You are on page 1of 40

CELTECH COLLEGE

Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Mga DOTA2 player ng BSME 1-2A may kinabukasan ba sila

_____________________________

Isang Tesis
na Iniharap Bilang Bahagi ng Pagtupad
sa Pangangailangan sa Digri ng Batsilyer ng Marine Engineering
Celtech College, Lungsod ng Olongapo

______________________________

ni:

GILBERT C. PALMIANO

Marso, 2016
P AG K I LALA

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Batid ng mananaliksik na lubhang hindi sapat ang pagsambit lamang ng
katagang Salamat sa mga taong naging kabahagi sa pananaliksik na ito sa mga
taong nagbigay ng inspirasyon at buong pusong nagkaloob ng kanilang tulong
upang maisakatupran ang pag-aaral na ito, sa mga taong nagmahal at nagmalasakit,
hindi kayang sambitin ng kaniyang mga labi ang taos pusong pasasalamat.
Unat higit sa lahat buong pusong pinapasalamantan ng mananaliksik ang
Santisima Trinidad, lalung-lalo na ang Banal na Luklukan ng Diyos Espiritu
Santo, Santa Maria. Virginia P. Leonzon na siyang tagapagtatag ng College of
the Most Holy Trinity na kung saan dito nagpapakadalubhasa ang mga kabataan
sa larangan ng asignaturang Filipino, gayundin dito isinagawa ang pananaliksik na
ito. Dahil din sa mga biyayang pang-espiritual, pisikal, pinansyal at karunungang
ipinagkaloob ng Panginoong Diyos.
Nagpapasalamat din ng lubos ang mananaliksik sa kanilang Dekano ng
paaralan na siya ring Patriarka ng simbahang Apostolic Catholic Church na si +
Juan Florentino Teruel P.P, Ph.D., sa kanyang walang sawang pagtulong,
pagsuporta sa lahat ng mag-aaral, sa kanyang pagmamahal, pagtuturo ng

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
magandang asal at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan na gustong
makapagtapos ng kanilang pag-aaral.
Sa Tagapangasiwa ng paaralan Arsobispo. Arnel Juan Carlos T.
Evangelista, D.D OMJF, sa kaniyang lubos na pagmamahal, pagmamalasakit,
pagsasakripisyo para patuloy na maitaguyod at mapaunlad ang kanilang paaralan,
taos puso po silang nagpapasalamat sa mga tulong na naibahagi sa kanila. Batid ng
mananaliksik na kulang at maikli ang panahon upang sila ay lubos na
mapaasalamatan at masuklian sa anumang paraan sa lahat ng mga bagay na
naiambag para patuloy na paglagong pang-akademiko man o pang espiritual.
Sa kanilang dalubguro sa pananaliksik na ito, Dr. John James A.
Larafoster, sa kanyang panata sa pagtuturo, pagtitiyaga, pagmamalasakit,
pagmamahal at pagsasakripisyo upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito at
sa kaniyang pagbibigay ng mga ginintuang ideya, at pagbabahagi ng kaniyang
karunungan, higit sa lahat sa kanyang walang alinlangang pagbibigay ng kaniyang
sarili at panahon upang magturo sa paaralan at maisakatuparan ang lahat na
itinakda ng Poong Maykapal.
Sa kanyang mga mahal na magulang, Gng. Soledad C. Palmiano at G.
Manuel B. Palmiano na nagmahal, nagsakripisyo, nagpalaki at humubog sa

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
kaniyang pagkatao upang maging isang ganap, produktibo, mabuting anak,
mabuting mamamayan at mabuting mag-aaral na may malasakit sa kapwa at may
malaking takot sa Amang Lumikha.
Gayundin kay Maam Barnadeth S. Manalac MAEd, na aming gurong
tagapapayo, maraming salamat sa lahat ng pagmamahal at pag-unawa sa amin sa
mga suportang inyong ipinagkaloob maging sa pinansyal mam o moral na suporta
lubos po namin silang pinapasalamatan
Sa kanyang mga kaibigan at kamag-aral na nagbigay ng lakas ng loob,
sumuporta at nagtiwala sa Kanyang kakayahan at nagpakita ng kanilang
pagmamahal at malasakit ng lubos at wagas. Talagang ang pasasalamaat na ito ay
nag umapaw at hindi kayang sambitin ng labi bagkus ay idadalangin sa Mahal na
Ingkong at Mahal na Birheng Maria na ang bawat taong tumulong at sumuporta ay
nawa gabayan sila sa kanilang pamumuhay at ibuhos sa kanila ang mga biyayang
makalangit at magpawalang hanggan.

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
TALAAN NG MGA NILALAMAN
PAHINANG
PAMAGAT...
..
i
PAGPAPATIBAY
... ii
ABSTRAK

iii
PAGKILALA
.
vi
TALAAN NG MGA NILALAMAN.
..
ix

MGA KABANATA
1 ANG SULIRANIN AT ANG SALIGAN NITO.
Panimula
.
1
Lugar ng Pagaaral..
10
Paglalahad ng
Suliranin
17
Kahalaagahaan ng Pagaaral18
Saklaw at
Limitasyon

21
Katuturan ng mga
Katawagan..
21
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAGAARAL..
PAGLALAGOM, PAGWAWAKAS AT MGA TAGUBILIN

