You are on page 1of 2

1.

ANONG ISYUNG PANLIPUNAN ANG NAIPAKITA O


NAILAHAD SA PELIKULA?
- Batay sa nasabing kwento sa pelikula naipakita dito ang hindi pagtrato ng
maayos sa mga estudyante at pagpaparusa ng pesikal sa mga mag-aaral at
hindi binibigyan ng respeto ang mga estudyante.

2. SINU-SINO ANG NAGING TAUHAN AT NAGING ROLE


NILA SA PELIKULA?

- Ang mga naging tauhan sa pelikula ay sina Bea Alonzo bilang isang guro ng
Sta. Lucia na nagbibigay ng payo sa mga estudyanteng may malaking
problema at siya ang nakatuklas kung sino ang pumatay kay erika at si Jake
Cuenca bilang isang imbestigador at nag-iimbestiga sa sunod-sunod na
pagpatay ng mga estudyante ng Sta. Lucia at si Charo Santos bilang isang
Punong Guro sa paaralan ng Sta. Lucia at pinaparusahan niya ang hindi
sumusunod sa kanyang patakaran.

3. SAAN NANGYARI ANG PELIKULA O SETTING NG


PELIKULA?
- Sa isang paaralan ng Sta. Lucia na kung saan maraming mga kwentong
kumakalat tungkol dito at pagsapit ng hating gabi sa 3 rd floor corridor may
makikita kang CR doon at kung sino ang papasok sa nasabing CR ay hindi
na makakalabas at papatayin ng masamang espirito.
REAKSYONG PAPEL TUNGKOL SA PELIKULANG
EERIE

Para sa akin ang reaksyon ko sa pelikulang eerie ay may maganda at di magandang naidulot
sa akin o marahil sa iba dahil sa naipakita na hindi pagtrato ng mabuti sa mga estudyante na kung
saan pinaparusahan ang hindi tumutupad o sumusunod sa kanilang patakaran dahil dito maaaring
magdulot ito ng negatibo sa mga manonood lalong-lalo na sa mga bata.

Maaari ding magdulot ito ng takot sa mga manonood lalo na sa mga bata. Dahil ipinapakita
dito sa pelikula ang pagpatay at pagparusa sa mga bata na naging dahilan ng kanilang pagkamatay
kaya para sa akin walang magandang naidulot o aral sa mga manonood ang nasabing pelikula.
Batay sa pelikula meron ding aral ang makukuha gaya ng pagdarasal araw-araw at inilalahad rin
nila ang pagiging maka-diyos. Base sa aking pagkakaalam marami ng mga kaso ng heart attack
ang nakaranas dahil sa panonood ng ganitong klaseng pelikula kaya masasabi ko na delikado ito
sa mga taong may sakit sa puso at sa mga taong matatakutin dahil pwede silang magkaroon ng
Trauma o Disorder sa pag-iisip.

May nakuha din akong aral sa pelikula na dapat nating mahalin ang ating kapwa at may
respeto sa isa’t-isa dapat din tayong tumulong sa iba kung may problema maliit man o malaki
dapat pinagtutulungan para sa ikabubuti ng lahat.

TIMOTHY E. VILLANOS
BS-CRIM II BLOCK B

You might also like