You are on page 1of 46

ST.

JAMES ACADEMY

Ang Dahilan Kung Bakit Mas Pinipili ng mga Kabatan ang mga Banyagang Pelikula at

ang Epekto nito sa Kultura

Pananaliksik na Iniharap sa St. James Academy, Malabon City

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Mga mananaliksik:

Francisco, Sophia Marie E.

Labeña, Vince Emmanuel P.

Quiambao, Jayvee C.

Remiter, Jeanelle Andrea P.

Marso 9, 2018

1
ST. JAMES ACADEMY

Liham Pagtanggap

Ang pag-aaral na pinamagatang “Dahilan kung Bakit mas Pinipili ng mga Kabataan ang

panonood ng Banyagang pelikula at ang Epekto nito sa Kultura” ay iniharap sa

Departamento ng Filipino, St. James Academy bilang pagtupad sa huling kahilingan ng

asignaturang Pagbasa at Pagsuri sa Filipino at Estastistika na tinanngap nina:

________________________________ ________________________________

Bb. Jennette V. Evangelista G. Rodolfo Tolledo

Gurong Tagapayo Guro sa Estatistika

Tinanggap bilang pagtupad sa huling kahilingan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang teksto tungo sa Pananaliksik at Estatistika

Mananaliksik:

Sophia Marie E. Francisco, Vince Emmanuel P. Labeña, Jayvee C. Quiambao at Jeanelle

Andrea P. Remiter

Marso 2018

2
ST. JAMES ACADEMY

Pagkilala at Pasasalamat

Ang pananaliksik na ito ay imposibleng matatapos nang walang tulong ng mga

tao at mga opisina ng St. James Academy. Ang mga mananaliksik ay taos pusong

nagpapasalamat sa mga taong nagbigay ng motibasyon at inspirasyon sa mga

mananaliksik. Kay Bb. Evangelista na walang sawang nagtuturo, sumagot ng mga tanong

at magpaalala ng mga kailangan gawin at ipasa. Sa mga kaibigan ng mga mananaliksik sa

pagbibigay ng motibasyon sa mga oras na kinakailangan. Sa mga magulang ng mga

mananaliksik sa pagpapahintulot sa kanila na magpuyat at gumawa ng pananaliksik kahit

hating gabi na. Sa mga mag-aaral ng ika-9 na baitang na tumulong para matapos at

maisakatuparan ang pananaliksik na ito na nagpartisipa bilang mga respondante. Sa silid

aklatan ng senior high sa pagpapagamit ng mga kompyuter at pagpapahintulot sa pag-

gamit ng wifi. Kay G. Tolledo na nagturo ng mga sampling techniques na kinakailangan

sa pananaliksik na ito. Kay G. Olaya, Bb. Ente na binigay ang kanilang sobrang oras para

makatulong sa pananaliksik na ito. Pinakahuli ay sa diyos na nagbigay ng maraming

inspirasyon at motibasyon sa mga mananaliksik na matapos ang panannaliksik na ito.

3
ST. JAMES ACADEMY

Paghahandog

Inihahandog ng mga mananaliksik ang papel na ito sa panginoong Hesukristo na

laging natatakbuhan ng mga mananaliksik. Sa mga pamilya at sa lahat ng taong

sumoporta sa mga mananaliksik upang matapos ang pananaliksik na ito.

4
ST. JAMES ACADEMY

TALAAN NG NILALAMAN

PABALAT NA PAHINA……………………………………………..….....i

LIHAM PAGTANGGAP…………………………………………………...ii

TALAAN NG NILALAMAN………………………………………….......iii

PAGKILALA AT PASASALAMAT………………………………………iv

PAGHAHANDOG……………………………………………………….….v

Kabanata

1 Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

Panimula…………………………………………………………………………. 7

Konsepto ng Pag-aaral………………………………………………………........ 9

Paglalahad ng Suliranin………………………………………………………… 10

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………......... 11

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral………………………………………....... 12

Depinisyon/Kahulugan ng Termino…………………………………………….. 13

2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Epekto ng Panonood ng Banyagang pelikula sa mga Pilipinong

kabataan………………….......……………………………………………….….15

3 METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………………........... 19

Paraan ng Pananaliksik……………………………………………………......... 20

Lugar ng Pag-aaral…………………………………………………………….... 20

Mga Pokus ng Pag-aaral………………………………………………............... 20

Mga Instrumentong Pananaliksik……………………………………...….……. 21


5
ST. JAMES ACADEMY

Pangangalap ng Datos…………………..………………………..……………... 21

4 PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

5 LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom…………………………………………………………………............... 33

Konklusyon………………………………………………………………........... 34

Rekomendasyon……………………………………………………………….... 37

Bibliograpiya………………………………………………………………..........38

Dakong Daagdag

Liham ng Pagpapaalam…………………………......................................40

Instumentong Pananaliksik……………………………………………... 41

Kurikulum Bitey………………………………….…………………….. 43

6
ST. JAMES ACADEMY

Kabanata 1

Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pag-aaral mula sa panimula, konsepto ng

pag-aaral, paglalahad ng suliranin, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at delimitasyon ng

pag-aaral, hanggang sa depinisyon o pagbibigay kahulugan sa mga termino.

Panimula

Ang mga Pilipino ay hindi lang gusto ang panonood ng mga pelikula, kundi

gusting-gusto nila ito (Tan, 2008). Talagang gustong gusto ng ng mga Pilipino na

manood ng mga pelikula. Makikita naman ito tuwing Pasko kung saan nagdadagsaan ang

maraming pamilyang Pilipino para manood ng pelikulang inihahandog ng Metro Manila

Film Festival (MMFF). Kaya sumikat ang mga artistang sina Vice Ganda, Robin Padilla,

Sharon Cuneta ay dahil sa mga pelikulang ito at kung hindi likas at gusto ng manood ng

pelikula ng mga Pilipino, hindi sisikat ang mga artistang katulad nila.

Ang mga pelikula ang mistulang pantakas ng mga tao sa realidad ng buhay

(Griffin, 2013). Ngunit, nanatili pa ring repleksyon ng mga nangyayari sa paligid ang

mga pinapakita sa pelikula. Ipinapakita ng mga pelikula kung paano ginagamit sa kritikal

na pag-iisip ang kagandahang asal at kultura. Maari rin ipakita ng mga pelikula ang mga

nangyayari sa totoong buhay at ng storya ng isang tao na pwedeng kapulutan ng aral ng

mga nakararami. Marami ang gustong manood ng pelikula upang magpahinga habang

nanonood ng mga palabas, mapalokal o banyagang pelikula man.

7
ST. JAMES ACADEMY

Ang mga magagandang kuwento o daloy ng istorya at ang magandang

sinematograpiya ng mga banyagang pelikula ang dahilan kung bakit mas pinipili itong

panoorin ng mga kabataan at ang mga masasama at magagandang epekto nito sa kultura

ng Pilipinas. Maraming mga banyagang pelikula ang pinapalabas sa bansa at isa ito sa

mga dinadagsa ng mga tao sa mga mall. Napapag-iwanan minsan at halos hindi na

nabibigyang pansin ang mga lokal na pelikula na kasabay pinapalabas sa mga banyagang

pelikula. Nais ng mga mananaliksik malaman kung may malaki bang epekto sa kultura

ang panonood ng mga banyagang pelikula. Nais ding malaman ng mananaliksik kung

masama o mabuti ang naidudulot nito sa kultura ng bansa.

