You are on page 1of 4

Aralin 3

Adbokasiyang Pangwika

Macabit, Jhedel M.

BSBA MM 3A

Suriin!

1. Tungkol saan ang video?

Sagot:

Tungkol ito sa isang adbokasiyang pangwika na kung saan at tinatalakay nito ang kahalagahan
ng paggamit ng ating sariling wika sa pakikipag-ugnayan sa kapwa natin Pilipino at sa paggamit
nito sa ating pang araw-araw na gawain.

2. Ano ang iyang naging impresyon nang ikaw ay nagsimula pa lamang manood?

Sagot:

Ako ay napaisip kung ano na ang estado ng ating sariling wika sa henerasyon natin ngayon.
Kung nagamit pa ba ito o napapabayaan na lamang dahil sa mga iba't-ibang dayuhang wikang
patuloy na ginagamit ng ating kapwa Pilipino.

3. Pagkatapos ng iyong panonood, mayroon bang naging epekto o pagbabagong nangyari sa


iyong isipan? Ano ito at ipaliwanag.

Sagot:

Matapos kung napanood ang video ay nasagot ang ating mga katanungan na may malaking
nangyayaring pagbabago sa paggamit ng ating sariling wika ngunit maibabalik natin at
maisasalba kung gamitin natin ito sa lahat ng aspeto sa pakikipag komunikasyon. Naapektohan
nito ang aking pag-iisip at pangamba na baka tuluyang mawala na ito ngunit hangga't mayroong
mga Pilipinong handang ipaglaban at isalba ang kayamanang unti-unting nawala ay may pag-asa
pa itong mas umunlad at mas yumabong sa susunod na henerasyon.

4. Ano sa tingin mo ang pangkalahatang mensahe ng video?

Sagot:

Ang pangkalahatang mensahe ng video ay dapat nating pahalagahan, ingatan, paunlarin,


gamitin at isalba ang isa sa mga dahilan ng ating kalayaan, ang nagsisilbing pagkakakilanlan
natin na tayo ay Isang Pilipino at isa itong yaman ng ating bansa na pwede nating taas noong
ipagmalaki sa kung sino man. Ang pagtangkilik muna sa sariling wika bago ang mga dayuhang
wika. Upang mas nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang mga tao sa isang bansa at upang
mas maipahayag natin ang ating opinyon at damdamin.

5. Ang video na iyong napanood ay isang halimbawa ng adbokasiyang pangwika. Ngayon, para
sa iyo, ano kaya ang tinatawag na adbokasiyang pangwika? Ipaliwanag.

Sagot:

Itong adbokasiyang pangwika ay isang pampublikong pagsuporta, pagtulong at pagpapakita ng


kahalagahan sa isang wika, sa pamamagitan ng iba't-ibang uri ng midya tulad na lamang sa
aking bidyong napanuod na kung saan ginamit niya ang YouTube sa pagpapakita ng suporta
tungkol sa sariling wika. Ito ay maaaring gawin ng isang indibidwal o isang grupo, organisasyon
at iba pa.

Unawain!

1. Adbokasiyang Pangwika #1

Ano ang masasabi mo sa uri at pagkakagawa ng adbokasiyang pangwika?


Sagot:

Ang adbokasiyang pangwika na aking nabasa ay tumutukoy ito sa pangkalahatang kahalgan ng


ating sariling wika. Ito ay sa pamamagitan ng makabagong pagsusulat na kung saan malinaw
nitong maipahayag ang layunin o tema ng kanyang adbokasiyang pangwika. May iba't-ibang
impormasyon din itong inilahad na nakakatulong sa mga mambabasa na mas maunawaan pa
ang kahalagahan ng ating sariling wika. At higit sa lahat nakipagbibigay ito ng motibasyon upang
mas mapaunlad at mapalaganap pa ang ating sariling wika.

Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng adbokasiyang ito sa video na napanood mo kanina?

Sagot:

Pareho silang may layunin o tema kung ano ang kahalagahan ng Wikang Filipino at kung sa
anong paraan ito mas mapaunlad at mapalaganap. Magkaiba nga lang sila sa uri ng midyang
kanilang ginamit ito ay pasalita at pasulat sa makabagong pamamaraan. At yung video ay
binubuo ng isang grupo habang ang isang blogspot ay indibidwal lamang.

2. Adbokasiyang Pangwika #2

Ano ang masasabi mo sa uri at pagkakagawa ng adbokasiyang pangwika?

Sagot:

Ang nilalaman ng adbokasiyang ito ay tungkol sa paggamit ng sariling wika. Ang uri ng
pagkakagawa nito ay sa pamamagitan ng isang piktyur na may mga nakasulat tungkol sa
paggamit ng sariling wika.

Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng adbokasiyang ito sa adbokasiyang pangwika #1 na


nabasa mo kanina?

Sagot:

Pareho silang isinusulong ang paggamit ng sariling wika sa pakikipag-usap sa kapwa Pilipino.
Ngunit magkaiba sa pamamaraang kanilang ginamit may pasulat at may gumamit ng piktyur
upang mailahad nila ang kanilang layunin. Ang adbokasiyang pangwika #1 ay pang-isahang
gawain habang yung pangalawa ay binubuo ng isang grupo.

Batay sa mga adbokasiyang pangwika na iyong nasuri, ano ang iyong konklusyon?

Sagot:

May iba't-ibang uri ng paggawa ng isang adbokasiyang pangwika maaaring ito ay tradisyonal, o
kaya ay makabagong pagsusulat o pagsasalita gamit ang iba't-ibang uri ng midya. Ang
adbokasiyang pangwika ay pagsusulat o pagpapahayag ng suporta, tulong at kahalagahan sa
isang wika at pamamaraan kung paano ito mapapalaganap at mapaunlad na maaaring gawin ito
ng isang grupo o indibidwal lamang.

You might also like