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Ang
Suliranin

41
Paglalagom
.
42
Pagwawakas

45
Mga
Tagubilin

46
TALASANGGUNIAN

49
MGA DAHONG
DAGDAG

50
CURRICULUM
VITAE

54

Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT ANG SALIGAN NITO
Panimula

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Wika ang sinasabing behikulo ng komunikasyon at pagkakaisa. Ito ang
pinakagamiting instrumento ng pakikipagtalastasan upang maihayag natin ang
ating iniisip at nadarama, pasalita man ito o pasulat.Wika rin ang nagiging dangal
ng isang lahi at bansa. Ito rin ang nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa upang
tingalain at kilalaning malaya. Sa patuloy na pag-inog ng mundo, kasabay at
kalakip nito ang pag-usbong ng ibat ibang makabagong teknolohiya na maaaring
makaapekto sa paglinang ng ating wika. Sa patuloy na paglinang at pagbabago ng
ating wika, maraming aspekto ang nababago at patuloy na nalilinang. Sa
pamamagitan ng wika naipakikita ng isang indibidwal ang nais niyang ihayag.
Wika rin ang sanhi kung bakit nagkakaroon ng pagkakaisa ang lahat ng tao. Isa sa
mga antas ng wika ang mga bulgar na salita at ito na marahil ang pinakamababang
uri o antas ng wika na ginagamit ng ilang mga tao sa kanilang pakikipagtalastasan
o paglikha ng kanilang mga obra. Marami ang pagpapakahulugan natin sa salitang
bulgar o mga pahayag na salita; maaaring ang ilang mga halimbawa nito ay
mabasa o mapanood sa mga pelikula, pahayagan, tabloid at mga pornograpikong
babasahin o magasin na gumagamit ng mga salitang bulgar. Ang mga salita tulad
ng pagmumura at mga pahayag na literal na naglalarawan ng mapangahas at mga
kalaswaan o bastos na mga pahayag ay iilan lamang sa maaari nating mapanood o

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
mabasa sa mga Indie Film maging sa mga tabloid at pornograpikong babasahin.
Naglipana at patuloy na naghahasik ang mga pelikulang ginagamitan ng mga
bulgar na pahayag partikular sa ilang mga pelikulang Pilipino.
Ayon sa kay Isidro (2014), tumutukoy ang indie film sa bagong kalayaan sa
paggawa ng pelikula. Ang salitang indie ay nagmula sa pinaikling salita na
independent na ibig sabihin ay malaya. Ito ay unang ginamit sa United States
bilang pantapat sa Hollywood. Ang mga pelikulang napapanood sa mga sinehan ay
tinatawag na mga pelikulang komersiyal o mas kilala sa tawag na mainstream.
Ito ay mga pelikulang sumailalim sa malakihang produksiyon tulad ng Regal
Films, Viva Films, Star Cinema, GMA Films, at OctoArts Films. Mga sikat na
artista ang pinipiling bida sa mga pelikulang ipinoprodyus nito sa hangad na
kumita nang malaki. Kabaligtaran ito ng indie film na umiikot sa maliit na
produksiyon. Makagagawa na ng isang pelikula ang direktor sa pamamagitan
lamang ng iskrip, artista, at digital na kamera. Dahil maliit lamang ang badyet sa
pagprodyus ng indie film, kalimitang mga aktor mula sa teatro o may karanasan sa
pagganap sa teatro ang pinipili ng direktor. Kadalasang mas maikling panahon
lamang ang ginugugol upang makunan ang mga eksena sa isang indie film. Ito ay
dahil na rin sa tiyak at maliit na badyet na inilalaan sa pagbuo nito. Alternatibong

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Pelikula Ang dekada 50 ay itinuturing na Unang Ginintuang Panahon ng
Pelikulang Pilipino. Sa panahong ito, may mga film maker pa rin ang nakaranas
ng kakulangan sa badyet sa pagprodyus ng pelikula. Dalawa rito ay sina Manuel
Conde at Lamberto Avellana na nagpasimula ng indie film sa Pilipinas. Ang mga
pelikulang Genghis Khan (1950) ni Conde at Badjao (1957) ni Avellana ay
mga pelikulang may maliit lamang na produksiyon at badyet. Subalit dahil sa
malayang kaisipan at magandang kuwento, itinuturing ang mga ito bilang
natatanging obrang Pilipino.
Iilan lamang sa mga itinuturing na obrang Pilipino ang dalawang
pinangalanang indie film na masasabi nating talaga namang napakaganda ang mga
ganitong uri ng pelikula. Ngunit hindi rin lingid sa kaalaman na maraming
pelikulang Pilipino partikular na sa indie film ang may mga temang hindi angkop
sa mga bata sapagkat maaaring ang tema nito ay hindi akma o angkop sa mga
manonood. Ang ilang indie movie ang may mga may temang kalaswaan at may
mga bulgar na pahayag ang pinili at ginamit sa ilang mga pelikulang Pilipino.
Kung kayat nagsagawa ang Movie and Television Review and Classification
Board (MTRCB) ng mga pamantayan sa panonood ng mga pelikula. Ito ay isang
ahensiya na naglalayong magmonitor at magsuri sa mga pelikula at kalidad ng

