You are on page 1of 1

Name: de Luna, Jenny Rose R.

Date: May 28, 2022


Course: BSBA-2

Reaction Paper No.1


Kuwarto o Kuwarto

Ang movie na “Kuwarto o Kuwarto” ay hango sa


tunay na pangyayari. Ito ay patungkol sa isang
estudyante na biktima ng sexual harassment ng
kanyang college professor. Hindi lingid sa ating
kaalaman na maraming babae, matanda o bata
man ay nagiging biktima ng ganitong uri ng
pagtrato o harassment.
Sa movie na ito mapapanuod natin kung paano ang naging trato ng kanyang guro sa
kanyang mga estudyante. Makikita natin na sa kabila ng pagsusumikap sa pag-aaral ng kanyang
estudyante ay nagagawa nitong pahirapan ang mag-aaral, ipahiya sa klase at ibagsak ang grado.
Ito ang kanyang naging paraan upang gumawa ng hakbang at makagawa ng hindi maganda sa
kanyang estudyante. Sa palabas na ito, mapapanuod natin kung paano ipinaglaban ni Cielo ang
kanyang Karapatan bilang estudyante, higit bilang babae na hindi dapat nararanasan na mga
estudyante na trato mula sa kanilang mga guro. Nagkaroon siya ng lakas ng loob upang sabihin
sa kanyang pamilya at kaibigan ang ginawa ng kanilang guro na naging daan upang wakasan ang
sexual harassment na ginagawa nito sa kanyang mga estudyanteng babae.
Dito natin makikita na hindi tayo dapat
basta-basta nagpapadala sa takot o pananakot
na sinasabi sa atin. Dapat tayo ay manindigan
sa kung ano ang tama at dapat alam natin ang
batas na magpo-protekta sa atin bilang babae
at bilang tao (RA 7877 – Anti-Sexual
Harassment Law).

You might also like