You are on page 1of 5

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
MODYUL 7
(UNANG WIKA, IKALAWANG WIKA AT
IKATLONG WIKA )

Inihanda ni : JULIE ANN A. CALIBUSO


Layunin: Pagkatapos basahin at sagutan ang mga gawain sa modyul 7 ay inaasahan ang
mga mag-aaral na:
A. Natutukoy at nabibigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga termino sa
linggwistika ;
B. Nakabubuo ng sariling pananaw sa natutuhan patungkol sa wika; at
C. Naiuugnay ang sarili sa mga napag-aralan patungkol sa wika.

PAG-ARALAN NATIN!

ARALIN 7- UNANG WIKA, IKALAWANG WIKA AT IKATLONG WIKA


Mga Mahahalagang Termino
LINGGWISTA - isang taong nagsasagawa nang maagham na pag-aaral ng wika. Ang
linggwista ay ang taong nagpakadalubhasa sa isang wika. Inaalam niya ang pinagmulan
ng salita (etymology), kung bakit ito nagamit atkung anong tamang gamit nito sa
pangungusap.
LINGGWISTIKA - ang maagham na pag-aaral ng wika. Gaya ng mga kursong
pinagkakadalubhasaan ngayon sa pamantasan at dalubhasaan, ang linggwistika ay
isang kurso ng maagham na pag- aaral ng wika. Dito nakapaloob hindi lamang ang
bawat salita sa isang partikular na wika, kundi ang pinagmulan ng wikang iyon at ang
kaugnayan nito sa iba pang laganap na wika sa isang partikular na lugar o pook.
LINGUA FRANCA - ang tawag sa pinakalaganap na wika sa isang lugar. Sa Pilipinas,
ang lingua franca ay Filipino.
LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD
 Nagbibigay-kahulugan sa wika bilang gamit ng tao sa lahat ng aspeto ng
panlipunan.
 Pinakasentro ng mga sosyo-linggwista.
 Binubuo ng grupo o pangkat ng mga taong kabahagi ng tradisyon, paniniwala at
kaugalian at wika.

 WILLIAM LABOV (1972) - ang linggwistikong komunidad ay isang pangkat ng mga


taong nagkakaunawaan sa layunin at estilo (salita, tunog at ekspresyon) ng kanilang
pakikipag-ugnayansa paraang sila lamang ang nakakaalam.
 DELL HYMES (1967) - komunidad ng mga taong kabilang sa isang patakaran at
pamantayan ng isang barayti ng wika na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at
pakikipag- unawaan.
 VAN OTTENHEIMER (2009) - grupo ng mga taong paggamit ng isa o higit pang
barayti ng wika kung saan sila ay nagkakasundo sa patakarang ito na ginagamit
nila sa pang-araw-araw na komunikasyon.

UNANG WIKA (L1)


 Ang pinakaunang wikang natutuhan ng tao sa kaniyang buhay. Ito ang natutuhan ng
bata sa kanilang bahay na ginagamit ng kaniyang magulang at nakasanayan na rin
niyang gamitin simula pa noong bata siya.
IKALAWANG WIKA (L2)
 Ang iba pang mga wikang natutuhan ng tao sa buhay. Sa paglipas ng panahon,
habang lumalaki ang isang tao, hindi lamang ang iisang wika ang kaniyang
natututuhan, natuto na rin siya ng iba pang wika na ginagamit ng iba tao na
kaniyang nakakasalamuha. Halimbawa nito ay ang Ingles, Kastila at iba pang
pangunahing wika sa Pilipinas.
IKATLONG WIKA (L3)
 Natututuhan niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid
niyang nagsasalita ng wikang ito. Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop
niya sa lumalawak na mundong kaniyang ginagalawan.
 Ang wikang ito ay tinatawag ding L3. Sa Pilipinas kung saan may mahigit na 150 na
wika at wikaing ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at pangkaraniwan
nalang ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng ikatlong wika.

SAGUTAN NATIN!
GAWAIN 1
Sagutan nang buong husay ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang iyong unang wika o kinalakhang wika?

2. Ano ang iyong ikalawang wika na natutuhan mo sa pakikisalamuha sa iba?

3. Ano ang iyong ikatlong wika, na kung saan dito ay maaari mong gamitin sa
pakikipagtalastasan at makisabay sa alinmang panig ng daigdig o mundong
kinagagalawan?

4. Bakit palaging nakabatay sa kultura ang isang wika?

5. Ano ang tawag sa maagham na pag-aaral ng wika?

6. Ano naman ang tawag sa mga taong nagpapakadalubhasa sa wika?

7. Bilang isang mag-aaral , paano mo mapapahalagahan ang wikang unang ipinamulat


sa iyo ng iyong mga magulang?

8. Dapat bang magkaroon ng ka ng ikatlong wika? Bakit?

9. Mayroon pa kayang mga taong walang ikatlong wika? Sino ang mga iyon?
10. Kung ikaw ay mayroong ikatlong wika, ikaw ay mapalad sapagkat kaya mong
makipagsabayan sa ibang tao. Ipagpalagay na ikaw ay isang guro, paano mo
ipapakilala ang Wikang Ingles sa mga mag-aaral bilang isang wikang global?

GAWAIN 2: Ilarawan ang Linggwistikong Komunidad sa pamamagitan ng


pagguhit. Iguhit ito sa loob ng kahon sa ibaba.

PAMANTAYAN O KRAYTERYA
Makatawag-pansin 5 puntos
Masining na paglalarawan 5 puntos
May kinalaman sa paksang 5 puntos
“Linggwistikong Komunidad”
Kalinisan 5 puntos
KABUOAN 20 PUNTOS

“Ang Aking Guhit”


TEACHER CONTACT DETAILS
Name: Julie Ann A. Calibuso
Cellphone #: 09367703893
Fb/Messenger: Julie Ann Arcelona Calibuso
Email address: julieanncalibuso668@gmail.com

MGA SANGGUNIAN
 Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino nina Helen Dupale at
Emilia Sanchez (2012)
 www.deped.gov.ph
 Sining ng Komunikasyong Pang-akademiko nina Perla C. Urbano at
Domingo Cabarteja

You might also like