paco ng isang kasiya-siyang sorpresa at ito ay ang anak
nil ani Cherry. Nais ni Paco na bumawi sa kanyang mga nakaraang
paglabag. Samantala, ang magkapatid na Estrella ay gumawa ng isang
napakahalagang desisyon na bitawan ang kanilang madilim na
nakaraan. Si Cherry Red ay muling nakipagkita sa magkakapatid na
Estrella, habang si Paco ay nakatagpo ng mga ebidensya na
naglalantad sa katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Panyong na
hindi pala si Drew ang tunay na pumatay kay Panyong kundi ang
kanyang pinakamamahal na ama at dun nagtapos ang kwento.

II.Mga Aspektong Teknikal


A. Musika o Sound Effects- Akin ka nalang ang pangunahing musikang
ginamit ng pelikula at ang lyricsyt at kompositor ng kanta ay si
Moirisette at ang tunay na singer nito pero ang ipinapatugtog na
musika sa family affair ang bersyon ni Gigi de Lana. Kung mapapansin
natin sa pelikula tanging ang instrumental na lamang ang
ipinapatugtog sa ibang eksena tulad ng romantikong bahagi. Isang
orihinal na musika ang ginamit, masasabi namin na angkop lamang
ang mga musikang ginamit na itinapat sa bawat tagpo ng pelikula. May
malalim na emosyon itong ibinibigay sa bawat tagpo, at pati mga
manonood ay mararamdaman ang ga kaganapang nangyayari sa bawat
yugto ng eksena, at dahil din lang sa iba’t ibang pisikal na emosyon
na ipinapakita nito kundi dahil din sa emosyong ipinaparamdam ng
musika na umaantig sa iyong puso ng tagapanood.
B. Sinematografi- Sa unang episode palang ay makikita na agad mga
long shot (karaniwang tinatawag ding Wide shots) ay nagpapakita ng
paksa mula sa malayo, na nagbibigay-diin sa lugar at lokasyon, habang
ang Close shot ay nagpapakita ng mga detalye ng paksa at nagha-
highlight ng mga emosyon ng isang karakter lalong lallo na sa
pagpapakita ng Rantso. Marami kaming nakitang medium shot sa
bawat episode hanggang sa panhuli kung saan ang parte ng katawan
sa pagkuha ng larawan ay hanggang biwang lamang. Minsan ang
pagputol ng ibang eksena ay hindi na detalyado katulad ng iba kung
saan ang naganap dito ay nakapokus lamang sa kanilang mukha.
Halimbawa ay nung nabasa ni Cherry ang sulat ay naka pokus sa
mukha nito upang makita ang emosyon niya. May mga close-up shot
rin kaming nakita, ito ay isang camera shot kung saan karamihan—
kung hindi man lahat—ng frame ay puno ng mukha ng isang at aktor o
isang mahalagang feature, detalye, o bagay. Ang pangunahing layunin
ng isang close-up ay upang ihatid ang impormasyon; ito ang paraan ng
gumagawa ng pelikula para sabihin sa manonood, sa paningin, na ito
ay mahalaga.
C. Editing ng Pelikula
- Sa editing naman, maganda naman ang pagkakasunod-sunod sa
pangyayari at naipapakita naman dito ang bawat tagpo ng maayos.
Mayroong eksena na hindi madaling maiintindihan at mayroong ding
madaling intindihin ang mensaheng nais iparating ng pelikula at
medyo magulo dahil ang ibang eksena ay bigla nalang lilitaw ang
flashback. Sapagkat humihila ito ng interes sa mga manonood ng
pelikulang ito dahil sa mga pangyayari sa eksena na konektado sa
karanasan sa buhay mayroong ding maganda at nakakatuwa tingnan
kagaya na lamang nang naliligo sila sa dagat na magkakapatid at
kasama ang bida nababae ngunit may iban rin na hindi maganda sa
paningin ng ibang manonood dahil sa mga maiinit na pangyayari sa
pelikula ganito din ito sa iba’t ibang special effects na mas
nagpatingkad sa dating ng pelikula. May mga editing din sa mga
episode na tila nadadamay ang ibang di naman mga importanting
bagay na nakakaapekto sa magandang set ng mga bidyo.
D. Desinyo ng Set-
Makikita naman natin na pinaghandaan nila lahat ng mga lugar ng set
nila dahil makikita natin ang nga magagandang lugar at ang iban set
ay nasa isang lugar lang. Pero ang kanilang sentro ay sa bahay at hindi
makakaila na talagang propesyonal ang mga nasa set dahil nagawa nila
ng malinis ang lahat ng eksena sa pelikula na parang totoo at may
buhay. Hindi natin mawawari na ito ay isa lang palang desinyo na
ginawa ng mga tao sa set at kaya nila ito bigyan nga magandang
kalabasan sa tulong ng mga magaling na production team at artista na
naging magandang pelikula ang kinalabasan.
E. Istilo ng Manunulat- pangatlong tauhan
III. Mga Teoryang Pampanitikan
A. Teoeryang Realismo
Ang pelikulang A family Affairs ay may mga ganap at mga pangyayari na
nangyayari sa totoong buhay ng isang tao ito'y masasabing nating
naging realismo dahil ang pangyayari at kaganapan sa teleserye ay
mahahalintulad natin sa ating kaugalian kagaya ng mga taong nakatira
sa mga baryo at mga pagmamay ari ng isang lupang sakahan at
masasabi rin natin na sa totoong buhay ay mayroong tao na
nagmamay ari ng isang hacienda o sakahan na makikita o
mapapanood din natin sa kaganapan sa pelikula A family Affairs. At
ang mga karakter ng nga tauhan sa pelikula ay masasabi din nating ito
ay isang realismo dahil sa realidad ay ang katangian nila ay makikita
natin sa ating komunidad na mayroon ay magkasing katulad pati ang
mga pangyayari pagbabangayaan na kaganapan sa pelikula ay
nangyayari din sa totoong buhay pati ang pagpatay ng mga tao ang isa
rin ito sa realidad na nagyayari sa ating paligid. Sa eksena na binasa ni
Cherry Red ang isang sulat ito ay isang kaganapan sa realidad na
walang sekreto na hindi na bubunyag.
B. Teoryang Romantisismo
Dahil sa pagmamahal ng ama ng apat na magkakapatid sa pera ay
nagawa niyang patayin ang ina ni Cherry at ang ama nito. Ang
pagmamahal ni Cherry Red sa kanyang tiyahin at sa apat na
magkakapatid lalong lalo na sa una niyang kasintahan na si Daven ay
hindi naglaon ay may pagmamahal paring hindi nila malimutan
naudlot lamang ito sa kasalanang hindi naman ginawa ni Dave. Ang
pagmamahalang nabuo nina Paco at Cherry ay nagbunga sa huli
ngunit sa kasamaang palad ay hindi nagtagumpay o nagpatuloy ang
pagmamahalan ng dalawa dahil sa pagiging sakim ni Paco sa eksena.