8
ST. JAMES ACADEMY

Konsepto ng Pag-aaral

Panonood ng banyagang pelikula ng mga

kabataaan

Epekto ng panonood ng Ang mayroon sa banyagang


banyagang pelikula ng mga pelikula na wala sa lokal na
kabataan sa kultura pelikula

Masamang Magandang
epekto sa epekto sa
kultura. kultura.

Talaguhitan bilang 1.

Ang ipanapakita ng talaguhitan na ito ay ang panonood ng kabataan ng mga

banyagang pelikula at ang epekto nito sa kultura ng Pilipinas. Dahil sa panonood ng

kabataan sa mga banyagang pelikula, mas makalilimutan na nilang tangkilikin ang

sariling atin. Sa madaling salita, hindi na nila nabibigyang pansin ang mga lokal na

pelikula at mas pagtutuunan ito ng magandang epekto sa kanila, hindi pa rin mawawala

ang masamang dulot nito sa kultura ng bansa. Nakikilala ang Pilipinas dahil sa mga

pelikulang lokal.

Sa panonood ng banyagang pelikula, nagkakaroon ng pagkakakompara sa pagitan

ng lokal at banyagang pelikula. Marami ang tumutligsa sa lokal na pelikula dahil hindi

nito kayang pantayan ang aspetong sinematograpiya ng pelikula ng ibang bansa. Dahil

dito ay mas pinipili ng mga kabataan ang panonood ng banyagang pelikula kaysa sa

lokal.

9
ST. JAMES ACADEMY

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang malaman ang dahilan ng mga kabataan

kung bakit mas tinatangkilik nila ang banyagang pelikula at epekto nito sa kultura. Ang

mga sumusunod ay ang mga tanong na nais sagutin ng papel na ito:

 Ano ang mayroon sa banyagang pelikula na wala sa lokal na pelikula

kaya mas pinanonood ito ng mga kabataan?

 Ano ang masasamang epekto ng panonood ng banyagang pelikula sa

kultura?

 Ano ang magaganda epekto ng panonood ng banyagang pelikula sa

kultura?

10
ST. JAMES ACADEMY

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

1. Kultura ng Pilipinas – sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman ng mga

nananaliksik kung paano makakatulong sa Pilipinas ang panonood ng mga

banyagang pelikula at kung hindi naman ito magdudulot ng maganda, malalaman

din dito kung ano ano ang mga bagay na nalilimutan dahil sa panonoood ng mga

banyagang pelikula.

2. Mga gumagawa ng lokal na pelikula – sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,

malalaman ng mga gumagawa ng mga local na pelikula kung ano ang gusto ng

tao at kung paano makuha ang kiliti ng mga manonood.

3. Mga Estudyante – sa pamamagitan ng pagaaral na ito, makakatulong ito sa mga

estudyante sa pamamagitan ng madadagdagan ang kanilang nalaman at

malalaman rin nila kung ano ang epekto ng labis na panonood ng mga banyagang

pelikula sa atin kultura.

4. Mananaliksik – sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman ng mga

mananaliksik ang sagot kung mayroon ba talagang masama at mabuting epekto

ang panonood ng mga banyagang pelikula sa kultura ng Pilipinas.

11
ST. JAMES ACADEMY

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag aaral na ito ay malaman ang epekto ng panunuod ng

banyagang pelikula sa kabataan at ano ang maaring epekto nito sa local na kultura. Ang

mga pelikulang mula sa ibang bansa ay sikat na sikat ngayon at labis na tinatangkilik ang

mga gantong klaseng pelikula lalong lalo na sa mga kabataan. Ang pananaliksik na ito ay

nagbibigay tuon sa mga epekto ng pagtangkilik sa mga banyagang pelikula. Ninanais ng

pag aaral na ito na alamin ang maganda at masamang epekto nito sa kultura ng bansa.

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa lamang sa lungsod ng Malabon, at ang mga

respondante ay may kabuuang 75 na repondante na nagmula sa mga estudyanteng ika-9

baitang ng St. James Academy na may edad 14-16 na taong gulang. Ang mga

mananaliksik ay magsasagawa ng mga katanungan na patungkol sa paksa at gagawin

itong sarbey sa mga ika-9 baitang ng St. James Academy. Magsasagawa rin ng panayam

at sa mga paraang ito ay makakakalap ng datos.

12
ST. JAMES ACADEMY

Depinisyon / Kahulugan ng Termino

Upang mas mapaigi ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

salita ay binigyang-kahulugan:

 Banyaga – Ang banyaga ay isang taong hindi nagmula sa bansang

tinutuluyan niya. Ang salitang banyaga ay maari ding gamiting

panlarawan sa mga bagay na hindi nagmula sa isang bansa.

 Graphics – Ang graphics ay mga larawan na nagagawa gamit ang

makabagong teknolohiya at isa ito sa mga kailangan sa isang pelikula para

magkaroon ng isang magandang pelikula.

 MMFF – Ang Metro Manila Film Festival o mas kilala sa tawag na

MMFF, ay isang taon taing tradisyong tuwing buwang ng Disyembre. Ang

pista na ito ay nagpopokus sa pagpapalabas ng mga dekalibreng

pelikulang Pilipino.

 Pelikula – Ang pelikula ay isang palabas na maraming uri. Ito ay mas

kilala sa salitang “movie” sa wikang Ingles.

 Sinematograpiya – Ang sinematograpiya ay isang masining na bagay na

makikita at mapapanuod sa mga pelikula. Ito ang masining na

pagpoposisyon ng anggulo at mga puwesto ng larawan na mapapanuod sa

isang pelikula

13
ST. JAMES ACADEMY

Kabanata 2

Kaugnay na Literatura

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng Kaugnay na Literatura at pag-aaral sa

pananaliksik na patungkol sa “Ang Dahilan Kung Bakit Mas Pinipili ng mga Kabatan ang

mga Banyagang Pelikula at ang Epekto Nito sa Kultura.” Naglalaman ito ng mga iba’t

ibang datos na nakalap ng mga mananaliksik na magpapatunay sa pag-aaral. Ang mga

mananaliksik ay may tema na “Ano ang mga epekto ng panonood ng banyagang

pelikula sa mga Pilipinong kabataan”.

Pamagat: Mga Epekto ng panonood ng banyagang pelikula sa mga Pilipinong kabataan

Ayon kay Atienza 2016, nakita sa isang sarbey na 63.4% sa 7% na mga tao na

nanonood ng mga pelikula ay parte ng “educated classes”. Mahigit 50% ng mga lokal na

manonood ay ang mga nagkapagtapos ng hayskul at mga nagaaral kolehiyo, samantalang

14% namanang nakapagtapos na ng kolehiyo at mga post graduate students. (Cruz,

2008). Pinapakita ng datos na ito ang mga iba’t ibang klase ang tumatangkilik ng mga

pelikula mapa banyaga man o lokal. Ang panonood ng pelikula sa mga sinehan ay isa sa

mga libangan na maituturing ng karamihan na nakatutulong ito sa kanilang buhay lalong

lalo na sa emosyon. Taon- taon, napakaraming pelikula ang pinapalabas sa mga sinehan

sa bansa. Mapalokal o mapabanyagang pelikula man ay tiyak na tinatangkilik ito ng mga

manonood at kahit mahaba man ang pila sa bilihan ng tiket, sila ay nagtitiis mapanood

lamang ang bagong labas na pelikula.

