You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

School ESNCHS Grade Level 10

Teacher GENALYN T. JACOB Learning Area ARALING PANLIPUNAN

Teaching Dates 8am-9am(OSMEŃA) Quarter 3


and Time 9:15am-10:15am(MACAPAGAL)
DAILY LESSON 10:15am-11:15am(AQUINO)
PLAN 12:30pm-1:30pm(LUNA)

I. Layunin

Pamantayang Pangnilalaman

Nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-
pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Pamantayan sa Pagganap
May pag unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

II.Nilalaman Konsepto ng Kasarian

III.Kagamitang Panturo

Sanggunian Araling Panlipunan 10 Modyul 3 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian.

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

Mga Pahina sa Gabay Guro Pahina 262-265

Mga Pahina sa Pang


Kagamitang Mag-aaral

Mga Pahina sa Teksbuk

Mga karagdagang Kagamitan https://www.youtube.com/watch?v=6RZmvr2gZIg


sa
Learning Resource (LR) portal

Iba pang Kagamitang Panturo Manila paper, Cartolina, Marker, Laptop, chalk, eraser, mga larawan

IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Balik-Aral sa Nakaraang Magandang Araw! Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin sa araw na ito, atin
Aralin/Pagsisimula ng Bagong munang balikan ang inyong napag aralan bago kayo nagkaroon ng isang linggong
Aralin semestral break. Ako ay mag babanggit ng ilang suliranin sa paggawa at bawat
mabanggit ko kayo ay magbibigay ng isa sa mga epekto nito. Naiintindihan ba?
Opo
Kontraktuwalisasyon o “Endo”
Naiiwasan ng mga kapitalista ang pagbabayad ng separation
pay, SSS, PhilHealth, atbp
Mababang Pasahod
Maraming tao ang nakakaranas ng kahirapan sa ating bansa.
Mura at Flexible Labor
Dahil sa mahabang oras ng trabaho ay nagkakasakit ang mga
manggagawa.
Magaling! Natutuwa ako at naaalala pa ninyo ang inyong napag aralan sa kabila ng

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

ilang araw ninyong pahinga.


Paghahabi sa Layunin ng Ngayon naman mayroon akong inihandang mga salita na tumutukoy sa mga
Aralin katangian at Gawain ng tao, tatawag ako ng sampung mag aaral na siyang
maglalagay kung saan sa tingin nya ay naaangkop ang salitang hawak niya sa
dalawang kategoryang ilalagay ko sa pisara. Maliwanag ba?
Opo!
Mga salita;
1. malapad ang balikat
2. malaki at matipunong braso
3. mayroong testicles (bayag)
4. baritono ang boses
5. makisig
6. malapad ang balakang
7. maliit ang baywang
8. maganda
9. pagkakaroon ng buwanang dalaw
10. mahinhin

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

 malapad ang  malapad ang


balakang balikat
 maliit ang baywang  malaki at
 maganda matipunong braso
 pagkakaroon ng  mayroong testicles
buwanang dalaw (bayag)
 mahinhin  baritono ang boses
 makisig
Pag-uugnay ng mga Maraming salamat. Batay sa imahe at mga salita sa pisara, ano sa tingin ninyo ang
Halimbawa sa Bagong Aralin ating tatalakayin ngayong araw? Tungkol po sa Gender at sex

Tama! Ang ating tatalakayin ay tungkol sa Konsepto ng Kasarian kung saan aalamin
natin ang Konsepto ng Gender at Sex, Oryentasyong Sexual at Gender Identity.
Handa na ba kayong matuto?
Handa na po!
Pagtalakay ng Bagong Magkaiba ang kahulugan ng Gender at Sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang
Konsepto at Paglalahad ng salitang ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito pareho ng salitang Kasarian.
Bagong Kasanayan
Konsepto ng Gender at Sex
Sex- tumutukoy sa kasarian (kung lalaki o babae) ito rin ay maaring tumukoy sa
gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay an reproduksyon ng tao. Ayon sa WHO
(2014) ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Gender- tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos, at Gawain na itinatakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki.
Katangian ng Sex
1. Ang mga babae ay nagkakroon ng buwanang regla samantalang ang mga
lalaki ay hindi
2. Ang mga lalaki ay may testicles (bayag) samantalang ang mga babae ay

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

hindi nagtataglay nito


Katangian ng Gender
1. Ito ay tumutukoy sa gawi, pag-uugali, at mga saloobin na ikinakabit ng
isang kultura sa pagkababae at pagkalalaki
2. Ito ang mga katangian ng mga babae at lalaki na idinidikta ng kaniyang
lipunan na kaniyang ginagalawan o mas kilala natin bilang mga socially
constructed gender roles.
Ngayon naman tumungo tayo sa usaping Oryentasyong Seksuwal

Sino sa inyo ang may alam ng terminong SOGI?


