You are on page 1of 4

CAPAROSO, MARY KRIS JUMAWAN BSE-MATHEMATICS 2

JOSE RIZAL MEMORIAL STATE UNIVERSITY-MAIN CAMPUS

YUNIT 1: PELIKULA
LUNSARAN:
Panuto: Bago natin simulan ang ating aralin, narito ang isang panimulang gawain. Sa pamamagitan ng concept map,
palawigin ang salitang “Pelikula”. Ibahagi ang iyong paunang kaalaman hinggil sa paksa.

ay isang anyo ng sining na


ginagawang libangan at
negosyo

ang pelikula ay
nagsisilbing inspirasyon
ang pelikula ay humuhubug para bumangon araw
at sumasalamin sa kultura. PELIKULA araw, huwag mawalan
ng pag-asa at patuloy na
mangarap.

ang pelikula ay nagtuturo ng


kasaysayan
1.1 PELIKULA AT LIPUNAN

GAWAING PAMPAGKATUTO
Panuto: Bilang pagpapalawig ng iyong natutunan, ibahagi sa pamamagitan ng isang guhit ang impak ng pelikula sa iyong
buhay at sa lipunang iyong ginagalawan. Maaaring gumamit ng pangkulay para sa mas masining na likha. Gawing
batayan ang rubriks sa ibaba upang magabayan sa pangangailangan sa gawain.

 Sa panonood ko ng mga pelikula aking napagtatanto kung gaano kahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao. Ito
ang syang kayamanan na hindi mananakaw ng ibang tao. Ang karunungan na iyong nalikum ay syang gagabay sa
iyo patungo sa mga pangarap mo.
PAGTATAYA:
PANUTO: Nabanggit na isa ang panonood ng pelikula bilang kilalang libangan. Tiyak mayroon kang paboritong pelikula
na hanggang ngayon ay malaki ang impak sa iyong buhay. Sumulat ng sanaysay tungkol dito at ibahagi kung paano ito
naimpluwensyahan ang iyong buhay. Bukod pa rito, isalaysay rin ang mga aral at impak nito sa lipunan. Bago simulan,
basahin muna ang rubriks upang magabayan sa pagtatayang ito.

Bawat pelikula na iyong mapapanood ay may malaking impluwensya at kaalaman na syang mapupulot at
pweding maging behikulo para magbago ang takbo ng iyong mundo. Parang pag-ibig, may isang taong darating na hindi
mo inaakalang siya ay magiging paborito mong pahina sa storya ng iyong buhay.

Ang pelikula na syang nagpaluha, nagpagalit, nagpainis at nagpatawa sa akin ay ang pelikula na ginanap sa isang
kulungan kung saan karamihan ng mga karakter ay mga bilanggo sa ika-pitong selda na syang pinagkuhanan ng titulo ng
pelikula. Ang titulo ng pelikulang aking inilarawan ay “Miracle in Cell number 7”. Sa ,mga nakapanood nito,
paniguradong hindi mo matatapos na walang luhang bumabagsak sa mga pisngi mo. Sa bawat eksena ay talagang damang
dama mo ang init ng pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak at pagmamahal ng anak sa kaniyang ama . Pagmamahal
na syang gumagabay at nagbibigay liwanag at pag-asa sa buhay ng tao. Ngunit hindi ko maiwasan ang mainis at magalit
dahil kahit alam ng mga tao na inosente si Lito at hindi niya magagawang kumitil ng buhay ng isang bata pero ng
nagbubulag bulagan ang lahat para lang may maidiin sa krimen na hindi naman ginawa ng nasasakdal. Sadyang kaypait
isipin , pinatunayan lamang ng pelikulang ito na kayang bilhin ng pera ang hustisya. Hustisyang kay ilap makamtan dahil
pera pala ang binabasehan. Walang laban ang kapos sa may kapit sa pamahalaan. Alam natin na hindi lahat ng
nabibilanggo at nasa kulungan ay masama , minsan nasa labas pa ng selda ang tunay na maysala.

Sa pagtatapus ng pelikula baon ko ang mga aral na ito. Una, Dapat pahalagahan ang karapatang pantao. Dahil
ayun sa 1987 constitution, article 3 bill of rights section 1, “hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ariarian ang sino
mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas”. Ngunit
kahit may batas na pomoprotekta sa mga tao, may mga nilalang parin na halang sa kaluluwa na nilalagay sa kamay ang
batas. Marami ng ganitong sitwasyon na nagyayari sa buong bansa. Hinahatulan kahit hindi naman sapat ang mga
ebidensyang inilahad. Mga inosenteng nadadamay at nahahatulan ng sentensyang kamatayan sa salang hindi naman nila
ginawa. Naalala niyo pa ang pagpatay sa isang minordi-edad na walang kalaban laban sa mga pulisya na si Kian de los
Santos noong sinimulan ang “war on drugs” ng Pangulong Dutertenuong 2017. At tanging rason na binigay nila ay
nanlaban kaya wala silang pagpipilian kundi lumaban. Kaya mga kababayan, Ang buhay natin ang syang pinakamalaking
gantimpala na natanggap natin mula sa Panginoon, walang sino man ang pweding bumawi nito kundi sya lamang. Hindi
ibig sabihin na pag buhay ang kinitil buhay din ang magiging kabayaran. Kaya hindi dapat maaprobahan ang death
penalty sa bansa dahil baka may buhay na namang inosente ang muling malalagas at madadamay.
Pangalawa, mahalin ng lubos ang ating mga magulang dahil isa sila sa mga taong handang isakripisyo ang lahat
para lang pasayahin tayo. Iba ang pagmamahal ng magulang, dahil kahit hirap na hirap sila sa trabaho para sa pamilya at
mga anak ay patuloy parin silang lumalaban para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Huwag nating
kalimutan, na lahat ng bagay na naririnig, nababasa o napapanood ay pweding makapagbigay aral o leksyon sa atin.

You might also like