You are on page 1of 1

Gawain 1:

1. Sa inyong palagay, ano ang naging mahalagang papel ng


pelikula sa buhay ng mga Pilipino?
Bilang isang pilipino na mahilig sa pelikula, ang mahalagang papel nito
ay ang pagbibigay aral sa mga manonood tungkol sa iba’t ibang aspekto
ng buhay. Ang halimbawa nito ay ang ‘The Four Sister and A Wedding’
kung saan nakita natin ang iba’t ibang perpekstibo ng magkakaibang
karakter sa palikulang ito. Maliban sa aral, nagbibigay rin eto ng halaga
upang magbigay ng mukha sa industriya ng pelikula ang pelikulang
gawang pilipino.

2. Naniniwala ba kayo na ang pelikula ay nakaiimpluwensya sa


buhay ng mga manonood? Patunayan.
Katulad nga ng aking sinabi sa unang tanong ang pelikula ay nagbibigay
aral sa atin na maaaring maimpluwensyahan tayo lalo na kung nakaka-
relate tayo sa karakter ng nasa pelikula. May napanood akong pelikula
pero hindi gawang pilipino ang pamagat nito ay ‘Me Before You’ eto
talaga ang isa sa mga tumatak sa isip at puso ko na pelikula kung saan
tinuturuan tayo na piliin ang sarili muna kaysa ang iba. Ngayon ay
isinasabuhay ko na ‘to. Lagi kong inuuna ang sarili ko, chinecheck ko
muna ang sarili ko kung okay lang ba na gawin ko to, ano ang
nararamdaman ko sa sitwasyon na to? Mga gantong tanong na
nagbigay sa akin nang paraan upang mas makilala ko ang aking sarili.

You might also like