You are on page 1of 1

Raeven A.

Gonzales
CE2-7

Pantay: Susi sa Pagiging Isa

Ang mga pelikula na aking napanuod at nagtataglay ng mga karanasan ng


bawat indibidwal sa buhay. Dito nasasalamin na dapat natin pahalagahan ang
mga General Education Courses, hindi lang ang mga Major Courses, sapagkat
nagagamit at magagamit pa natin ito sa pangaraw-araw. Mas napapalawak ng
mga General Education Courses ang mga kaalaman na pwede pa natin na
matutunan sa pagdaan ng taon. Katulad nalang noong mga pelikula na
napanuod ko, nagagamit parin nila ang mga natutunan nila sa mga General
Education Courses sa trabaho nila na taliwas sa Major Courses na kinuha nila.
Dagdag pa rito, nalalaman din natin ang problema sa lipunan kailangan bigyan
ng pansin upang masolusyonan. Masasabi ko talaga na malaki ang pakinabang
at naitutulong nito sa buhay ng tao.

Sa mga pelikula na napanuod ko, hindi nabigyan ng pagkakapantay ang


babae at lalaki. Mas nabibigyan ng oportunidad ang mga lalaki kapag ito ay
tungkol sa trabaho. Sila din ang mas nabibigyan ng papuri, hindi tulad sa mga
babae. Katulad nalang doon sa pelikulang “What Home Feels Like”, yung ama
ang nabigyan ng magandang oportunidad na trabaho. Siya ang nabibigyan ng
maraming papuri dahil sa kaniyang mga naipundar para sa kanyang pamilya.
Ang mga babae naman sa mga napanuod ko na pelikula ay hindi masyado
pinapansin ang kanilang mga naiaambag sa komunidad/pamilya.
Napapagiwanan sila. Hindi masyado nakikita ang kanilang halaga sa
komunidad/pamilya kaya nakikita ko nalang ang kanilang sandamakmak na pag-
unawa at pasensya. Katulad nalang doon sa pelikulang “Sol Searching”, si Sol,
isang teacher at magsasaka na namatay ay hindi naasikaso nang maayos ang
burol. Hindi man lang siya natulungan ng kanyang mga tinuruan, sa lagay na ito
nasasalamin ang pagkawala ng pansin sa mga tulong na naibigay niya sa kanila.

Napagtanto ko na matatagalan pa ang pagtanggap ng mga Pilipino na


dapat pantay ang tingin sa babae at lalaki. Sa mga pelikulang ito nakikita ang
mga naiidudulot ng hindi pantay na pagtingin. Kailangan natin unti-unting alisin
sa ating isipan na dapat magkaiba ang tungkulin ng babae at lalaki sa
komunidad/pamilya. Sa paraan na ito, magiging maganda ang kahihinatnan ng
pag-iisip ng bawat isa tungkol sa pagkakapantay-pantay. Ang pagkakapantay-
pantay ang maaaring susi sa pagiging isa ng komunidad/pamilya.

You might also like