14
ST. JAMES ACADEMY

Ang Pilipinas ang ikapitong bansa sa paglilikha ng mga pelikula (Vertido 2016).

Isa ang Pilipinas sa mga bansang lumilikha ng mga dekalibreng pelikula. Gayunpaman,

kahit na isa sa mga bansanh may pinakamaraming nalilikhang pelikula ang Pilipinas,

napapag-iwanan pa rin ang mga lokal pelikula kapag itinapat ang mga ito sa likha ng

Hollywood o iba pang mga banyagang pelikula na ipinapalabas sa bansa. Marami

namang sikat na korporasyon ang patuloy na gumagawa ng mga dekalibreng pelikula

tulad ng Regal Films, Star Cinema at iba pa (Philippine Primer, 2017). Ang mga

kadalasang pelikulang ginagawa ng mga ito ay tungkol sa romansa, aksyon, komedya o

kumbinasyon ng tatlo. Marami rin namang mga pelikulang hindi sikat o mas kilala sa

tawag na “indie films”. Ang mga pelikulang ito ay kadalasang itinatampok ang mga

problema ng lipunan tulad ng kahirapan, pakikipagtalik at iba pa.

Sa isang column ni Carlos Honde (2009), sinasabing ang dahilan ng pagtigil sa

paggawa ng ilang movie producers ay dahil sa hindi sila kumikita sa pagpo-prodyus ng

mga ito. Sinasabi na ang isang dahilan sa pagbagsak ng industriya ng pelikulang Pilipino

ay ang pagkaunti ng bilang ng mga nanonood dito. Masasabing ang Pilipinas ang may

pinakamatarik na pagbaba ng mga manonood dahil sa pagitan lamang ng ilang taon ay

dumami na ang ibinaba ng bilang ng mga manonood na nagpupunta sa mga sinehan. Sa

pananaw ng mga mananaliksik, isang dahilan ang pagdami ng mga banyagang pelikula

kung bakit kumokonti ang tumatangkilik sa pelikulang Pilipino.

Sabi sa Philippine Daily Inquirer, (2017), ay ang isa sa mga pagsubok nila bilang

taga gawa ng pelikula ay mahanap ang gusto at nais ng mga manonood. Nagmumula ang

mga manonood sa tahanan at ang impluwensya ng magulang ay mahalaga. Hindi naantig

ang mga Pilipino sa mga pelikulang puro pag-ibig at aksyon na pinagbibidahan ng mga

15
ST. JAMES ACADEMY

totoong tao. Ninananis din ng mga Pilipino na maghanap ng ibang uri ng pelikula at bago

sa mata ng manonood.

Sabi ni Lee (2011), ang pagmamahal ng mga Pilipino sa mga Korean nobela ay

nagpapakita ng malakas at matatag na relasyon ng bansang Korea at Pilipinas. Isa sa mga

layunin ng pag aaral na ito ay malaman ang mga epekto ng banyagang pelikula sa mga

kabataan at kultura ng bansa. Ayon kay Lee ang pagtangkilik ng ilang kabataan sa

banyagang pelikula partikular sa Korean Drama ay naka tutulong sa relasyon ng bansa.

Nagpapakita ito ng magandang epekto sa ating bansa at ekonomiya dahil sa paraang ito

mas dumarami ang mga turista sa ating bansa. Sa pamamagitan ng panonood ng

banyagang pelikula, nakikilala ng mga Pilipino ang mga kultura ng ibang bansa. Ang

hindi lang maganda minsan ay nakakalimutan na mismo ng iba kung ano at pano gamitin

ang kultutag kinalakhan at tuwang tuwa na lamang na gimagamit ang kultura ng ibang

lahi.

Sabi ni Martinez (2016), ang paghahanap ng gusto ng mga manood ay isa sa

kanilang pagsubok. Maghahanap ka ng isang tema pero sa kalaunan ay hindi pa sila

handa sa uri ng palabas na iyong naisip. Sa pananaw ng mga mananaliksik, isa sa mga

hindi magandang epekto ng panonood ng banyagang pelikula ay ito ang pinagmumulan

ng pagkukumpara sa pagitan ng dalawang kultura. Nahihirapan umisip ng mga

konseptong gagawin ang mga lokal na direktor. Sa pananaw ng mga mananaliksik,

naging pamanatayan na ng mga Pilipino ang mga banyagang pelikula sa pag-gawa ng

mga dekalibreng pelikula. Ngunit sa kabila ng mga iyon Ang Sineng Pilipino ay buhay na

buhay pag box office o tagumpay ng isang pelikula ang pinaguusapan (Gonzales, 2014).

16
ST. JAMES ACADEMY

Ilan sa mga pelikula ay pinapalabas ang mga importanteng nangyare sa nakalipas

ng isang bansa o tao (Edictive, 2013). Isa sa magandang epekto ng pelikula sa isang

bansa ay ang pagpapakita kung ano ang mayroon noon. Banyaga man o hindi ang

pelikula ay magandang representasyon para sa sariling bansa dahil dito naipapakita ang

pagmamahal ng tao sa bansang pinagmulan. Dahil sa pelikula dito nakikilala ang isang

bansa. Maaari itong magsilbing aral sa kabataan kung ano ang ginawa ng taong bayan

para sa kanilang bansa.

Sabi ni Gonzales (2014) na kahit na ipresenta ang ibang genre, magdagdag ng iba

sa nakasanayan para mapanatili nila ang gusto ng mga manonood. Ipinapakita nito na

kahit iisa ang tema; sinisiguro pa din na may kakaiba sa isang pelikula para balik balikan

ng mga manonood. Hindi lamang iyon basta pelikula kundi may makukuhang mga aral

ang mga manonood. Maari rin na pagpapalawig ng kuktura ang isang pelikula dahil hindi

mawawala sa kahit ano mang pelikulang Pilipino ang mga sumusunod na konsepto:

Pagmamahal sa pamilya, pag-aaruga sa mga anak, pag-galang sa mga matatanda at

marami pang iba.

Ang pelikula ay isang uri ng sining kung saan gumagalaw ang mga larawan na

maaring maging negosyo at libangan. Ito ay nagbibigay libang sa lahat ng klase ng

manonood matanda o bata man. Sa pag-usbong ng industriya ng mga pelikula hindi

maipagkakaila na kailangan nilang makasabay sa pagbabagong nagaganap. Ang mga

kabataan, na may edad 14-16, ay nahihilig sa mga banyagang pelikula sa kadahilanan a

bago ito sa kanilang paningin. Ayon sa isang artikulo ni Ilda, ang lokal na pelikula ay

mayroon lang isang klase ng istorya kung kaya’t hindi ito masyadong tinatangkilik ng

17
ST. JAMES ACADEMY

mga kabataan. Pinipili ng mga kabataan ang banyagang pelikula sapagkat mayroon silang

iba't ibang klase ng istilo kung paano nila ito ipalalabas. Ang pagbabago ng istilo ng mga

banyaga sa pelikula ay nagresulta ng magandang epekto dahil sa panahon ngayon mas

dumadami ang tumatangkilik sa kanilang uri ng pelikula.

