You are on page 1of 1

Ni Steffi Rae G.

Erice

Sa simula sila’y iisa, buo at masaya. Ang mag-asawang labis ang pagmamahalan at tuwa.
Kasiyahan ang pumapaligid sa kanilang bahay kasama ang kanilang dalawang anak. Ngunit sa
paglipas ng taon, sila’y biglang nagkasira-sira, nagkawatak-watak at natabunan ng maraming problema.
Pamilya pa nga ba ‘to?

Pamilya kontra pamilya. Dahil sa sobrang inggit ng kapatid ng kanilang ama, ito na ang
simula ng kanilang pagkasira. Sariling kapatid ng kanilang ama ang mismong pumapagitan sa
kanilang dalawa. Hanggang sa umabot ito sa sakitan. ‘Di niya kayang ipagtanggol ang kaniyang
sariling pamilya dahil sa mas matimbang ang una niya, dun sa kaniyang pinanggalingan. Ang mag-
asawang puno ng pagmamahalan ay napalitan ng puot at galit. Na kung saan nasa punto na sila sa
hiwalayan. Wala na bang pagbabago?

Sa mga taong lumipas, problema ng mag-asawa’y biglang naging okay na. Pilit nilang
binabalik ang pamilya nilang puno ng pagmamahalan. Sa kabutihang-palad, biniyayaan sila ng isa
pang anak na siyang susi ng kanilang pagbabalikan at katahimikan ng lahat.

Sa ‘di inaasahang pangyayari, biglang bumaliktad ang gulong ng palad. Bumabalik ulit
ang mapapait na pangyayari sakanila. Kung sino ang sumira sa kanilang noon ay siyang nagbabalik.
Pamilya nila’y wala ng patutunguhan. Mga anak nila’y nadadamay. Kaya ang babae’y
nagpasyang tuloyan nalang nilang tapusin kung ano man ang namamagitan sakanilang dalawa. Mga
anak nila’y kinausap para maliwanagan ang kalooban nila. Mamulat sila kung ano man ang totoong
nangyayari sa kanila.

‘Di man naging maganda ang kahihinatnan ng kanilang pamilya, ‘di nila ito hinayaang
maging hadlang para sa kinabukas nila. Sila’y patuloy na umaangat at naisip nilang isa itong
magandang pangyayari sakanilang buhay. At pinapaubaya na lamang nila kung ano pa man ang
susunod pang mangyayari, sa kanilang Ama sa langit.

You might also like