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
pelikula bago ito mapanood ng madla o telebyuwers. Ngunit hindi lamang kalidad
ng pelikula ang sinusuri dito bagkus ay binibigyan din ng tama at akmang
panukatan ang mga salitang ginagamit o maaring gamitin sa mga pelikula.
Mayroong apat (4) na pangunahing pamantayan na ipinatupad ang MTRCB para sa
matalinong panonood. Ito ay ang mga sumusunod: RATED G, RATED PG,
RATED SPG, at RATED X.
RATED G. Ito ay mga uri ng mga pelikula o mga palabas na maaaring
mapanood ng lahat ng uri ng manonood o mga telebyuwers bata, matanda, babae o
maging lalaki.
RATED PG. Ito ay mga palabas o mga pelikula na kinakailangang may
patnubay at gabay ng mga magulang ang kinakailangan dahil may mangilanngilang serye o tema na maaaring hindi maiintindihan o mauunawaan ng mga
batang manonood. Maaari rin itoy hindi angkop sa manonood kung kayat
kailangan maipaliwanag ng kanilang mga magulang nang sa gayon ay lubos nila
itong mapahalagahan at maunawaan.
RATED SPG. Ito ay sensitibo at pinakamahirap dahil sa panonood ng mga
pelikulang may tatak nito ay kinakailangan talagang gabayan at bantayang mabuti
ng mga magulang ang mga batang manonood dahil maaaring ang mga palabas o

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
pelikulang kanilang mapapanood ay may maseselang tema, lenggwahe, karahasan,
sekwal, horror o droga na talagang hindi angkop sa mga batang manonood.
Tema. Ito ay mahalaga sapagkat may mga pelikulang sadyang hindi akma
para sa mga batang manonood; Lenggwahe partikular na dito may mga palabas o
pelikulang ginagamitan ng mga bulgar na pahayag o mga brutal at bastos na mga
salitang ginagamit sa pinakamababa at pinakamadaling paglalarawan na maaaring
makaaepekto sa mga manonood lalong-lalo na sa kabataan.
Karahasan. Hindi angkop ang mga pelikulang may temang karahasan
sapagkat maaaring may malaking epekto ito sa mga batang manonood, at gayundin
sa iba pang pamantayang ipinatupad ng MTRCB.
Rated X. Ito ay mga palabas o mga pelikulang may temang talagang hindi
angkop sa lahat ng uri ng manonood. Mayroon itong maseselang tema na lubhang
hindi tamang mapanood ng madla maaaring naglalaman ito ng mga sekwal na
gawain.
Ang mga gabay at pamantayang ito ay maaaring makatulong upang maging
alerto, mapanuri at maging matalino ang kabataan at mga magulang sa panonood
ng kani-kanilang mga anak lalong-lalo na kung ang mga pinapanood ay hindi akma
sa kanilang sarili at edad. Malaki ang epekto ng media sa mga kabataan, lalong-

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
lalo na sa panonood dahil ayon na rin kay JohnWatson na isang psychologist ay
What we see, we imitate. Posibleng dahil sa maling paggamit ng media ay
maaari itong magdulot ng matinding epekto sa ating buhay. Isa sa mga konkretong
halimbawa ay ang batang namatay dahil sa kaniyang paggaya sa isa sa kaniyang
napanood sa telebisyon kung saan ang kanyang idolo ay nagbigti. Naisip ng batang
iyon na hindi naman totoong mamamatay ang kanyang idolo dahil nga sa
kasalukuyang panahon ay patuloy itong nabubuhay. Ayon sa imbestigasyon ng mga
pulis ay may malaking pananagutan dito ang mass media. Isa pang pruweba ay ang
mga kabataang nawiwili sa panonood ng mga pornographic films na siyang
nagpapataas na kanilang sexual desire kaya rin nangyayari ang mga teenage
pregnancy o ang maagang pagbubuntis na nauuwi sa aborsyon. Maging ang ilang
mga kabataang gumagaya sa mga salitang napakikinggan at napanonood, kanila
itong inuulit at sinasabing hindi nila alintana na ang mga katagang ginagaya nila ay
mga salitang walang kabuluhan at may mababang uri ng wika o maaaring ito ay
mga bulgar na pahayag. Tunay na ang mass media ay may malaking epekto at
kontribusyon sa buhay ng isang tao. Hindi lamang ito, maging ang paggamit ng
sariling wika ay nakakalimutan na, bagkus, natutunan nilang gayahin ang mga
salitang kanilang napapaanood may mga teoryang nagsasabi na mabilis rumehistro

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
sa isip ng isang bata ang anumang kanyang naririnig. Sadya ngang ang wika ay
makapangyarihan at nagbabago, ngunit paano kung ang wikang ginagamit sa mga
pelikulang Pilipino o mga indie film ay napapalooban ng mga bulgar na salita o
mga pahayag na batid nating hindi angkop sa mga batang manonood. Maaaring
malaki ang epekto nito sa paglinang ng kanilang sarili partikular na sa kanilang
wika at moralidad at sa paggamit ng wikang bulgar na napapanood at
napapakinggan sa mga pelikula. Nakakabahala ang maaaring maging resulta o ang
implikasyon nito sa kanilang sarili.
Ang layunin ng may-akda ng pananaliksik na ito ay upang makakuha,
masuri, mapag-isipan, maibahagi at lubos pang mabigyan ng kalinawan ang mga
katanungang gumigiyagis sa mga balintataw o isip ng mga kabataan at mga taong
patuloy na tumatangkilik ng mga indie film o mga pelikula na ginagamitan ng mga
bulgar na pahayag na maaaring makaapekto sa ating wika at sa ating
pakikipagtalastasan. Ninanais din ng pananaliksik na ito na magabayan ng mga
magulang ang kanilang mga anak sa panonood at mabigyan ito ng kalinawan sa
anumang suliranin hinggil sa maling panonood at epekto nito sa buhay.
Pansinin na lamang na may malaking epekto ang maling panonood ng mga
pelikula sa mga kabataan. Ayon din kay John Dewey na isang Pilosopo, mas