Sa isang artikulo (2010), ang mga kabataan ay naapektuhan ang kanilang buhay

sa mga banyagang pelikula sa pamamagitan ng pag-aangkop ng kultura ng ibang bansa sa

kanilang sarili. Kung ano ang nakikita yun ang kanilang gagawin dahil ang alam nila

tama iyon. Mas tinatangkilik nila ang banyagang pelikula sapagkat mas gusto nila kung

ano ang ginawa ng mga tao sa ibang bansa o kung ano man ang ipinapakita sa telebisyon.

Halimbawa na lang ang panonood ng mga teleserye, mas gusto nila kung anong bago sa

kanilang paningin. Maganda sa isang kabataan ang manood ng iba’t- ibang klase ng

pelikula dahil maari silang makakuha ng impormasyon dito. Huwag nga lang natin

kalimutan ang lokal na pelikula kung saan tayo ay naging tanyag.

18
ST. JAMES ACADEMY

Kabanata III

Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa metodolohiyang ginamit sa pananaliksik,

disenyo ng pananaliksik, paraan ng pananaliksik, lugar ng pag-aaral, mga pokus ng pag-

aaral, mga instrumentong pananaliksik at pangangalap ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng komparatibong kuwalitatibo na pamamaraan

sa pagkolekta ng mga impormasyon hinggil sa dahilan kung bakit mas pinipili ng mga

kabataan ang panonood ng mga banyagang pelikula at ang epekto nito sa kultura ng

Pilipinas. Ang ng komparatibong kuwalitatibo ay dalawang disensyo ng pananaliksik na

pinaghalo. Ang komparatibong disenyo ay paraan ng pananaliksik na nais makita ang

pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang baryabol. Habang ang kuwalitatibong disenyo

naman ay isang uri ng pananaliksik na kumokolekta ng mga impormasyon at datos sa

pasulat na paraan upang maintindihan ang pangyayari ng isang bagay. Ito ang ginamit ng

mga mananaliksik dahil sa pag-aaral na ito ay nagpopokus sa dahilan kung bakit mas

pinapanood ng mga kabataan ang mga banyagang pelikula kompara sa sa mga lokal na

pelikula. Kinakailangan ding makuha ng mga mananaliksik ang resulta sa pamamagitan

ng sarbey. Maitatanong din sa pag-aaral na ito kung may epekto ba sa kultura ng Pilipinas

ang labis na panonood ng mga banyagang pelikula. Sa pamamagitan ng kuwalitatibong

disenyo, maipapahayag ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa maayos at organisadong

pamamaraan.

19
ST. JAMES ACADEMY

Paraan ng Pananaliksik

Layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung bakit mas tinatangkilik ng mga

kabataan ang mga banyagang pelikula at ang epekto nito sa kultura. Ang mga

mananaliksik ay gumawa ng mga tanong na nais sagutin ng nasabing pananliksik. Ang

mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan na naglalaman ng labing-isang tanong.

Ang nasabing talatanugan ay ipinamahagi sa mga mag-aaral ng ika 9 na baiting ng St.

James Academy.

Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa sa St. James Academy Malabon. Ang nasabing

paaralan ay isang halimbawa ng pribado at katolikong paaralan na pinamumunuan ng

mga madreng Dominikano. Ang mga madreng ito ay mula sa kongregasyon ng

Dominican sisters of the Trinity. Ang St. James Academy ay sakop ng Kalookan

Diocesan School Association na pinamumunuan ng Obispo ng lungsod ng Kalookan.

Ang nasabing paaralan din ay PAASCU level II accredited. Dito napili ng mga

mananaliksik na isagawa ang kanilang pag-aaral dahil naniniwala sila na sila ay

makakakuha ng mga impormasyon na angkop sa kanilang pag-aaral.

Mga Pokus ng Pag-aaral

Ang pokus ng pananaliksik na ito ay ang mga kabataang edad 14-16 na nag-aaral

sa St. James Academy Malabon taon aralan 2017-2018. Napili ng mga mananaliksik ang

mga respondanteng ito dahil sila ay naniniwala na may credibilidad ang mga ito sa

paksang tinatalakay ng pag-aaral. Ang mga katugon ng pag-aaral na ito ay 75 estudyante

20
ST. JAMES ACADEMY

ng baiting 9, tig 15 kada seksyon ng nabanggit na baiting. Ang sampling na ginamit ay

ang stratified sampling techinique.

Mga Instrumentong Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit para makakuha ng impormasyon sa pananaliksik ay

isang uri ng palatanungan o sarbey na naglalaman ng 11 tanong. Ang palatanungan ay

inihanda ng apat na mananaliksik ng pag-aaral na ito. Nilalaman nito ang mga malilinaw

na instruksyon para sagutan ang mga tanong. Laman din nito ang labing isang

katanungan na nahahati sa dalawang bahagi. Ang mga sagot sa tanong ay pipiliin lamang

ng respondante sa pamamagitan ng pag-itim sa bilog at ang pagbilog ng letra ng nais na

sagot.

Pangangalap ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng stratified sampling techinique. Ang

stratified sampling technique ay isang uri estastikang sampling technique kung saan ang

kabuong populasyon ay ay nahahati muna sa ibat-ibang strata at mula sa mga stratang

iyon ay kukunin ang mga respondante. Ang strata ay nakabase sa pagkakatulad ng mga

magpapartisipa sa pag-aaral tulad ng edad, kasariaan, pinagmulan at iba pa. Napili ng

mga mananaliksik ang sampling technique na ito dahil ito ang pinaka-angkop na

technique para sa paraan na ginawa ng mga mananaliksik sa pamimigay ng sarbey. Mula

sa kabuong populasyon ng ika – 9 na baiting, ang mga mananaliksik at pumili ng tig-15

na respondante bawat seksyon upang mabuo ang bilang ng kinakailangan na dami ng

respondante na 75.

21
ST. JAMES ACADEMY

Halimbawa:
200- Kabuoang populasyon ng
Grade 9

40 – Dami ng mag-aaral kada


seksyon

15 – Dami ng respondante
bawat seksyon

Grade 9 Students Students per strata Sample

San Lorenzo Ruiz 40 15

St. Vincent Ferrer 40 15

San Pedro
40 15
Calungsod

St. Sebastian 40 15

St. Stephen 40 15

40
X 75 = 15
200

22
ST. JAMES ACADEMY

Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Sa kabanatang ito makikita ang mga tanong na nilagay ng mga mananaliksik sa

talatanungan na sinagutan ng mga respondante. Ang mga sagot ng respondante ay

binigyan ng presentasyon at interpretasyon sa pamamgitan ng pag-gamit ng mga pie

graph at mga salita. Dito rin nakalagay ang mga konklusyon sa mga sagot sa bawat

tanong sa talatanungan na nakolekta.

23
ST. JAMES ACADEMY

Nanonood ka ba ng banyagang pelikula?

4%

Oo
Hindi

96%

Talaguhitan bilang 2.

