You are on page 1of 2

Pangalan: Angelo Z.

Belda Grade and Section: 11 - Tourmaline

Introduksyon

Ang "The Little Prince" o sa tagalog "Ang Munting Prinsipe" ay gawa ng isang pranses na

piloto at manunulat na si Antoine de Saint-Exupery unang nailathala ang kanyang gawa noong

1943 sa wikang Pranses at Ingles. Makalipas ang mga tao ay nagkaroon ito ng dalawang

adapation ang The Little Prince 1974 sa direksyon ni Stanley Donen at The Little Prince 2015 sa

direksyon naman ni Mark Osborne. Dahil dito ay mas nakilala at nakita ng mga tao ang ganda at

halaga ng mensahe ng na nais iparating ng awtor sa kanyang nobela.

Laman ng pelikula

Pinakita sa pelikula na ito ang kahalagahan ng pagiging bata ang karanasan na dapat

nilang madama sapagkat ang mga oras na kanilang pagkabata ay hindi na maibabalik pa.

Pinakita rin dito na nararapat na huwag ikontrol ang sarili na gawin ang mga bagay na hindi mo

ikakasaya sapagkat hindi mo nabubuo dito ang tunay na ikaw. At panghuli ay pinapahatid ng

pelikula na ang tunay na ganda o mahalaga ay hindi nakikita ng ating mga mata kundi ang ating

puso lamang. Sa kabuoan ang nilalaman ng pelikulang ito ay mga aral sa buhay na dapat nating

malaman at gawin.
POV ng piloto

Sa una ay ang kanyang layunin ay puntahan ang munting prinsipe pero iyon ay nagbago

ng kauntin ng nagging kapit bahay niya ang mag-ina. Ginawa ng piloto ang kayang mga ginawa

tulad ng pagkuwento nya tungkol sa buhay niya at sa buhay ng munting prinsipe sa araw-araw

ito ay para mapalapit siya sa batang babae at iparanas sa kaniya kung pano maging isang

normal na bata, ito ay kaniyang ginawa niya ng buong puso kahit alam niya na wala ito magiging

kapalit na material na bagay.

Insight

Ang natutunan ko mula sa pelikulang ito ay ang wag tayong magpapaka kulong sa mga

bagay na umiiwas sa atin upang maranasan ang tunay na kabataan kung saan dito natin

napapaunlad ang ating imahinasyon at nararanasan ang tunay na kasiyahan o sa ibang salita ay

wag nating pipiliting tumanda ng mabilis, Ito babaunin hanggang sa magka anak man ako dahil

ayaw ko na maranasan nila ang mga naranasan ng ibang bata kung saan nagtatrabaho sila

upang may pangpa-aral sila sa sarili nila hanggang kolehiyo o kaya sa kadalasan ay tumitigil na

sa pag-aaral upang makatulong sa magulang nila sa pang-kain nila sa araw-araw, kaya ako ay

mas lalo pang magsusumikap sa pag-aaral habang di kinakalimutan ang pagiging bata.

You might also like