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
madali raw matuto ang isang tao o bata kung nakikita at naririnig ang isang bagay
kung kayat maging sa paaralan at ilang asignatura, gumagamit sila ng ganitong
dulog o approach ang learning by doing. Sa pagtuturo ng mga guro sa paaralan,
sila ay gumagamit ng telebisyon o film showing. Sa ganitong paraan nakikita at
gumagalaw ang mga tao sa kanilang paksa at lalong nagiging interesado sa mga
mag-aaral, gumagamit ang ilang guro ng ganitong estratehiya dahil ito ang
pinakamadaling paraan upang pukawin at makuha ang atensyon ng kanilang mga
mag-aaral at mas napadadali din ang pagkatuto. Ngunit paano na lang kung ang
nakikita o naririnig ng mga kabataang nanonood ng pelikula ay may mga temang
kalaswaan at ginagamitan pa ito ng mga bulgar na pahayag o bastos na mga salita.
Ayon sa sariling obserbasyon ng mananaliksik, napakalaki ng epekto ng mga indie
film na may mga temang ginagamitan ng mga bulgar na pahayag at lubha itong
nakaaapekto sa wika at moralidad ng kabataan.

Lugar ng Pag-aaral
Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay isinagawa sa Kolehiyo ng
Pinakabanal na Santatlo (CMHT-CFI). Ang Kolehiyo ng Pinakabanal na Santatlo
ay isang ektaryang lupain, may sampung libong (10,000) metro kuwadrado ang

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
sukat, matatagpuan sa Barangay Sacrifice Valley, Hemosa, Lalawigan ng Bataan, at
ito ay may tatlondaang metro ang layo sa daan ng Olongapo-Guagua. Ang
barangay na ito ay nasa pagitan ng bayan ng Dinalupihan at Lungsod ng Olongapo.
Ito ay tinaguriang Pilgrimage Center of Faith sa buong lalawigan ng Bataan.
Itinatag ang Paaralang ito sa pamamatnubay ng simbahang Apostolic Catholic
Church (ACC) noong Hunyo taong 1994 at ni Sta. Ma. Virginia P. Leonzon, ang
banal na luklukan ng Espiritu Santo na nagpatawag sa pangalang Mahal na
Ingkong, ang tagapagtatag. Siya ay Pangulo at tagapagtatag ng orden ng
Misyonaryong Madre ng Espirito Santo (OMHS SISTER) na buong pusong nagalay ang kaniyang sarili sa paglilingkod at paglinang ng mga mag-aaral sa
pagsasakatuparan ng mahiwagang plano ng Diyos para sa kanila. Sa kasalukuyan,
ang Paaralan ay nasa ilalim ng Pamumuno ni Arsobispo. Juan Carlos Arnel T.
Evangelista bilang tagapangasiwa at Dr. John Florentine L. Teruel bilang
Dekano/Pangulo ng nasabing paaralan. Ang Kursong Batsilyer ng Sekondaryang
Edukasyon Medyor sa Filipino at Pagpapahalaga ang tanging dalawang
programang ibinibigay ng paaralan sa mga mag-aaral na nakatuon sa pag-aaral at
pagpapakadalubhasa sa Wikang Pambansa at pag-aaral ng Pagpapahalaga at
Teolohiya ng Apostolic Catholic Church. May mga Iskolar na mag-aaral sa

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
paaralang ito mula sa tulong ni Dr. John Florentine L. Teruel at ng Iskolar ng
Bataan ni Governador. Tet Garcia, gayundin may mga mag-aaral ang pumasa at
nakapasok sa CHEd iskolar na pinamagatang Tulong Dunong
Ang institusyon ay ginawaran ng Government Recognition ng Komisyon ng
Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) at nakapasa sa lahat ng pangangailangan na
itinakda ng nasabing ahensya ng pamahalaan.

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO

Paglalahad ng Suliranin
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay sagutin ang mga sumusunod na
katanungan upang matukoy ang implikasyon sa wika at moralidad ng isang tao
hinggil sa panonood nga mga Indie Films na ginagamitan ng mga bulgar na
pahayag. Ninanais ng mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
1.

Ano ang demograpikong katangian ng mga respondante ayon sa

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
sumusunod:
1.1.

2.

. edad;

1.2.

kasarian;

1.3.

pook na kinagisnan;

1.4.

estado sa buhay; at

1.5.

antas?

Ano-ano ang mga posibleng dahilan kung bakit patuloy pa ring


gumagamit ng mga bulgar na pahayag sa paglikha ng mga Indie Films?

3.

Ano-ano ang mga implikasyon ng mga bulgar na Pahayag mula sa mga


Indie Film sa:

4.

3.1.

. wika; at

3.2.

. moralidad?

Ano-ano ang mga Posibleng Solusyon upang malimitahan ang patuloy na


paglaganap ng mga masasamang epekto ng mga bulgar na pahayag sa
wika at moralidad?

5.

Ano-ano ang mga mungkahi sa pag-aaral na ito?