Makikita sa pie graph na ito na mas marami ang nanonood ng banyagang pelikula

kaysa sa hindi nanonood ng banyagang pelikula. Sa mga respondante, 96% o 72

respondante ang sumagot na sila ay nanonood ng banyagang pelikula samantalang ang

natitirang 4% o 3 respondante naman ang nagsabing sila ay hindi nanonood ng banyagng

pelikula.

Sa pamamagitan ng pie graph na ito, malalaman ng mga mambabasa at mga

mananaliksik na halos lahat ng respondante ay nanonood ng banyagang peikula.

24
ST. JAMES ACADEMY

Gaano ka kadalas nanonood ng banyagang pelikula?

1%
25% 1-3 beses
4-6 na beses
55% 7 o higit pa
Hindi nagsagot
19%

Talaguhitan bilang 3.

Makikita sa pie graph na ito na ang mga respondante ay mas marami ang bilang ng

nanonood ng banyagang pelikula ng 1-3 beses kumpara sa iba. Sa mga respondate, 55% o

41 na respondante ang sumagot ng 1-3 beses silang nanonood ng banyagang pelikula,

25% o 19 na respondante naman ang sumagot 7 o higit pa, 19% o 14 na respondante

naman ang sumagot ng 4-6 na beses samantalang 1% o 1 respondante ang hindi sumagot.

Sa pamamagitan ng pie graph na ito, malalaman ng mga mambabasa at mga

mananaliksik na higit sa kalahati ng respondante ang madalang manood ng mga

banyagang pelikula sa isang buwan. Habang kulang naman sa kalahati ang mga madalas

manood ng mga banyagang pelikula sa loob ng isang buwan.

25
ST. JAMES ACADEMY

Nanonood ka ba ng lokal na pelikula?

11%

Oo
Hindi

89%

Talaguhitan bilang 4.

Makikita sa pie graph na ito na karamihan sa mga respondante ay nanonood ng

lokal na pelikula. Sa mga respondante, 89% o 67 na respondante ang sumagot na

nanonood sila ng lokal na pelikula samantalang 11% o 8 respondante ang nagsabing hindi

sila nanonood ng lokal na pelikula.

Sa pamamagitan ng pie graph na ito, malalaman ng mga mambabasa at mga

mananaliksik na katulad ng sa banyagang pelikula, mas marami rin ang nanonood ng

lokal na pelikula ngunit mas marami pa rin ang hindi nanonood ng lokal na pelikula

kaysa sa banyagang pelikula na may 4% lamang ng buong populasyon ng mga

respondante.

26
ST. JAMES ACADEMY

Gaano ka kadalas nanonood ng lokal na pelikula?

1%

5%
1- 3 beses
28% 4-6 beses
7 o higit pa
66% Hindi sumagot

Talaguhitan bilang 5.

Makikita sa pie graph na ito na ang mga respondate ay mas marami ang bilang ng

nanonood ng lokal na pelikula ng 1-3 beses. Sa mga respondate, 66% o 50 respondante

ang sumagot ng 1-3 beses silang nanonood ng banyagang pelikula, 5% o 4 na

respondante naman ang sumagot 7 o higit pa, 28% o 21 respondante naman ang sumagot

ng 4-6 na beses samantalang 1% o 1 respondante ang hindi sumagot.

Sa pamamagitan ng pie graph na ito, malalaman ng mga mambabasa at mga

mananaliksik na kakaunting beses lamang nanonood ng lokal na pelikula ang mga

respondante. Kompara sa banyagang pelikula, mas mataas ang porsyento ang madalang

manood ng lokal na pelikula.

27
ST. JAMES ACADEMY

Ano ang mas madalas mong pinapanood?

2%
25%
Lokal
Banyaga
Hindi sumagot
73%

Talaguhitan bilang 6.

Makikita sa pie graph na ito na mas marami ang porsyento ng nanonood ng

banyagang pelikula kaysa sa lokal na pelikula. Sa mga respondante, mayroong 73% o 55

na respondante ang bilang ng mas pinanonood ang banyagang pelikula samantalang 25%

o 19 na respondante naman ang nanonood ng lokal na pelikula at ang natitirang 2% o 1

respondante ang mga hindi sumagot.

Sa pamamagitan ng pie graph na ito, malalaman ng mga mambabasa at

mga mananaliksik na mas marami ang bilang ng mga respondante ang mas madalas na

nanonood ng mga banyagang pelikula kaysa sa lokal na pelikula.

28
ST. JAMES ACADEMY

Kung madalas kang nanonood ng lokal, anong mayroon sa lokal na wala sa

banyagang pelikula?

5%
28% Magandang sinematograpiya
28%
Magandang daloy ng kwento
Makatotohanang pangyayari
Iba pang sagot

39%

Talaguhitan bilang 7.

Makikita sa pie graph na ito na sa mga sumagot na sila ay mas madalas na

nanonood ng lokal na pelikula, pinakamarami ang sumagot na maganda ang daloy ng

kwento ng mga lokal na pelikula kaysa sa banyagang pelikula na may 39% o 7

respondante. Marami rin ang nagsagot na kaya nila mas pinapanood ang lokal na

pelikula kaysa sa banyagang pelikula ay dahil nakabase sa totoong pangyayari ang mga

ito at ayon rin sa kanila ay mas maganda ang sinematograpiya ng mga ito na may tig 28%

o 5 respondante . Ang natitirang 5% o 1 respondante naman ay nagsabi ng kanyang

sariling sagot. Sa pamamagitan ng pie graph na ito, malalaman ng mga mambabasa at

mga mananaliksik na sa 25% ng mga respondante na sumagot na mas pinanonood nila

ang lokal na pelikula kaysa sa banyagang pelikula ay dahil mas gusto nila ang mga daloy

ng kwento ng mga ito kaysa sa mga banyagang pelikula. Hindi rin lumayo ang

nagsasabing maganda ang sinematograpiya at makatotohanan ang mga pangyayari sa

lokal na pelikula kaysa sa mga banyagang pelikula.

29
ST. JAMES ACADEMY

Sa tingin mo, ano ang epekto sa kultura ng Pilipinas ng madalas na

pagtangkilik ng mga kabataan na lokal na pelikula?

5% Mas makikilala ang sariling kultura

26% Mabubuhay muli ang namatay na


42% kultura
Tatangkilikin ang sariling kultura

Iba pang sagot


27%

Talaguhitan bilang 8.
Makikita sa pie graph na ito na mas marami ang bilang ng sumagot na mas

makikilala ang ating kultura dahil sa madalas na pagtangkilik ng mga kabataan sa lokal

na pelikula na mayroong 42% o 8 respondante . Mayroon namang 26% o 5 respondante

na porsyento ang sumagot ng mabubuhay muli ang namatay na kultura at tatangkilikin ito

ng mga kabataan. Ang 27% o 5 respondante naman ng populasyon ng nagsagot ng lokal

ay nagsasabi na ang epekto ng pagtangkilik ng mga kabataan sa lokal na pelikula ay muli

nitong mabubuhay ang namatay na kultura.Ang natitirang 6% o 1 respondante nagsabing

mas matututo, mauunawaan at mas tatangkilikin ang mga lokal na pelikula ng ating mga

kababayan. Sa pamamagitan ng pie graph na ito, malalaman ng mga mambabasa at mga

mananaliksik na ang epekto ng pagtangkilik sa lokal na pelikula ng kabataan ay mas

makikilala pa ang kulturang kanilang kinagisnan. Marami rin ang nagsabi na naniniwala

sila na ang magandang epekto ng pagtangkilik sa lokal na pelikula ay pagkabuhay ng

namatay na kultura at ang mas lalo pang pagtangkilik sa sariling kultura.

