You are on page 1of 2

Isaiah Leynard Hibionada ARCH 1C

May 24, 2021 Filipino


Gawain 2

1.) “Adbokasyong Pangwika” galling kay Ashlee Iba

link :
https://www.youtube.com/watch?v=Fn281SSMQLU&t=136s&ab_channel=AshleeIbe

Sa bidyo na ito pinaparating ang mensahe ng kahalagahan ng wikang Filipino. Ang bidyo
ay nagsimula sa mga tanong ukol sa ating wika. Tinatanong ng tagalsalita mga tanong kung
naaalala pa natin ang mga sakripisyo ng mga dating Pilipino para payamanin ng ating wika. Isa
sa tanong ng bidyo ay “ Nakilumatan ba natin ng an gating wika ay sumasagisag sa isang
bansang matatag at may pagkakaisa?”, at sa panahong ngayon kung saan marami ng mga tao sa
bansa na mas pabor pa gamitin ang ibang wika, isang magandang tanong iyon.

Pinakita sa bidyo ang balita sa telebisyon noon kung saan sinasabi na idadagdag ang
wikang Koryano sa mga paaralan at papa-alisin nung Filipino sabdyek sa kolehiyo. Na ala-ala ko
ang mga balita na iyon noong pinalabas sa telebisyon, sa palagay wala naman masama kung
magbigay ang mga paaralan ng opportunidad sa mga interesado mag-aral ng ibang wika, pero
hindi ako sang-ayon sap ag-alis nila ng Filipino sa kolehiyo. Para sa akin dapat maturuan ang
mga estyudante na paano gamitin at mahalin ang ating sariling wika.

Ang bidyo na ito ay isang paalala para sa mga estyudante na kung gaano talaga kahalaga
an gating wika. Gawa ito ng mga estyudyante sa Tarlac State University. Sa palagay ko dahil ang
mga estyudyante ang gumawa nito, sila ay naghatid ng mga tanong at mga mensahe uko sa
ating wika, mas maiintidihan ito ng mga estudyante ka gaya ko.
2.) “Investigative Documentaries: Wikang Filipino, dapat paigtingin ang paggamit sa
paaralan” galling sa GMA Public Affairs.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o&ab_channel=GMAPublicAffairs

Ang dokumentaryo na ito ay galling sa GMA. Sa bidyo nakatutok tayo sa isang guro na si
Mila Villanueva na nagtuturo ng Filipino sa kanyang klase. Sa bidyo binahagi ang kanyang mga
pananaw sa mga bata ngayon at sa paggamit nila ng wikang Filipino. Binahagi rin ang mga
pananaw ng ibang estudyante sa dokumentaryo.

Sa bidyo si Mila Villanueva ay sinasbi na ang mga estyudyante niya ay hindi masyadong
magaling sa Filipino. Sabi sa panahon ngayon maraming mga maling salita na napapbayaan o
nababahala na sa paggamit. Isang halimbawa ayon sa kanya ang jejemon, kung saan gumagamit
ang tao ng mga maling salita sa mga mensahe. Sa tingin, si Mila Villanueva, bilang isang guro ng
Filipino mula noon pang dekada 70, ay naddidismayado sa paano tinatrato ang ating wika
ngayon, at sa koonti ng kaalaman sa ating wika ng mga estyudyante niya. Pinakita rin nung,
nung pananaw ng mga estyudyante, sa kanila mayroon mga salita na hindi nila alam sa Filipino
na wika, katulad ng mga kulay at iba pa. Kaya ditto pa minsan nagkakamali sila pero tuwing oras
ng Filipino naghihikayat sila ng kanilang sarili na magsasalita sila ng Filipino para masanay sila at
matuto ng higit pa.

Sa palagay ko, ang dokumentaryo na ito ay nagpapakita ng pangkaraniwan na mga


nangyayari sa paaralan. Marami mga guro ng Filipino ay naghihikayat sa mga estudyante nila na
mag-gamit at mag-aral ng wikang Filipino. At marami din estudyante na sumisikap matuto ng
Filipino upang maunawaan at matuto ang wikang pambansa.

You might also like