Kahalagahan ng Pag-aaral

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Ang mananaliksik ay lubos naniniwala na ang pag-aaral na ito ay tiyak at
lubhang makatulong sa mga sumusunod:
Magulang. Ito ay maaaring makatulong sa mga magulang upang maiwasang
masadlak sa maling pananaw ang kanilang mga anak nang dahil lamang sa maling
napanonood. Sa pamamagitan ng pag aaral na ito, magiging aktibo at alerto ang
bawat magulang upang mabantayan at mabigyan ng sapat na atensiyon ang kanikanilang mga anak sa panonood gayundin upang malaman ng bawat magulang ang
mga posibleng hakbang sa pagdidisiplina sa mga ito.
Mag-aaral at Kabataan. Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa
mga mag-aaral at kabataan dahil madaragdagan ang kanilang kaalaman; upang
maging matalino at maging mapanuri sa lahat ng pelikulang kanilang napanonood;
gayundin naman na magkakaroon sila ng tamang kaalaman upang piliin ang
tamang indie film na angkop sa kanilang mga gulang. Gayundin, upang makaiwas
sila sa maling pananaw na maaari nilang matutunan sa kanilang maling
mapanonood.
Mananaliksik. Mapatutunayan ng mananaliksik sa kaniyang sarili na kaya
niyang makatulong at mag-ambag ng pagbabago sa mga nagging maling pananaw
hinggil sa panonood ng mga pelikulang Indie na ginagamitan ng mga bulgar na

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
pahayag. Maaari rin niyang mahikayat ang ilan na maging mapanuri at matatalino
sa kanilang panonood at pinapanood.
Guro. Ito ay lubos na makatutulong sa kaguruan upang sila mismo ang
magturo at magbigay-linaw hinggil sa mga posibleng epekto ng di-tamang
panonood. Sa pamamagitan ng mga guro, mas lalo nilang maitutuwid at
mabibigyang kaalaman ang kanilang mga mag-aaral na huwag tumangkilik ng mga
pelikulang Indie may maling tema na maaaring makasira sa kanilang mga
pananaw.
Makabagong Mananaliksik. Magagamit din ng mga mananaliksik sa
hinaharap ang resulta ng pag-aaral na ito para sa kanilang pansariling pagtuklas at
makagagawa ng panibagong pag-aaral na may kaugnayan dito. Ang paghahangad
ng makabagong inobasyon sa pagkatuto at makatuklas ng mga makabagong
konsepto at kalinangan sa mas mabisang pagtuturo ang isa sa pinakatampok na
layunin ng pag-aaral na ito.

Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga paggamit ng mga bulgar na mga
pahayag mula sa mga Pelikulang Malaya (Indie Films): lmplikasyon sa wika at

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
moralidad. Gayundin, ito ay nakatuon lamang sa ilang partikular na kabataan.
Bahagi sa pag-aaral na ito ang limampung (50) kabataang mag aaral sa Kolehiyo
ng Pinakabanal na Santatlo (CMHT-CFI), Departamento ng kolehiyo,

na naging

respondante sa pag-aaral na ito. Sila ay binubuo ng dalawamput (25) limang


kababaihan at dalawamput limang (25) kalalakihan. Kasama rin sa mga bahagi ng
impormasyon ang mga karanasan ng ilang mga nakapanayam ng mananaliksik
habang sila ay may magaling na pagkilatis sa paksa. Ginawa ang pag-aaral na ito
sa loob ng limang buwan, mula buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre, 2014.

Katuturan ng mga Katawagan


Nakatala ang mga salitang matatagpuan sa pananaliksik na ito. Ang ibang
katawagan ay nagmula sa denotatibong pagpapakahulugan at ang iba naman ay
operasyunal na pagpapakahulugan.
Bulgar na Pahayag. Ito ay mga salita o pahayag na kinapapalooban ng mga
masasamang tunog o salita na maaaring makaapekto at marahil na makasakit sa
damdamin sa pamamagitan ng paghahatid at pagpapalitan ng mga mensahe,
impormasyon at saloobin. Maaaring magkaroon ng ibat ibang layunin o intensyon

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
ang mga pahayag na ito tulad ng makasakit, makainsulto, makapagyurak ng
dignidad, pag-uusisa, pangangamba, pagkabahala atbp.
Dangal. Ito ay ang malinis at dalisay na katangian ng pangalan at pagkatao
na nasusukat sa pagpapahalaga sa karangalan o dignidad. Ang kawalan ng
pagpapahalaga sa maka-Diyos at makataong pag-uugali ang dahilan ng dipagkilala sa tunay na dangal ng tao.
Implikasyon. Ang implikasyon ay kasingkahulugan ng mga salitang dulot o
kaugnayan. Maaari rin itong maging may kaugnayan sa mga salitang hiwatig at
pahiwatig. Ang implikasyon ay ang ugnayan sa pagitan ng pahayag na may
pasubali (pahayag na may kondisyon).
Moralidad. Ang moralidad, kalinisan ng ugali, kalinisang-asal, o kagalingan
ay ang pagkakakilala ng tao sa kung alin ang tama at mali. Ito ang pamantayan ng
pag-uugali at magandang asal, lalo na kapag inuugnay sa delikadesa at tamang
pag-iisip hinggil sa pagtatalik. Bilang aral, ito ang leksyon o turo sa tama, wasto, o
angkop na kaasalan o pag-uugali, o nauukol sa mabuti at matuwid na kaugalian o
asal, katulad ng nilalaman ng sa isang kuwentong may aral. Kinasasangkutan ito
ng mga prinsipyo ng akma o nararapat na kilos o pakikitungo sa kapwa tao.