30
ST. JAMES ACADEMY

Kung madalas kang nanonood ng banyaga, anong mayroon sa banyaga na wala sa

lokal na pelikula?

2%
2%
6%
Magandang sinematograpiya
Magandang daloy ng kwento
44%
Makatotohanang pangyayari
Iba pang sagot
46%
Hindi sumagot

Talaguhitan bilang 9.

Makikita sa pie graph na ito na sa 73% na sumagot na mas pinanonood nila ang

banyagang pelikula kaysa sa lokal na pelikula, mayroong 44% o 24 na respondante ang

nagsabing ang banyagang pelikula ay mayroong magandang sinematograpiya kaya mas

tinatangkilik ito ng karamihan. 46% o 25 respondante naman ang nagsabing ang

banyagang pelikula ay may magandang daloy ng kuwento. 6% o 3 respondante naman

ang nagsabing ang banyagang pelikula ay may temang totoong nangyayari sa buhay.

Mayroon namang 2% o 1 respondante ang nagsulat ng sarili nilang sagot samantalang

ang 2% o 1 respondante naman ay hindi sumagot. Sa pamamagitan ng pie graph na ito,

malalaman ng mga mambabasa at mga mananaliksik na halos hati ang opinyon ng mga

respondanteng sumagot na mas tinatangkilik nila ang banyagang pelikula. Halos pantay

na mas maganda ang sinematograpiya at ang daloy ng kwento ng banyagang pelikula.

Ang 2% na sumagot ng kanilang sariling sagot ay naniniwala na mas maraming genre

ang mga banyagang pelikula kaysa sa lokal na pelikula.

31
ST. JAMES ACADEMY

Sa tingin mo, ano ang epekto sa kultura ng Pilipinas ng madalas na

pagtangkilik ng mga kabataan sa banyagang pelikula?

Pagkalimot sa sariling kultura Pagkatuto sa kultura ng iba


Pandagdag sa nakagisnang kultura Iba pang sagot
Hindi sumagotg

5% 2%

19%
40%

34%

Talaguhitan bilang 10.


Makikita sa pie graph na ito na mas marami ang nagsabing ang epekto ng madalas

na pagtangkilik ng mga kabataan sa banyagang pelikula ay pagkalimot ng karamihan sa

sariling kultura na may 40% o 23 respondante. 34% o 20 respondante naman ang

nagsabing isa sa mga epekto nito ay matututunan ng ilang kabataan ang kultura ng iba.

19% o 11 respondante naman ang nagsabing nakakadagdag ito sa nakagisnang kultura

samantalang ang 2% ay hindi sumagot o 1 respondante. Ang natititrang 5% o 3

respondante ay nagsabing mas malulugi ang mga lokal na director dahil sa mas madalas

na pagtangkilik ng mga kabataan sa banyagang pelikula. Dagdag pa rito, mas matutunan

ng mga kabataan ang kultura sa iba hanggang sa makalimutan na ang sariling kultura.

Naniniwala ang karamihan sa mga respondante na ang pinaka epekto ng

pagtangkilik ng banyagang pelikula ay ang pagkalimot sa sarili kultura at sabi naman ng

isang nagiba ng sagot na matututunan ng mga kabataan ang kultura ng iba ngunit

dadating ito sa punto na makakalimutan na nila ang kanilang sariling kultura.

32
ST. JAMES ACADEMY

Kabanata V

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Sa kabanatang ito, makikita ang lagom ng buong pag-aaral, ang mga natunton na

konklusyon ng mga mananaliksik gamit ang mga datos na nakolekto mula sa mga

respondante at mga rekomendasyon na nais ipahayag ng mga mananaliksik sa mga

respondante ng pag-aaral.

Lagom

Sa kasalukuyang panahon, mas pinanonood ng mga kabataan ang mga banyagang

pelikula kompara sa mga lokal na pelikula. Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na

malaman ang tunay na dahilan kung bakit mas pinanonood ng mga kabataan ang

banyagang pelikula at kung mayroon ba itong masama at maganda epekto sa kinalakihan

na kultura. Isang talatanungan ang ginamit para makalap ang impormasyon ng

pananaliksik at stratified sampling technique ang ginamit para malaman ang dami ng

respondante. Sinematpgrapiya at daloy ng kwento ang pangunahing mga dahilan kung

bakit mas pinanonood ng mga kabataan ang banyagang pelikula. Ayon sa kanila na mas

maganda at mas pinag-isipan ito ng mabuti kompara sa lokal na pelikula. Pagkalimot sa

sariling kultura ang pangunahing hindi magandang epekto ng labis ng panonood ng

banyagang pelikula dahil maairing makalimutan ang sariling kultura kapag nakasanayan

na nakikita ang kultura ng iba. Pagyaman naman ng sariling kultura at pagkatuto sa

kultura ng iba ang mga magagandang epekto ng labis na panonood ng banyagang

pelikula. Ang panonood ng banyagang pelikula ay hindi nakakabawas sa pagkapilipino

ng isang kabataan ngunit dapat laging tandaan na ano mang sobra kahit may magandang

epekto ay maituturing pa rin na masama.

33
ST. JAMES ACADEMY

Konklusyon

Sa pamamagitan ng mga datos na nakasaad sa ika-apat na kabanata, ang

mga mananaliksik ay natunton ang mga sagot sa mga tanong na nais sagutin ng

pananaliksik

1. Ayon sa mga lumabas na datos mula sa sagot ng mga respondante, kaya nila mas

pinanonood ang mga banyagang pelikula ay dahil magaganda ang daloy ng

kwento ng mga banyagang pelikula kaysa sa mga banyagang pelikula. Ayon sa

kanila, ang mga director ng banyagang pelikula ay may mas malalawak na

imahinasyon kumpara sa mga lokal na director dahil mas mararaming uri ng

kwento ang kayang gawin ng banyaga kaysa sa lokal. Ayon rin sa iba na ang mga

kwento ng banyagang pelikula ay hindi “patterened” na katulad ng lokal na

pelikula. Pumangalawa sa mga dahilan kung bakit mas pinipiling panoorin ng

mga kabataan ang mga banyagang pelikula ay dahil may mas maganda itong

sinematograpiya kaysa sa lokal na pelikula. Ayon sa kanila, mas maganda ang

pag-eedit ng mga eksena sa mga banyagang pelikula kaysa sa lokal na pelikula at

mas makatotohanan ito. May nagsabi rin sa isa sa mga repondante na mas

maraming dyanra ang pelikulang lokal kumpara sa pelikulang banyaga.

Naniniwala ang mga respondante na kaya mas maganda ang sinematograpiya at

mga daloy ng kwento ng mga baynyagang pelikula ay dahil mas maraming budget

ang nakalaan, mas maraming oras ang ginugugol at mas nakakaangat ang

teknolohiya ng banyagang pelikula kaysa sa lokal na pelikula.

