You are on page 1of 1

Rosales, Melody

BS BIO 2- B2

Matapos panoorin ang music video mula sa YouTube, sagutin ang katanungan pa tungkol sa
awiting narinig at napanood. 

1. Anong mensahe ang iniwan ng nasabing awitin na hindi karaniwang naririnig sa awiting
Ingles? 

 Kung ating susuriing Mabuti ang mga karaniwang tema ng awiting ingles ay tungkol sa
pag-ibig o kaya naman ay sa sarili. Ngunit itong awiting “Mamamayan Ang Mamamayani”
ay nag iwan ng isang hindi pangkaraniwan at makabuluhang mensahe. Sinasabi rito na
kung tayong mga mamamayan ay patuloy na magkaka-isa at magtutulong-tulong ay tiyak
na walang problema ang hindi masusulosyonan. Bagamat tayo ay magkaka-iba ang lahi at
kultura, ang pagkakaisa ay ating kailangan. Walang kung sinoman ang kinakailangang
mamayani kundi tayo ring mga mamamayan.

2.Paano sinasalamin ng mga awiting ito ang mahigpit na ugnayan ng Wikang Filipino?  

 Ating nababatid na ang pag gamit ng isang wika ay isang paraan upang tayo ay
magkaintindihan. Ang paggamit ng wikang Filipino ang dahilan kung bakit tayo
nagkakaunawaan at nakakapag-usap ng maayos. Kung kaya naman ang Wikang Filipino
ang nagbibigkis sa ating mga mamamayan na magkasundo sa mga bagay.

You might also like