You are on page 1of 5

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
MODYUL 6
( Tungkulin / Gamit ng Wika )

Inihanda ni : JULIE ANN A. CALIBUSO


Layunin: Pagkatapos basahin at sagutan ang mga gawain sa modyul 6 ay inaasahan ang
mga mag-aaral na:
A. Natutukoy at nabibigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga tungkulin ng
wika;
B. Nakabubuo ng sariling pananaw sa natutuhan patungkol sa tungkulin ng wika; at
C. Naiuugnay ang sarili sa mga napag-aralan patungkol sa mga tungkulin ng wika.

PAG-ARALAN NATIN!

ARALIN 5- Ang Tungkulin ng Wika

Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang paraan at layunin. Maaari itong gamitin
upang magtakda ng isang kautusan, magpalaganap ng kaalaman, kumimbinsi
ng kapwa na gawin o paniwalaan ang isang bagay, bumuo at sumira ng
relasyon, kumalinga sa mga nahihirapan at nasisiphayo, at sa marami pang
kaparaanan. Ayon sa mga Australyanong linggwista na si M.A.K Halliday, may
iba’t ibang gamit ang wika. Tinalakay niya ang mga ito sa kaniyang “systematic
functional linguistic model.” Nasa ibaba ang 7 gamit o tungkulin ng wika at
halimbawa ng mga ito.

Tungkulin ng Wika Halimbawa


Ang instrumental na gamit ng wika ay “Gusto ko ng gatas.”
nakatuon sa pagpapahayag ng
pangangailangan ng tao, tulad ng
anumang kahilingan kaugnay ng
pagkain, inumin at iba pa.
Ang gamit na regulatori o regulataryo “Ilipat niyo ang Channel ng TV.”
naman ay nakapokus sa paggamit ng
wika sa pagbibigay ng utos o
pagbibigay ng gabay sa posibleng
gagawin ng ibang tao.
Samantala, ang interaksyunal naman “Share tayo sa chocolate.”
na gamit ng wika ay nagbibigay-pansin
sa pagpapahayag kaugnay ng pagbuo
ng ugnayan o relasyon, o anumang
gawain ng pakikisalamuha sa ibang
tao.
Ang personal na gamit ng wika ay “Mabait ako”
tumutukoy naman sa pagpapahayag
ng damdamin, opinyon, at indibidwal
na identidad.
Sa gamit na heuristiko, ang “Paano ginagawa ang ice cream?”
pagpapahayag ay nakatuon sa
pagkalap ng impormasyon o kaalaman
tungkol sa kapaligiran ng nagsasalita.
Ang gamit ng imahinatibo naman ay “Parang bulsa ni Doraemon ang wallet
may kaugnayan sa pagpapahayag ng ni Daddy.”
kuwento at joke, at sa paglikha ng
kapaligirang imaginary (kathang-isip).
Ang representasyonal o “Nagpunta sa palengke si Tatay.”
representatibo naman na gamit ay
tumutukoy sa pagpapahayag ng datos
at impormasyon.

Kapansin-pansin na ang mga halimbang ginamit ay pawang angkop sa mga


sitwasyon ng mga bata. Bunsod ito ng paliwanag ni Halliday na ang mga
nabanggit na gamit ng wika ay makikita sa mga bata, at sa kaniyang
pananaliksik, unti-unting “umuunlad” ang paggamit ng mga tao sa wikang
habang tumatanda, kaya’t habang tumatagal ay unti-unting naghahalu-halo ang
mga gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. Halimbawa ang pagpapahayag ng
datos ay maaaring may kahalong pagpapahayag ng damdamin (kaya’t
naghahalo ang gamit ng representasyonal at personal).