34
ST. JAMES ACADEMY

2. Lumabas sa sarbey na naniniwala ang mga respondante na kapag labis ang

panonood ng mga kabataan ng banyagang pelikula ay maaring makalimutan ang

sariling kultura. Walang masama sa panonood ng banyagang pelikula ngunit kung

kalilimutan ng mga kabataan ang sariling kulturang kanilang kinalakihan ay hindi

ito tama. Ang pagkalimot ng sariling kultura ay isang kataksilan sa bansang

pinanggalingan. Maganda ang epekto sa mga kabataan ang natututo ng iba’t ibang

bagay sa mundo. Walang masama kung ang kultura ay madadagdagan o

yumaman ngunit dapat ay huwag sana hayaan na umangat ang banyagang kultura

sa sariling kultura. Ang kultura ng mga Pilipino ay dapat pinagyayaman at hindi

kinakalimutan lalo na ng mga kabataan sa henerasyon ngayon. Walang masama

kung mayroong matutunan sa kultura ng ibang bansa ngunit dapat pa rin na

nangingibabawa sa puso ng mga Pilipino ang kanilang sariling kultura. Ngayon na

mas maraming kabataan ang nanonood ng banyagang pelikula, marami ang

maapektuhan isa na rito ang mga lokal na direktor na maaring malugi. Malaking

porsyento ang nagsasabing na ang pagkalimot sa sariling atin ay isa sa epekto ng

panonood ng banyagang pelikula sa kadahilanang makatotohanan ang pelikula ng

mga banyaga. Ayon sa mga respondante makatotohanan ang daloy ng kwento ng

mga lokal na pelikula, walang pinagkaiba banyagang pelikula. Ngunit sa resulta

na iyon ay madalang lang manoonod ang mga kabataan ng lokal na pelikula.

Sariling kultura ang dapat munang tangkilikin bago dagdagan o payaminin ang

kulturang kinasanayan.

35
ST. JAMES ACADEMY

3. Ang pagtangkilik ng mga kabataan sa banyagang pelikula ay mayroong malaking

epekto sa nakaginan nilang kultura. May mga nagsasabing ang madalas na

pagtangkilik nito ay may masamang epekto lalong lalo na sa kultura dahil ay

makalilimutan na ito ng susunod pang henerasyon at malilipasan na ng panahon.

Pero huwag kalimutan na mayroon din itong magandang maidudulot sa kultura.

May mga bagay na maaapektuhan ito lalo na sa pag unlad ng kakayahan sa pag

gawa o pag buo ng isang pelikula. Ayon sa nakalap na datos ng mga

mananaliksik, mas maraming mga kabataan ang mas tumatangkilik sa mga

banyagang pelikula. Isa na sa mga dahilan ng mas pinapanood ng karamihan ang

banyagang pelikula dahil sa maganda nitong sinematogropiya at iba pa. Ang isa

sa magandang epekto ng panonood ng banyagang pelikula ay may pagkakataaon

ang mga kabataang manonood na matutunan ang kultura ng iba. Ang anomang

labis ay nakakasama kaya kailangan na mas kilala pa rin ng mga manonood ang

kanilang sariling kultura bago ang kultura ng iba. May nagsabi rin na hindi lang

sa kultura may magandang epekto ang panonood ng banyagang pelikula, mayroon

din sa pananalita. Matututo raw tayong magsalita o matutunan ang banyagang

wika sa pamamagitan ng labis na panonood ng mga banyagang pelikula. Ang

anomang labis ay masama kaya kahit may maganda epekto ang isang bagay na

labis, hindi pa rin ito maganda.

36
ST. JAMES ACADEMY

Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay ginawa ang pag-aaral na ito para mapaalam sa mga

kabataan na kalian man ay hindi dapat kinakalimutan ang sariling kultura. Ang

maibibigay na rekomendasyon ng mga mananaliksik ay may tatlong importanteng

bahagi. Una, tumangkilik ng banyagang pelikula at lokal na pelikula, at huwag na huwag

pumili ng isa. Dapat maintindihan ng mga kabataan na kaya iba ang pinapakita ng

banyagang pelikula sa lokal na pelikula ay dahil iba ang kinagisang kultura ng mga

gumawa ng mga nasabing pelikula. Pangalawa, unahin muna na aralin ang sariling

kultura bago pag-aralan at kilalalinin ang kultura ng iba. Isang kahihiyan ang

pagkamang-mang sa sariling kultura habang maalam ka sa kultura ng iba. Mas tinitingala

ang mga taong may mataas na respeto sa sariling kultura kaysa sa mga taong sumasabay

sa uso. Pangatlo, Imbes na kutyain ang gawa ng kapwa Pilipino, ipaalam sa kanila sa

maayos na pamamaraan kung ano ang angkop at dapat na nilalaman ng lokal pelikula

para tangkilikin ito ng mga kabataan sa henerasyon ngayon. Walang masama kung mas

maganda ang pagkakagawa ng pelikula ng ibang bansa o mas maganda ang mga

kwentong naipapahayag nito, basta marunong dapat umunawa ang isang manonood na

hindi pa kaya ng Pilipinas na makipagsabayan sa ibang bansa lalo’t hindi pa ganon

kahasa ang mga lumilikha ng pelikula sa atin kapag magagandang sinematograpiya ang

pinaguusapan.

37
ST. JAMES ACADEMY

Bibliograpiya

Capino, J. (2008). Ang Pelikula bilang Pabaong Amerikano at Inobasyong Filipino.

Retrieved from https://goo.gl/LgSpE6

Carballo, B.M. (2010). Filipino the Golden ages directors or Philippines cinema up

close. Pasig City: Anvil Publishing Inc.

Cruz, M. (2008, September 26). Imagine life without the movies in their mind. Inquirer.

Retrieved from https://goo.gl/W5J6ac

Dominique, C (1983). Film and the Third World. Retrieved from https://goo.gl/4y8JoS

Graham (2013).Western Culture in the Philippines. Retrieved from

https://goo.gl/Rno17dv

Gonzaga, G (2013). Masama at Mabuting epekto ng panonood. Retrieved from

https://goo.gl/59w4sJ

Maslog, C (2013). Philippine Communication: An Introduction. Fundamentals of Films.

Retrieved from https://goo.gl/Ds6SHA

Montilla, I (2012).Pelikulang Pilipino Laban sa Pelikulang Banyag. Retrieved from

https://goo.gl/1RsBpw

Lacaba, J.F. (2000). The Films of Asean. Pasig City: Raya Media Services Inc.

Lanuza, G. (2003). The Mediatization of Filipino Youth Culture A Review of Literature.

Global Media Journal, Volume 2, Issue 3. Retrieved from https://goo.gl/AL9pbU

Losares, R (2015). Epekto ng mga Dayuhang Pelikula sa mga Estudyante ng Departa.

Retrieved from https://goo.gl/CB7sbC

38
ST. JAMES ACADEMY

Santos, T (2015). Piling-piling pelikula ng ating panahon. Retrieved from

https://goo.gl/mtVbg3

Tan, M. (2008, June 1). Why Filipinos Love Going to the Movies. Sunday Inquirer

Magazine. Retrieved from https://goo.gl/34uQW5

Venecia, C (2011). The Foreign Invasion. Retrieved from https://goo.gl/Wjk91E

Voicemaster (2003, July 29). The Role of Youth in the Philippines. TakingITGlobal.