C. Teoryang Naturalismo
Ang A Family Affairs na pelikula ay may mga pangyayari na masasabing
mong natural na itong kaganapan sa ating mga Pilipino kagaya na
lamang ang paghihigante ito'y masasabi na nating naging natural na sa
atin ito . Mapapanood natin sa pelikula ang paghihigante ng isang
bidang babae dahil sa pagpaslang sa kanyang ama, na nilihim sa
kanya ng mga taong malapit sa puso niya kaya ng nabunyag ang
katotohan ay naghigante siya . Ito pangyayari na ito ay natural na sa
mga Pilipino ang ganitong eksena ang pagtago ng isang sikreto sa
pamilya at mga taong mayroong takot , galit at poot nang
nararamdaman at nilihim ma lamang ngunit hindi natin mataitago ito
habang buhay at ang taong biktima ay maniningil sa huli dahil
nalalaman ang katotohanan at natural na ito sa ating mundo. At
masasabi rin natin na naging natural din sa ating Pilipino ang pag
aagawan sa pagmamahal ng isang babaye at dalawang lalaki at ang
pagseselosan, mapapanood din natin ito sa eksena na naganap ang pag
seselosan at ang pag aagawan pati narin ang pananabik ng isang lalaki
sa nakaraan niya ngunit huli na ang lahat at ang mga kaganapan sa
teleseryeng ito ay mayroong natural na sa ating mundong ginagalawan
ngayong panahon dahil naging laganap na ito at natural.
D. Teoryang Dekonstruksyunismo
Ang A family affair ay may mga eksena na sumasalamin sa lipunan na
totoong buhay. Katulad na lamang na kapag mahirap ay mahihirapan
kayong makuha ang inyong tamang sweldo o tamang hustisya para sa
mga taong mahal niyo sa buhay na pumanaw katulad sa nangyari kay
cherry red na hindi na bigyan ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang
ama dahil wala silang sapat na kakayahan o pera upang magbayad
para maibigay sa kanya ang hustisya. Katulad rin ng sa mga
magtatrabaho sa hacienda na hindi tama ang kanilang sweldo at
mababa parin ang kanilang sahod kung kaya’t nag isip nalang sila ng
isang Negosyo upang makadagdag sa kanilang pang araw-araw.