May angkop na paraan ng pagpapahayag para sa iba’t ibang sitwasyon at


konteksto. Sa paggamit ng wikang Filipino, iba’t ibang paraan din ng
pagpapahayag ang ating ginagamit. Halimbawa, magkakaiba ang paraan ng
pagpapahayag na angkop at karaniwan sa panayam o interbyu, balita, radyo,
blog, at social media. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga sitwasyong
pangwika na akma sa konteksto ng mamamayang Pilipino. Makikita sa mga
sumusunod na sitwasyon ang pagkakaiba-iba ng paraan ng pagpapahayag ng
partikular sa pormalidad ng wika.

 Wika sa Mga Panayam


 Wika sa Balita
 Wika sa Iba pang Programa sa Radyo
 Wika sa Iba pang Programa sa Telebisyon
 Wika sa Social Media at Blog
 Lingguwistiko at Kultural na Pagakakaiba-iba sa Lipunang Pilipino Mula
Midya Hanggang sa mga Pelikula at Dula

GAWIN NATIN!

Manood ng isang talumpati ng isa sa mga kandidato sa pagkapangulo nang


nakaraang eleksyon sa YouTube, suriing mabuti ang kaniyang mga pahayag, at tukuyin
kung alin sa mga tungkulin o gamit ng wika ang kaniyang isinakatuparan. Magbigay ng
mga eksaktong pangungusap. At ibahagi ito sa pamamagitan ng paglagay ng mga
pangungusap sa loob ng kahon.

Halimbawa:
TALUMPATI PANGUNGUSAP TUNGKULIN
Talumpati ni Senator Grace Ang aking buhay ay isang IMAHINATIBO
Poe bukas na aklat.
Ako si Grace Poe.Pilipino. PERSONAL
Anak, asawa at ina, at sa
tulong ng mahal na Diyos
ay inaalay ko sa inyong lhat
ang aking sarili sa mas
mataas na paninilbihan
bilang inyong pangulo.

TALUMPATI PANGUNGUSAP TUNGKULIN


SALAMININ NATIN!

Bumuo ka ng isang panungusap na batay sa mga tungkulin ng wika na kadalasang


sinasambit sa mga sitwasyong nasa ibaba.

1. Bus driver sa kaniyang mga pasahero at kapwa drayber.


Mga pasahero sa mga kapwa pasahero at drayber. Tindero’t Tindera sa loob ng bus.
Halimbawa:
“Bawal pong manigarilyo dito sa loob ng REGULATORI
sasakyan”
IMAHINATIBO
Parang kalesa noong kapanahunan ang
takbo nitong jeep.
PERSONAL
Ako’y nahihilo sa amoy ng Bus.
HEURISTIKO
Kuya, paano po makakarating sa
Bayombong Capitol? Madaraanan ba
natin?
INSTRUMENTAL
“Gusto ko nang chicharon Bulacan.”
Ikaw muna magbayad ng pamasahe natin. INTERAKSYUNAL
Ako nalang mamaya magbabayad sa pag-
uwi.
REPRESENTASYONAL
Para po! Dito na po ako bababa.

2. Mga bisita at may kaarawan sa Birthday Party.


Mga bisita sa kapwa bisita. Mga organizer ng birthday at iba pa.

REGULATORI

IMAHINATIBO

PERSONAL

HEURISTIKO

INSTRUMENTAL

INTERAKSYUNAL
REPRESENTASYONAL

Tanong:
Panuto: Sagutan nang buong husay ang mga tanong.

1. Bakit sinasabing ang interaksyunal na tungkulin ng wika ay nagpapatibay ng relasyon


sa ibang tao?

2. Ano ang instrumental na gamit ng wika?

3. Magbigay ng halimbawa ng sitwasyon sa tungkulin ng wikang “ regulatori”?

TEACHER CONTACT DETAILS


Name: Julie Ann A. Calibuso
Cellphone #: 09367703893
Fb/Messenger: Julie Ann Arcelona Calibuso
Email address: julieanncalibuso668@gmail.com

MGA SANGGUNIAN
 Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino nina Helen Dupale at
Emilia Sanchez (2012)
 www.deped.gov.ph
 Sining ng Komunikasyong Pang-akademiko nina Perla C. Urbano at
Domingo Cabarteja

You might also like