You are on page 1of 2

Jerika Paula L.

Loja Agosto 28, 2019


10 - Curie

Gabay sa Pagsusuri ng Pelikula

NEW GENERATION HEROES

I. TEMA
(Tungkol saan ang napanood na pelikula?)
- Ang pelikulang amin napanood ay tungkol sa kwento ng tatlong mga bayani ng
bagong henerasyon. Una, si Gener na isang may-ari ng junkshop na nangangalap
ng mga lumang aklat para turuan ang mga batang walang kakayahang pumasok
sa paaralan sa kanilang lugar bunga ng kahirapan at maagang pagbagsak sa
paghahanapbuhay. Ang pangalawa ay si Lolita, isang guro na gagawin ang lahat
para maitaguyod ang dalawang anak kung saan ang isa rito ay may cerebral
palsy. Pinagsasabay ni Lolita ang pagtuturo at pagtitinda ng kung ano-anong
bagay at iba’t ibang mga pagkain o ulam sa kaniyang mga kapwa guro. Ang
pangatlo naman ay si Cora na isang OFW sa korea at nagtuturo ng English sa mga
koreano, lingid sa kaniyang kaalaman, napapariwara na ang kaniyang panganay
na anak na lalaki pati na rin ang kaniyang asawa, ngunit ginagawa niya parin ang
lahat upang mapaganda ang kanilang buhay.

II. TAUHAN
(Sino-sino ang mga tauhan sa pelikula? Ano ang ginagampanan nila papel sa
pelikula?)
- Jao Mapa bilang Gener
- Joyce Penas bilang Lolita
- Aiko Melendez bilang Cora
- Anita Linda bilang Ginang Fajardo

III. TAGPUAN
(Ibigay at ilarawan ang mga naging tagpuan)
- Maganda ang mga nagin tagpuan sa pelikula gaya ng sa korea. Iba’t iba ang
tagpuan sa pelikula na nagsasaad rin ng iba’t ibang kwento. Ang mga tagpuan ay
malinis ang pagkakakuha at maganda rin ang mga lugar. Isa rin ito sa mga rason
kung bakit maganda ang pelikula dahil isa sa mga nagdadala ng pagkamaganda
ng pelikula ay ang tagpuan nito.
IV. SINEMATOGRAPIYA

(Sapat ba ang larawan o kulay sa pelikula? Ipaliwanag. Bagay ba ang paglapat ng


musika sa iskrip?)

- Ang larawan at kulay sa pelikula ay sapat, at ang paglapat rin ng musika ay


maganda dahil ito rin ay nakatuon sa iskrip na dinadala ng actor na nakakaapekto
sa emosyon ng mga manonood. Maganda ang paglapat ng iba’t ibang musikang
nasa likod ng pelikula.

V. MENSAHE

(Ano ang mensaheng nais iparating sa mga manonood? Ano ang aral na nakuha
sa pelikula?)

- Ang tanging mensahe na nais iparating ng pelikula ay ang sakripisyo ng mga guro
sa buhay, mapa pamilya man o mapa paaralan. Ang pelikula ay naglalahad ng
kabutihan ng mga guro. Dito rin makikita sa pelikula na mayroon talagang mga
tao na mas mabusilak ang puso. Ang aral na aking nakuha sa pelikula ay kapag
ikaw ay may pag-asang tumulong sa kahit na anong bagay, tumulong ka dahil
hindi mo malalaman kung gaano ka nakakapasay ng tao kapag ikaw ay tumulong.
Binigyan rin ako ng pelikulang ito ng aral na kahit ilan pang pagsubok o problema
ang dadating sa iyong buhay, laban lang. Dahil walang katapusan ang problema
at kailangan mo lang talaga na mas magig malakas ka upang malampasan mo ito
at higit sa lahat, kumapit lang sa Diyos dahil siya ang gagabay sa iyo habang ika’y
naglalakbay sa kalsada ng iyong buhay.

You might also like