E. Teoryang Sikolohikal
Sa pelikulang A Family Affair ay makikita ang pagmamahal ni cherry Red
sa kanyang ama at sa magkakapatid na estrella ngunit lahat ng ito ay
may hangganan at pagbabago. Dahil sa isang katotohanan ay nagbago
ang takbo ang buhay nilang lahat ay nag bago ang pakikitungo ni
cherry hope sa magkakapatid na estrella at nag ugyok ito para
magkasakitan silang lahat. Dahil sa sekretong tinago ng magkakatid ay
nagbago at gumanti si cherry sa kanila, sobrang nasaktan si cherry red
sa nalaman na tinago nilang sila ang may kasalanan kung bakit
namatay ang ama nito. Dahil sa nangyari ay naging magulo ang
kanilang buhay, ang pagmamahal ni cherry red sa kanyang ama ay
hindi matutumbasan kung kaya't nakayanan niyang gumanti sa
magkakapatid. Sa kasalanang kanilang ginawa ay nakasakit din si
cherry ng mga taong walang kasalanan dahil na kain na ito ng galit
niya. Subalit kahit sa lahat ng nangyari si cherry ay bumangon at
nagpakalayo layo dahil nalaman niya sa kanyang sarili na hindi na
tama ang kanyang mga ginagawa kung kaya't nagbago siya at sa huli
ay humihingi siya ng tawad sa mga ito. Bumalik si cherry sa
magkakapatid na estrella dahil ito ay may anak kay Paco at sila'y
nagkapatawan sa lahat ng nangyari sa kanilang buhay.

F. Teoryang Feminismo

Dito naman sa Teoryang Feminismo ay ang pagiging single mom ni cherry


red at kahit na sinubok siya ng panahon ay naitaguyod niya ang
kanyang anak at napalaki ng mabait at magandang bata. Kahit mag isa
lang siya hindi ito naging hadlang para ipakita niya sa kanyang anak
na pwede siyang maging nanay at tatay nito. Sa pag lipas ng panahon
ang pagiging mag isa na tumataguyod sa anak ay napakamahirap na
gagampanan ng isang babae ngunit si cherry red ay naging malakas at
hinarap ang buhay na mag isa upang buhayin ang anak kahit na
mahirap lamang ito. Walang makakapantay sa pagmamahal at
pagaalaga ng isang ina sa kanyang anak kahit sinubok man ito ng
panahon.

IV. Bisang Pampanitikan


A. Bisa sa Isip
Ang akda ay naging daan upang mapatunayan at maipakita na kahit
saang lugar ay hindi nawawala ang hindi pagkakapantay-pantay o di
kaya nama’y paggamit ng dahas upang maitago ang katotohanan.
Ang akda ay isa lamang sa mga nagmulat ng aking isipan sa hindi
makatuwirang ang pagtago sa katotohanan. Nababatid sa akda na ang
akala ng mga karakter ay nakabubuti ang pagtago sa katotohanan
ngunit ito ay hindi dahil along nagkagulo lamang ang buhay nila.
Bukod sa nagbigay kaalaman ang akda patungkol sa pagtago
ng katotohanan ay nagbigay din ito kaalaman sa kakulangan ng
kalinga at gabay ng ina kay Drew ay nagawa niyang mag rebelde. Alam
naman natin na ang kalinga ng isang ina ay kakaiba, sa paglaki ni
Drew nag-iiba ang isip nito at napapabarkada sa masasama. Gayun pa
man ang akda ay may malawak na kaisipan na ating mapapanood sa
bawat pangyayari.

B. Bisa sa Kaasalan
Sa akdang ito, maraming klase ng asal ang makikita rito. Mayroong
masama na kung saan ay nakapag bukas isipan sa madla. Ang ugaling
pagiging sakim ang pinag ugatan sa kuwento. Ng dahil sa kaasalang
yan ay maraming nawala ang buhay at ang iba ay nagdusa. Dahil sa
negosyo, ito ang naging ugat. Isang malinaw na naging masama ang isa
tao dahil sa pagiging gahaman. Nakita ko din na iba-iba ang ugali ng
bawat karakter. May nabulag sa pag-ibig, nag rebelde, nagtaksil sa
asawa at sobrang pagmamahal sa pamilya. Gayon pa man sa huli ay
naitatama ang nga maling ugali para na din sa pagbabagong buhay.

