You are on page 1of 3

Si Bb. Charley M.

Damiao ay isinilang noong ika-


labing anim ng marso taong dalawanlibo't anim sa lungsod ng Dasmariñas,
probinsya ng Cavite. Siya ay nakapag-aral ng primaryang edukasyon sa San
Nicolas Elementary School. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang sekondaryang pag-
aaral sa Dasmariñas East Integrated Highschool. Siya ang kasalukuyang nag-aaral
ng ikalabindalawang baitang sa Philippine Christian University - Dasmariñas at
naghahandang kumuha ng entrance exam sa De La Salle University - Dasmariñas,
para sa kanyang pag tungtong ng kolehiyo.
Siya ay nabibiyayaan ng parangal noong siya ay nasa ika-apat na at ika-limang
baitang. Siya rin ay nabigyan ng pag kakataon upang maging bise presidente ng
kanilang silid-aralan noong siya ay nasa ika-anim na baitang, naimbitahan din
siyang sumali sa kompetisyon sa sayaw sa loob ng kanilang eskwelahan noong
siya ay nasa sekondaryang pag-aaral. Siya rin ay nakatanggap ng sertipiko ng
akademikong parangal noong siya ay nasa ika-walong baitang. Karagdagan pa
rito, siya ay sumali sa isang patimpalak noong siya ay nasa ika-labing isang
baitang na kung tawagin ay "Bench yell" siya at ang kanyang mga kasama ay
nakakuha ng pangalawang pwesto na parangal dito.
Si Bb. Ashley Necole T. De leon ay mas kilala siya sa
tawag na “ash” Isinilang siya noong ika-isa ng Hunyo noong taong 2006 sa
bayan ng manila. Sa ngayon, siya ay nag-aaral sa trak ng STEM sa senior high
school ng Philippine Christian University-Dasmariñas. Noong nasa elementarya
pa lamang siya simula ng ika-unang baitang at hanggang ika-anim na baiting
meron siyang natanggap na may karangalan. At Noong nasa ika-walong baitang
na siya marami siyang sinalihan na patimpalak katulad na lamang ng paligsahan
sa badminton nakatanggap siya ng pangatlong pwesto sa paligsahan.

At noong nasa ikalabing-isang baitang na isa siya sa nakatanggap ng may


karangalan. At ngayong siya ay nasa ikalabing-dalawang baitang nang panuruan
at inaasam ulit na magkaroon ng karangalan. At ngayong mag kolehiyala na siya
gusto niya makapasok sa paaralan na inaasam niya at ayun ang De la salle o mas
kilala sa DLSU. At balang araw gusto, niyang maging matagumpay na isang
magiting na doktora. Ang makapag-aral sa kolehiyo at makapagtapos ng pag-
aaral ang isa sa kanyang mga mithin. Naniniwala siya na ang edukasyon lamang
ang tanging regalo niya sa kanyang mga magulang dahil sa kanilang pag-aalaga
sa kanyang pag-aaral. At ito lamang ang hinihiling ng kaniyang mga magulang
na makapag tapos sa pag aaral.
Si Bb. Miel Charlotte V. Catapat ay isinilang
noong ika-dalawampu ng Marso sa taong dalawanglibo’t anim sa
lungsod ng Las piñas. Siya ay nagtapos ng primariyang edukasyon sa
lungsod ng Makati, ipinagpatuloy nya ang kanyang sekundaryang pag-
aaral sa School of Mount Saint Mary sa probinsya ng Bulacan.
Kasalukuyan niyang tinatapos ang kaniyang mataas na sekondarya sa
trak na STEM sa kaniyang ika-labindalawang baiting sa unibersidad
ng Philippine Christian University.

Mula noong primariya hanggang sa mataas na sekundarya ay


nakatanggap sya ng unang karangalan. Siya rin ay lumalahok ng
paligsahan sa pagpipinta at nakatanggap ng medalya. Sa ngayon ay
nakapokus siya sa kaniyang hilig sa pagsayaw at sumasali sa
kompetisyon sa kaniyang paaralan. Isa na dito ang Cheerdance
Competition at Field Demonstration kung saan ang kanilang grupo ay
nakatanggap ng pangalawang pwesto.

You might also like