Retrieved from https://goo.gl/pSELEp

Yap, D (2011). Filipinos attracted to Korean culture, K-pop, Koreanovelas. Retrieved

from https://goo.gl/BWWV6F

Yapan, A (2006). Matang Turista sa Pelikulang Pilipino. Retrieved from

https://goo.gl/cyfn7i

History of Philippine Cinema. (W.P.). Retrieved from https://goo.gl/cyXgiA

39
ST. JAMES ACADEMY

Dakong Dagdag

Gng. Imelda Sia


Ikalawang Punong-guro
St. James Academy, Malabon City

Mahal na Gng. Sia,

Magandang araw.

Kami po ay mga mag-aaral mula sa klase ng San Alberto na nagsasagawa ng isang


pananaliksik papel sa asignaturang Filipino. Ito po ay may paksang “Dahilan kung bakit
mas pinipiling panoorin ng mga kabataan ang banyagang pelikula at ang epeklto
nito sa kultura”. . Kaugnay po nito, kami ay humihingi ng pahintulot na makapag-sarbey
sa mga piling mag-aaral sa Ika siyam na baitang. Ang oras po ng aming pagsasarbey ay
itatapat sa aming mga bakanteng oras gayundin po sa mga mapipiling mag-aaral.

Kalakip po ng liham na ito ang kopya ng talatanungan ng sarbey, talaan ng mga napiling
mga klase at bilang ng mga respondanteng mag-aaral. Umaasa po kami sa inyong
pagpayag para sa ikatatagumpay ng aming pananaliksik.

Lubos ng gumagalang,

Vince Emmanuel P. Labeña Jeanelle Andrea P. Remiter


Sophia Marie E. Francisco Jayvee C. Quiambao

Binigyang-pansin: Inaprubahan:
___________________________ ___________________________
Bb. Jennette V. Evangelista Gng. Imelda B. Sia
Guro sa Filipino Ikalawang Punong-guro

40
ST. JAMES ACADEMY

Pangalan: ____________________

Baitang at Seksyon: ____________

Petsa: _______________________

I. Itiman ang bilog ng iyong sagot.

1. Nanonood ka ba ng mga banyagang pelikula?


o Oo
o Hindi
2. Gaano ka kadalas nanonood ng banyagang pelikula sa isang buwan?
o 1 hanggang 3 beses
o 4 hanggang 6 na beses
o 7 o higit pa
3. Nanonood ka ba ng lokal na pelikula?
o Oo
o Hindi
4. Gaano ka kadalas nanonood ng lokal na pelikula sa isang buwan?
o 1 hanggang 3 beses
o 4 hanggang 6 na beses
o 7 o higit pa
5. Ano ang mas madalas mong pinapanood?
o Lokal dahil
____________________________________________________________
______________________________________. (dumaretso sa bilang 6)
o Banyaga dahil
____________________________________________________________
______________________________________. (dumaretso sa bilang 7)

41
ST. JAMES ACADEMY

II. Bilugan ang letra ng iyong sagot.

6. Kung madalas kang nanonood ng lokal, anong mayroon sa lokal na wala sa


banyagang pelikula? (Dumaretso sa bilang 9)
a. Magandang sinematogropiya
b. Magandang daloy ng kwento
c. Makatotohanang mga pangyayari
d. Iba pa:_____________________________
7. Kung madalas kang nanonood ng banyaga, anong mayroon sa banyaga na wala sa
lokal na pelikula? (Dumaretso sa bilang 8)
a. Magandang sinematogropiya
b. Magandang daloy ng kwento
c. Makatotohanang mga pangyayari
d. Iba pa:_____________________________
8. Sa tingin mo, ano ang epekto sa kultura ng Pilipinas ng madalas na pagtangkilik
ng mga kabataan sa banyagang pelikula?
a. Pagkalimot sa sariling kultura
b. Pagkatuto sa kultura ng iba
c. Pandagdag sa nakagisnang kultura
d. Iba pa:__________________________________
9. Sa tingin mo, ano ang epekto sa kultura ng Pilipinas ng madalas na pagtangkilik
ng mga kabataan sa lokal na pelikula?
a. Mas makikilala ang kultura
b. Mabubuhay muli ang namatay na kultura
c. Tatangkilikin ang sariling kultura
d. Iba pa:_______________________________

42
ST. JAMES ACADEMY

Kurikulum Bitey

Personal na Impormasyon

Pangalan: Francisco, Sophia Marie E.

Palayaw: Pia/ Pi

Address: 127 Int. Gov. A. Pascual St., Sipac Navotas City

Kapanganakan: June 10, 2000

Edad: 17

Mga hilig: Kumain, Gumamit ng Internet, Manood ng mga pelikula

Pag-aaral

Preschool: St. Therese of the Child Jesus 2005-2007

Elementarya: St. James Academy 2007-2008

La Naval Academy 2008-2011

Sekondarya: St. James Academy 2011-present

Paniniwala sa buhay

“What consumes you, controls your life.”

43
ST. JAMES ACADEMY

Kurikulum Bitey

Personal na Impormasyon

Pangalan: Labeña, Vince Emmanuel P.

Palayaw: Vince

Address: 1281 M. Naval St. Daanghari, Navotas City

Kapanganakan: April 10, 2001

Edad: 16

Mga hilig: Sumayaw, Kumanta, Manood ng mga pelikula, Kumain, Matulog

Pag-aaral

Preschool: St. James Academy 2005-2007

Elementarya: St. James Academy 2007-2013

Sekondarya: St. James Academy 2013- present

Paniniwala sa buhay

“Ang taong may paninindigan ay hindi marunong umatras sa kahit ano mang laban”

44
ST. JAMES ACADEMY

Kurikulum Bitey

Personal na Impormasyon

Pangalan: Quiambao, Jayvee C.

Palayaw: Ibay

Address: 1228A. M. Naval St. Daanghari Navotas City

Kapanganakan: September 10, 2000

Edad: 17

Mga hilig: Sumayaw, Kumain, Gumamit ng Internet

Pag-aaral

Preschool: PNSJ 2005-2007

Elementarya: Tangos Elementary School 2007-2013

Sekondarya: Governor Andtes Pascual College 2013-2017

St. James Academy 2017-present

Paniniwala sa buhay

“You treat me well, and I’ll definitely treat you better.”

45
ST. JAMES ACADEMY

Kurikulum Bitey

Personal na Impormasyon

Pangalan: Remiter, Jeanelle Andrea P.

Palayaw: Jeanelle

Address: 299 Int. Governor Pascual St. San Jose, Navotas City

Kapanganakan: August 19, 2000

Edad: 17

Mga hilig: Manood ng mga pelikula, Gumamit ng internet, Kumain

Pag-aaral

Preschool: San Jose Academy 2005-2007

Elementarya: St. Therese of the Child Jesus Academy 2007-2013

Sekondarya: St. Therese of the Child Jesus Academy 2013-2017

St. James Academy 2017- present

Paniniwala sa buhay

“Sometimes, people never get what they deserve because they’re too busy holding on to

things they’re supposed to let go of”

46

You might also like