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Pelikulang Indie (indie film). Ang salitang indie ay nagmula sa
pinaikling salita na independent na ibig sabihin ay malaya. Ito ay unang
ginamit sa Esyados Unidos bilang pantapat sa Hollywood. Sa pag-aaral na ito,
gumamit ang mananaliksik ng limang pelikulang indies na nagsilbing lunsaran sa
pagkamit ng mga datos sa pag-aaral.
Sikolohiya.

Ang sikolohiya ay ang pag-aaral ng isip, diwa at asal.

Binibigyan ng malaking pansin ang mga tao, bagaman pinag-aaralan din ang asal
at diwa ng mga hayop, bilang isang paksa sa kaniyang sarili, o mas kontrobersyal,
bilang isang paraan ng pagbibigay ng linaw sa sikolohiya ng tao sa pamamagitan
ng paghahambing. Tinatawag na sikologo ang mga dalubhasa rito.
Wika. Ang wika ang pangunahing lunsaran o behikulo sa makabuluhan at
makahulugang pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ito sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng
tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang
pulutong ng mga tao.

Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapakita ng mga kaugnay na
pananaliksik hinggil sa paksa. Hango ang mga ito sa ibat ibang aklat at
sanggunian.

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO

Kabanata 3
PAGLALAGOM, PAGWAWAKAS AT MGA TAGUBILIN
Sa kabanatang ito binigyang pagtatasa ang ginawang pananaliksik at ito ang
magiging batayan ng mga natuklasan sa pag-aaral. Sa kabanatang ito rin binigyang
katugunan ang mga suliranin sa paggamit ng mga bulgar na pahayag sa paglikha
ng mga pelikulang Malaya at ang implikasyon nito sa wika at moralidad.

Ang Suliranin

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Ang pananaliksik na ito ay nauukol sa paggamit ng mga bulgar na pahayag
sa paglikha ng mga Pelikulang Malaya (Indie Films): implikasyon sa wika at
moralidad. Ang mga tiyak na suliranin ay ang mga sumusunod:
1.

2.

Ano ang demograpikong katangian ng mga respondante ayon sa:


1.1.

edad;

1.2.

kasarian;

1.3.

antas;

1.4.

estado sa buhay;

1.5.

pook na kinagisnan

Ano ang mga Posibleng dahilan sa patuloy na paggamit ng mga bulgar na


pahayag sa paglikha ng mga pelikulang Indie ?

3.

Ano ang dulot ng pelikulang Indie sa paggamit ng mga bulgar na


pahayag sa wika at moralidad ng tao?

4.

Ano ang mga posibleng solusyon upang malimitahan ang patuloy na


paglaganap ng mga masasamang epekto ng mga bulgar na pahayag sa
wika at moralidad?

5.

Ano ang mga mungkahi upang lubusang malimitahan ang paggamit ng


mga bulgar na pahayag sa mga pelikulang Indie?

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Paglalagom
Ang paglalagom ng mga sagot sa tiyak na suliranin ay ang mga sumusunod:
Katangian ng mga respondanteng mag-aaral ng CMHT-CFI
1.

Ang edad o gulang na nakatala sa Talahanayan 1.1 ay ang mga tiyak na


gulang ng mga respondanteng kasangkot sa suliraning ito minarapat ng
mananaliksik na itala ang bawat detalye upang lubos na masuri at maanalisa
ang bawat anggulo ng suliraning kinakaharap ng mananaliksik.

2.

Sa kasarian naman na nakikita sa Talahanayan 1.2 minarapat ng


mananaliksik na balansehin ang bilang ng dalawang pangkat na may
tiglimampung bahagdan upang matukoy kung sino ang mas higit na
nakakalamang sa lahat ng anggulo na may kaunay sa pag-aaral na ito.

3.

Ang antas ng mga respondanteng nag-aaral sa CMHT-CFI ay nakikita sa


Talahanayan 1.3. Itinala ng mananaliksik na may labindalawang (12) magaaral ang sumagot ng talatanungan sa unang taon; labing-isa (11) naman ang
sumagot sa ikalawang taon; siyam (3) naman sa ikatlong taon; samantalang
walo (8) naman sa ikaapat na taon.

4.

Sa estado sa buhay na nakikita sa Talahanayan 1.4, ang bilang ng mga

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
respondanteng may asawa at mga respondanteng walang asawa ay
dalawamput tatlong (23) mga kababaihan o 46 bahagdaan at walang asawa
at dalawa (2) o 4 na bahagdan naman ang may asawa. Samantalang may
dalawamput apat (24) na mga kalalakihan ang mga walang asawa o 48
bahagdan at iisa (1) o 2 bahagdan ang may asawa.
5.

Sa pook na kinagisnan masasalamin sa talahanayan 1.5 ang ibat-ibang pook


na pinagmulan at kinagisnan ng mga respondante na marahil malaki at
mayroong epekto sa kanilang paglago bilang indibidwal. Mula sa probinsiya
ng Bataan ay mayroong dalawamput isa (21); labintatlo (13) naman ang
nanggaling sa Kamaynilaan; isa (1) sa Lucena; apat (4) naman sa Candijay,
Bohol; may tatlong (3) galing sa probinsiya ng Benguet; lima (5) sa Samar;
dalawa (2) sa Pampanga; samantalang iisa (1) sa Pangasinan.
1.