C. Bisa sa Damdamin
Ilang taon na ang nakalilipas sa hindi malamang dahilan, ang isang
magandang babae na may pangalang Cherry Red ay nagmana ng isang
ari-arian mula sa pinakamayamang pamilya ng bayan nang ang
matriarch ng pamilya ay misteryosong namatay. Dahil dito naging
bahagi siya ng buhay ng mga kapatid na naiwan kina Dave, Paco, Seb,
at Drew.

Apat na lalaki na bumuo ng kakaibang relasyon sa kanya pero dapat lalo


na sina Paco at dave na dalawang panganay na anak. Si Dave ang first
love ni Cherry habang si Paco naman ay naging fiance niya. Ang dati
nang kumplikadong relasyon sa pamilya ay nagiging mas kumplikado
kapag ang katotohanan tungkol sa pamana ng mga Cherry ay
nabunyag, na naglalantad ng malalim na nakabaon na mga lihim at
pagpatay sa nakaraan, sa huli ay nasubok nila ang isang katapatan at
pagmamahal na mayroon sila sa isa't isa

At dahil dun maraming emosyon o damdamin ng mga karakter na hindi


nagagawa ng pisikal kundi mental at sikolohikal na gawain na makikita
sa kilos, ugali, o ang gawa ng mga karakter. Iba- iba ang emosyon na
mararamdaman sa buhay nga mga karakter, tulad ng saya, selos,
lungkot, pagsisisi, pag galit, paghiganti, ni Cherry Red. Lahat ng mga
karakter at may ibat ibang emosyon, maaring selos ang dahil sa ari-
arian, paghigante dahil sa isang murder na naganap. Maari ring ang
emosyon ng isang tao ay dulot ng pag ibig o pagmamahal

V. Mga Magagandang Pahayag mula sa Pelikula (Sipi)

“Mahal? Ganyan naba ang mahal ang daling iwan, ngayong kailangang
kailangan kita”– Cherry Red

“Ang nagmamahal hindi nanloloko. Ang nagmamahal,nilalabanan kahit


sariling kahinaan” Colleen

“Maghihintay ulit ako hanggang sa maging handa kana, hanggang sa


maramdaman mo ulit kahit gaano katagal”- Paco Estrella

“Tori, ikaw ang sunrise ko. Pinaniniwalaan mo ako na may pag-asa pa,
katulad ko” Andrew Estrella

“Nak minsan ang mga ginagawanatin hindi nasusukat sa intension, dahil


minsan malayo ang intension natin sa katotohanan” Ebs

VI. Sariling Reaksyon

Sa panonood naming ng pelikula ito ay masasabi naming ang pelikula ay


naglalaman ng maraming aral hindi lamang tungkol sa pag-ibig kundi pati
narin sa pamilya at pagkakaibigan. Na kahit ano mang dumaang problema
kung kaya namang pag-usapan para maayos at masolusyonan ay
magagawa natin katulad sa nangyari sa pamilya ng estrellas. At sa mga
eksenang masyadong malaswa at mga eksenang parang hindi naman na
kailangan ipakita halimbawa ay ang hindi pagliligo ni Cherry Red na
ipinapakita talaga ang kanyang masisilang bahagi ng katawan. Hindi
karapat dapat gumanap si Ivana Alawi sa kanyang karakter dahil ang
kaniyang pisikal na kaanyuan dahil hind ito i bumabagay sa kanya dahil
naayon siya o nababagay sa mayayaman na karakter.

Sa panonood naming \ng pelikula ito ay masasabi naming ang pelikula ay


naglalaman ng maraming aral hindi lamang tungkol sa pag-ibig kundi pati
narin sa pamilya at pagkakaibigan. Na kahit ano mang dumaang problema
kung kaya pang pag-usapan para maayos ay magagawa natin katulad sa
nangyari sa pamilya ng estrellasgusto ang pagganap ni ivana sa karakter
na kanyang ginagampanan kasi hindi bagay sa kanya sa totoo lang maging
mahirap. Hindi ko rin nagustohan ang bigla na lamang naging komtrabida
ang kanyang bkarakter. Pati na ang kanyang damit sino ba naman ang
nagtratrabaho nan aka daster lamang sa loob ng opisina.

Krayterya sa Pagwawasto:

Pamantayan Puntos

Nilalaman 60 puntos

Mga Pagpapatunay 20 puntos

Paglalahad 10 puntos

Mekaniks 10 puntos

Kabuang Iskor 100 puntos

You might also like