You are on page 1of 1

“Ang Diyos ay Buhay”

Sabihin na nating, ang tao’y may iba’t-ibang pananaw sa buhay, tanggap man natin o hindi,
hindi maiiwasang mapupunta tayo sa sitwasyong salungat ang ating opinyon kompara sa
nakararami. Aking napagtanto ang bagay na ito noong ako’y pumasok sa kolehiyo, kahit pa man
sinabi na ng mga nakatatanda sa akin ang mga bagay na maaring mararanasan ko, iba pa rin ang
pakiramdam kapag nandoon ka na sa sitwasyong iyon. Sadyang, ang bawat isa ay may iba’t ibang
pinaggalingan at karanasan sa buhay na nakakaapekto sa paghubog ng kanilang pagkatao at
paningin sa mga bagay-bagay. Kapag relihiyon na ang pinag-uusapan, dito gumugulong ang walang
hanggang argyumento upang patunayan lamang na ang isang bagay ay ang katotohanan.
Marahil ay iilan pa lamang ang nakapanood sa pelikulang “God’s Not Dead”. Ito ay isang
malalim at makapangyarihang pelikula tungkol sa isang mag-aaral sa kolehiyo na dapat manindigan
para sa kanyang pananampalataya sa bawat katanungan ng kanyang propesor na ateista. Ang
ateismo ay ang kawalan ng paniniwala o ang panininindigang hindi totoong mayroong mga diyos.
Nagsimula ito nang pilitin ng propesor ang bawat estyudante sa kanyang klase na pirmihan ang
papel o pangako na kung saan ay nakasaad na ang Diyos ay patay, na lubos namang itinanggi ni
Josh. Sa kanyang pagtanggi, nagbunga ito ng galit mula sa propesor at nagbantang sisirain niya ang
pagkakataong makapsok siya sa “law school”. Kaya sa bawat klase ay tinutuon ng propesor ang
kanyang atensyon kay Josh at ang bawat malulupit na argyumento ay pilit na ibinabato para lamang
patunayan na walang Diyos. Ang nakamamangha’y kahit ano pa mang gawin ng propesor na
nakapanghihina ng loob, sa huli ay natagpuan niya mismo ang kanyang sarili sa pagdududang ang
kanyang ipinagtatanggol ay maaaring walang katotohanan. Sa kabuuan ng pelikula, ito ay
tumutukoy sa mga problemang kinakaharap ng mga Kristiyano sa kolehiyo ngayon. Habang
gumugulong ang mga kredito, daan-daang mga kaso ang nakikipaglaban para sa mga karapatan ng
mga estudyanteng Kristiyano at propesor sa campus.
Mula sa pelikulang ito, natutunan kong umintindi ng pagkakaiba. Sa ating lipunan, kagaya
ng propesor, hindi maikakaila na ang mga taong nasa posisyon o mas mataas na kalagayan sa buhay
ang nasusunod, dahil nga sila ang may kapangyarihan. Ang katapangan ay nangangailangan ng
lakas ng loob, tulad ni Josh, isang estyudante at kristyano, kahit pa man ang kapalit ng kanyang
pagtatanggol sa kanyang pananampalataya ay ang pagkawala ng kanyang pangarap, hindi siya
nagdalawang isip na panindigan ito. Marami sa atin nang dahil lamang sa takot ay itinatanggi ang
katotohanang nasa atin. Dahil din sa pelikulang ito, napagtanto kong, hindi dahil naiiba ka ay ibig
sabihing nasa maling panig ka na at hindi lahat ng ginagawa ng nakararami ay tama. Kahit ikaw na
lamang ang natitira upang ipaglaban ang tama, gawin mo ito.

You might also like