Posibleng dahilan sa patuloy na paggagamit ng

mga bulgar na pahayag sa paglikha ng mga pelikulang Indie


Batay sa Talahanayan 2.1, nakita ang mga dahilan sa patuloy na paggamit
ng mga bulgar na pahayag sa paglikha ng pelikulang Indie. Mapapansin na may
ibat ibang bahagdan ang nakatala sa bawat letra at ayon ito sa isinagawang
pananaliksik, tinatayang walumput dalawa (82) bahagdan ang nagsabing ito raw

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
ay nakapagbibigay ng aliw sa mga tagapanood o sa mga tumatangklik sa ganitong
uri ng palabas; Pitumput walo (78) bahagdan ang nagsabing akma sa
napapanahong isyu ng lipunan na kalimitang nilalaman ng ganitong uri ng mga
palabas o pelikula; animnaput anim (66) bahagdan naman ang nagsabing
tinatangkilik ng masa dahil sa kalidad ng pelikula; Limamput walo naman (58)
bahagdan ang nagsabing ito ay nakapagbigay ng panandaliang kasiyahan;
apatnaput apat naman (44) bahagdan ang nagsabing makatotohanan ang ganitong
uri ng palabas; tatlumput walo (38) ng bahagdan naman ang nagsasabing ito ay
napapanahon.

Dulot ng pelikulang Pilipino sa paggamit ng mga Bulgar na Pahayag sa


wika at moralidad ng tao.
Batay sa mga datos na nakalap na itinala sa Talahanayan 2.2, ang mga
sumusunod ay ang mga bilang ng mga posibleng dulot ng bulgar na pahayag sa
wika at moralidad ng isang tao, mapapansin din na may pursyento o bahagdan ang
bawat isa at masasalamin din ang interpretasyon nakapaloob dito, batay sa pagaaral na ito.

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Ayon sa pag aaral tinatayang 217 o 4.34 bahagdan ang nagsabing nagiging
agresibo ang sex desire ng mga kabataan na nauuwi sa maagang pagbubuntis at
aborsyon; 202 o 4.04 bahagdan naman ang nagsabing nagiging bulgar ang mga
kabataan sa kanilang pananalita; Mayroon namang 198 o 3.96 bahagdan ang
nagsabing bumababa ang respeto ng mga kalalakihan sa mga kababaihan; naitala
na may 194 o 3.88 bahagdan naman ang nagsabing nagiging agresibo sa
pakikipag-away ang mga kabataan; 193 o 3.86 bahagdan naman ang nagsabing
nawawala ang respeto sa sarili; Ang nagsabing nagiging marahas ang kabataan
sa pananaalita at hindi na nalilinang ang tamang wika ay may 187 o 3.74
bahagdan. 184 o 3.68 bahagdan ang nagsabing nawawala ang takot nila sa Diyos;
190 o 3.8 naman ang nagsabing nakasisira sa ating wika; at ang huli naman ay
may tala ng 180 o 3.6 bahagdan naman ang nagsabing lalong nakapagpapababa
ng estado ng ating wika.
Mga posibleng mungkahi upang lubusang malimitahan ang paggamit ng
mga bulgar na pahayag sa mga pelikulang Indie.
Sa bahaging ito nakikita na ang mga respondante ay may kani-kanilang
mungkahi kung paano masosolusyunan o malimitahan ang patuloy na paglaganap

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
ng mga negatibong epekto ng mga pelikulang Indie na kinapapalooban ng mga
bulgar na pahayag na napakalaki ang impluwensya sa mga tagapanood. Hindi
maipagkakaila na sa tulong ng pangunahing instrumentong ginamit sa pag aaral na
ito, ang talatanungan, ang naging batayan sa maagham na pag aaral na ito, ito rin
ang pangunahing batayan upang maisakatuparan ang layunin ng mananaliksik.
Naging daan din ang pag aaral na ito upang maging tiyak at akma ang lahat ng
datos at ebidensyang kinailangan sa pag aaral na ito. Matapat at walang pagaalinlangan na nagbigay ng mga posibleng sulosyon ang bawat respondante Ayon
sa isinagawang pananaliksik, lumabas na sa 50 bahagdan ng mga respondante ay
may ibat ibang mungkahi: Tinatayang walumput walong (80) pursyento ang
nagsabing magpatupad ng batas na nagmumungkahi na huwag gumamit ng mga
salitang bulgar sa paglikha ng mga pelikulang indie at ang sinumang lumabag
dito ay may karampatang kaparusahan ayon sa isinagawang paglabag sa
nasabing batas. Iminungkahi rin ng mga respondante na suriing mabuti ng
ahensyang nakakasakop sa mga pampelikula o mga palabas. Samantalang 10
sampung porsyento naman ang nagsabing bigyang pansin ng ahensyang MTRCB
na kailangang mas lalong higpitan, suriin at repasuhin munang mabuti

ng

ahensyang ito ang lahat ng uri ng palabas na mapapanood sa madla. Mayroon

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
namang nagsabing huwag manood ng ganitong uri ng pelikula kapag may mga
batang kasama habang nanonood. Sampung (10) porsyento naman ng mga
respondante ang nagmungkahi na huwag manood ng ganitong uri ng palabas at
huwag tangkilikin kung may negatibong epekto ito sa bilang isang tao at
indibidwal.

