You are on page 1of 2

Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat!

“Ang magandang kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang kakayahan.”

Maihahalintulad natin ito sa isang taong pursigido, may paninindiga, may determinasyon at

may tiwala sa sarili na kaya niyang abutin ang kanyang mga pangarap.

Isang malaking malaking karangalan sa akin ang maatasan na ipakilala sa inyo ang ating

panauhing pandangal. Siya ay isa sa nagbibigay ng inspirasyon para sa mga mag-aaral lalong

lalo na sa mga kabataan.

Siya ay nagtapos ng elementarya sa Echague South Central School, Ipil, Echague, Isabela

kung saan dito nagsimulang mahubog ang kanyang kakayahan. Dahil sa kanyang pangarap,

ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa sekundarya sa Don Mariano Marcos National

High School, Ipil, Echague, Isabela. Sa kanyang sipag at tiyaga sa pag-aaral ay nakapagtapos

siya ng kursong AB Political Science sa Isabela State University- Echague Campus taong

2011. Upang madagdagan pa ang kanyang kaalaman at kasanayan, nag-aral siya ng Bachelor

of Laws sa University of La Salette, Inc., Santiago City. Siya rin ay nakapasa ng Licensure

Examination for Teachers taong 2019. Sa taon ding iyon ay kanyang tinapos ang Master of

Arts in Education Major in Social Science sa Isabela State University- Echague Campus.

Naging office staff siya ng Local Government Unit ng Bayan ng Echague taong 2011

hanggang 2013. Nagsilbi rin siya bilang Law Office Secretary sa Law Office ni Atty. Manuel B.

Ignacio Jr. sa taon ding iyon. Sa kasalukuyan, siya ay Instructor I ng Isabela State University-

Jones Campus.
Mula sa birtwal na entablado, malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing

tagapagsalita, ang isa sa mga ipinagmamalaking propesyunal ng ating bayan, walang iba, si

Bb. Rose Ann A. Rayo.

You might also like