You are on page 1of 9

ARGIE T.

TUBURAN
Para kay sir Tuburan ang masasabi ko lang napakagaling at
maganda ang napili niyang ibinahagi sa atin sapagkat ang kaynag
napili ito ay tungkol sa Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyon sa
Filipino ng mga Mag-aaral sa Ikalabindalawang Baitang ng Akademik
Strand: Batayan sa Pagbuo ng Worktext. Ang kasanayan sa Pagsulat ay
kinakailangan ang ibayong kaalamang pangkaisipan kung saan
ginagamit ang pag-iisip sa pagpapaunlad ng ideya at kung paano
ilalahad ang hanay ng mga kaisipan sa paraang higit na mauunawaan
ng mga mag-aaral o mga mambabasa. Bilang isang guro dapat natin
tingnan ang kakayahan na meron ang ating mga mag-aaral upang
masukat kung saan natin sila pwedeng ilagay. Ang pagsulat ay isa sa
makrong kasanayang dapat malinang sa isang mag-aaral. Ang
pagsulat ay ginagamit din sa pagbasa sapagkat kung hindi maayos
ang pagkakasulat ng mga salita o mga simbolo magkakaroon ito ng
ibang kahulugan sa mga mambabasa. Bago paman isulat ng isang
akda o manunulat kailangan munang isipin ng mabuti kung ano ang
sisusulat niya.
Isa sa mga epektibong pagpapahayag na dapat malinang sa
kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ay nakatuon sa kanyang
sariling pananaw, opinyon at ideya tungkol sa isang paksa. Ang
guro ang dapat gumagabay para sa kaunlaran ng kaalaman ng mga
mag-aaral lalong-lalo na sa pagbuo ng sanaysay, nobela o mga
kawaing ginamit ang makrong kasanayang pagsulat.
Sa panahon ng pandemya isang hamon para sa mga guro sa mga
mag-aaral kung paano turuan ang mga mag-aaral sa komposesyon
sa pagsulat at kung paano ito umpisahan sapagkat hindi ito agarang
mabigyan ng atensyon ng mga guro dahil na rin sa bagong sestima
ng edukasyon. Mahinang estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat at
kadalasan naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng
mga mag-aaral sa pagsulat.
Malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat ng guro sa
Filipino na turuan ang mga mag-aaral na mas mataas pa sa kanyang
nalalaman. Dapat din ang mga guro ay may ibayong kaalaman
upang maibigay ang mga ibahagi sa mga mag-aaral.
JEANE G. MARABE
Para kay Mam Marabe ang masasabi ko lang ay isang magaling
at magandang hamon para sa mga guro dahil ang napili niyang
ibinahagi sa atin sapagkat ang kaynag napili ito ay tungkol sa
Pagkilala/Pagbasa sa mga salita at Pang-unawa sa binasa na
lebel ng Grade 7 na Mag-aaral ng Guinsang-an National High
School. Karamihan sa mga mag-aaral ay inaasahang tinataglay
na ang pangunahing kasanayan sa pagbasa,pagsulat at iba pa,
para madali siyang makaunawa at maproseso ang mga
impormasyon,para magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang
disiplina ito ay possible sa pamamagitan ng pang-unawa at
pakikipagkomunikasyon at pagsasanay ng iba’t ibang kasanayan
sa pag-aaral,pag-uugali at kaasalan. Bilang Guro nararapat natin
ituro sa ating mga mag-aaral ang kawastuhan sa pagbasa at
pagbigkas sapagkat kung hindi maayos ang mag bigkas nito
magkakaroon ng ibang kahulugan ang isang salita upang sa ganon
uunlad ang kaalaman ng isang tao o isang mag-aaral.
Ipinapakita rin dito, may mga mag-aaral ay mahina sa pag
unawa sa binabasa at hindi masyadong marunong bumasa
kaya magkakaroon ngayon ng ibang pagkakaintindi. Isa itong
hamon para sa mga guro upang mas lalo pa nilang ipursige na
turuan ang mga mag-aaral sa tamang bigkas at pagbasa ng
mga salita. Bilang isang guro nararapat din na ihikayat ang
mga mag-aaral na bumasa ng bumasa upang magkaroon sila
ng kaalaman dito. Isa rin sa malaking problema ang kawalan
ng interes sa pagbasa dahil na rin sa panahon natin ngayon ay
maraming makikita na mga bagay na mabibigyan nila ng
interes kaysa sa pagbasa. Halimbawa sa ngayon ang mga bata
o mga mag-aaral ay may sarili na itong mga cellphone at sa
cp ay marami silang makikita na mas nakapukaw sa kanila ng
interes. Kaya sa mga guro isa sa malaking hamon ito.
ANTHEA GRACE A. ESTRABILLO
Para kay Mam Estrobillo ang masasabi ko lang ay isang
magaling at magandang hamon para sa mga guro dahil ang
napili niyang ibinahagi sa atin sapagkat ang kaynag napili ito
ay tungkol sa, Ang Kaugnayan Ng Bilis Sa Pagbasa Ng
Akademikong Teksto At Kakayahan Sa Pag-unawa Ng Mag-
aaral Sa Tersyarya Ng Southern Christian College. Ipinapakita
dito na ang
pagbabasa  ng mga teksbuk dahil kailangan natin ang
impormasyong naroroon upang makipagbahagi ng kaalaman
sa klase. Nagbabasaang ng mga kwento,tula,sanaysay at
nobela dahil ibig nating makibahagi sa buhay ng ibang
nilalang na inilalarawan sa ganitong uri ng teksto. Ibig nating
maaliw sa pagtikim ng isang bahagi ng buhay ng iba. Ngunit,
hindi sapat na kumuha lamangng impormasyon o humango
ng kasiyahan sa tekstong binabasa.
Pagkakaroon ng kabataan ng mahinang pundasyon sa
pagbasa. Dahil narin sa kawalan ng interes sa pagbasa dahil
may iba silang pinagkakaabalahan . Halimbawa kagaya
nalang ng mobile games mas nasisiyahan pa sila doon kaysa
bumasa ng mga babasahin. Dapat bilang isang guro nararapat
na hikayatin ang mga mag-aaral o mg kabataan na bumasa
hindi lang dito dapat din ang mga guro ay magkakaroon ng
panibagong estratehiya sa pagtutoro. Kung gusto ng iyong
mga mag-aaral ng games yong iyong paksa gagawa ka ng
games para doon para mas makuha mo yong interes nila sa
pagbasa. Bilang guro nararapat natin ituro sa ating mga
mag-aaral ang kawastuhan sa pagbasa at pagbigkas
sapagkat kung hindi maayos ang mag bigkas nito
magkakaroon ng ibang kahulugan ang isang salita upang
sa ganon uunlad ang kaalaman ng isang tao o isang
mag-aaral.

You might also like