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO

TALASANGGUNIAN

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO

DAHONG-DAGDAG

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO

TALATAN U N G AN
PAGGAMIT NG MGA BULGAR NG PAHAYAG MULA SA MGA
PELIKULANG INDIE: IMPLIKASYON SA WIKA AT MORALIDAD.
Mga Mahal na Respondante,
Ang mananaliksik ay nagtatangkang sagutin at mabigyang posibleng solusyon o
mungkahi hinggil sa patuloy na paglaganap ng mga pelikulang kinapapalooban o ginanamitan ng
mga bulgar na pahayag na batid kong may negatibong iplikasyon sa wika at moralidad ng isang
tao, layunin ko rin na mabigyan ng sapat na kalinawan kung ano ano ang mga ilplikasyon nito sa
wika at moralidad ng isang tao ng sa gayon maiwasan ang patuloy na panonood ng ganitong uri
ng mga pelikula. Taong Akademiko 2014-2015. Pakisagutan lamang po nang buong katapatan
upang higit na makatulong ang pag-aaral na ito sa mga kabataan at sa mga taong nag nanais na
magkaroon ng kaalaman at lalinawan hinggil sa pakssang ito. Umasa po kayo na ang lahat ng
datos na makakalap ay maingat na itatago at ililihim sa kapakanan ng mga sumagot.
Ang Mananaliksik
Panuto:
1. Punan ng tamang impormasyon ang bawat patlang na nakalaan sa ibaba.
Pangalan: (Opsyonal)__________________________________________________
Edad:_____________ Kasarian: _________
Antas : ______________ Estado sa buhay:____________
Pook na kinagisnan : _________________
2.

Ano ang mga Posibleng dahilan sa patuloy na paggamit ng mga bulgar na pahayag sa
paglikha ng mga pelikulang Indie ?

( ) Napapanahon
( ) Makatotohanan
( ) Mas nakapagbibigay aliw sa mga manonood.

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
( ) Nakapagbibigay ng panandaliang kasiyahan.
( ) Tinatangkilik ng masa dahil sa kalidad ng pelikula.
( ) Akma sa napapanahong isyu sa lipunan.
Panuto: Ang mga aytem sa ibaba ay nagpapamalas ng tseklis para sa iba pang suliraning
kaugnay sa paksa ng pananaliksik. Napakahalaga po ng talatanungang ito kung kayat pakibasa
ang bawat impormasyon at matapat na sagutin ang bawat tanong na nakalahad.
Tsekan:
5 - para sa Lubhang Sumasang-ayon
4 - para sa Sumasang-ayon
3 - para sa Di-tiyak
2 - para sa Di Sumasang-ayon
1 - para sa Lubhasng Di Sumasang-ayon
3.

a.
b.
c.
d.
e.
f.
g.
h.
i.
j.
4.

Dulot ng pelikulang Indie sa paggamit ng mga bulgar na pahayag sa wika at moralidad


ng tao.
WIKA
Nakasisira sa ating wika.
Lalong nakapagpapababa ng estado ng ating wika.
Nagiging bulgar ang mga kabataan sa kanilang
pananalita.
Nagiging marahas ang kabataan sa pananalita.
Hindi na nalilinang ang tamang wika.
MORALIDAD
Bumababa ang respeto ng mga kalalakihan sa mga
kababaihan.
Nagiging agresibo ang sex desire ng mga kabataan
na nauuwi sa maagang pagbubuntis at aborsyon.
Nawawala ang respeto sa sarili.
Nagiging mahilig sa pakikipag-away ang mga
kabataan.
Nawawala ang takot sa Diyos.

Ang mga posibleng solusyon upang malimitahan ang patuloy na paglaganap ng mga
masasamang epekto ng mga bulgar na pahayag sa wika at moralidad.

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
Posibleng Solusyon
a.
b.
c.

d.
e.

5.

Huwag tangkilikin ang mga pelikulang may mga


bulgar na pahayag.
Suriing mabuti ng MTRCB bago ito ipalabas sa
madla.
Pagmultahin ang sinumang magpapalabas ng
ganitong uri ng pelikula nang walang pahintulot
ng kinauukulan.
Maghain ng batas ukol dito at bigyan ng sapat na
parusa ang sinumang lalabag sa batas.
Magpatupad ng sapilitang pagtanggal sa takilya ng
pelikulang may bulgar na pahayag.

Mag bigay ng iba pang mungkahi hinggil sa pananaliksik na ito upang lubusang
malimitahan ang paggamit ng mga bulgar na pahayag sa mga pelikulang Indie.

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO

CURRICULUM VITAE
Dave Andrew C. De Arce
#0524 brgy.san pedro,
guagua pampanga.
Contact No.
E-mail Address:

2x2 picture

PERSONAL NA IMPORMASYON
Kaarawan

Nobembre 15,1999

Lugar ng Kapanganakan

Sta rita guagua pampanga

Taas

58

Timbang

56 k/s

Estado Sibil

Single

Pananampalataya

Roman Catholic

Lahi

Filipino

Lenggwaheng ginagamit

Tagalog, Kapampangam, Ingles

PAG-AARAL
Kolehiyo: Central Luzon Collge Of Science And Technology.

CELTECH COLLEGE
Lungsod ng Olongapo
PANANALIKSIK SA FILIPINO
uper Kalaklan Olongapo city

Sekundarya: Guagua National Colleges Montessori


Sta.Filomena Guagua Pampanga
2014-2015
Elementarya: Guagua Elementary School
Sta.Filomena Guagua Pampanga

You might also like