Narinig na po pero hindi po naming alam ang kahulugan
Ang SOGIE ay may katumbas na kahulugan na Sexual Orientation Gender
Identity Expression

Ayon sa Galang Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa


kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyon apeksyunal,
emotional at seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaring katulad ng sa kanya (Homosexual) iba sa kanya (Hererosexual) sa
kasariang higit sa isa (Pansexual) sa magkabilang kasarian (Bisexual) o hindi
magkaroon ng atraksiyon sa kahit anong kasarian (Asexual)

Ang Gender Identity naman ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal


na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma
niya nang siya ay ipinanganak. Kabilang sa personal na pagturing nya sa sarili niyang
katawan (na maaring mauwi, kung malayang pinipili sa pagbabago ng anyo o kung
ano ang gagawin sa katawansa pamamagitan ng pagpapa opera, gamut o iba pang
paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian kasama na ang pananamit, pagsasalita at
pagkilos.

Gender Expression ay kung paano ipinakikita ng isang tao ang kanilang sarili sa

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

publiko base sa kaniyang pananamit, kilos, pananalita at iba pa.


Ang dating LGBT (Lesbian, Gay,Bisexual,Transgender) ngayon ay LGBTQIA+
(Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer or Questioning, Intersex, Asexual)

Naintindihan ba ang ating tinalakay?

May mga katanungan pa ba?

Opo Ma’am!

Wala na po.
Paglinang sa Kabihasaan Sa puntong ito hahatiin ko ang klase sa dalawang pangkat mayroon akong inihandang
(Tungo sa Formative venn diagram dito na inyong susulatan ng pagkakatulad at pagkakaiba ng Gender at
Assessment) Sex. Mayroon laman kayong limang minuto upang mag sulat at tig tatlong minuto
para mag presinta ng inyong gawa sa harapan. Maliwanag ba?
Opo ma’am
Maari na kayong magsimula
(ang mga mag aaral ay nagtulong tulong gumawa ng Gawain)

Tapos na an iniatas na oras tatawagin ko ang ikalawang pangkat upang mag lahad ng (ipinaliwanag ng pangalawang grupo ang ganilang gawa)
kanilang gawa.
(naglahad ang unang pangkat ng kanilang gawa sa harapan ng
mga mag aaral.)
Mahusay! Ngayon naman tawagin natin ang unang pangkat
Paglalapat ng Aralin sa Pang- Mayroon akon isinulat na dalawang scenario at tutukuyin ninyo kung ano ang
Araw-araw na Buhay kinabibilangan nito kung ito ba ay gender identity o sexual orientation.

Maari bang pakibasa ang unang scenario _________?


1. Nahihiya si Ana magpakita sa kanyang matalik na

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

kaibigang si Myra matapos niyang hindi sinasadyang


maamin dito na siya ay matagal nang may pagibig na
labis pa sa kanilang pagkakaibigan.
Sexual orientation ba ito o Gender Identity?
Ma’am Sexual Orientation po, si Ana po ay isang Homosexual
at nag karoon ng masidhing damdamin sa kaparehong kasarian

Magaling! Narito at pakibasa ang pangalawa 2. Nais ni Lito na magkaroon ng malamyang boses upang
siya ay mag boses babae kaya naman siya ay nag iipon
para siya ay makapag paopera upang alisin ang
kanyang adam’s apple.

Gender Identity po, nais po ni Lito na siya ay makilalang babae


Sexual orientation ba ito o Gender Identity?
dahil naniniwala po siya na siya po ay nakakulong sa maling
katawan nais nya po itong makamit sa pamamagitan ng pagpapa
opera.

Wala na po

Napakahusay! May mga katanungan pa ba ukol sa ating aralin?

Paglalahat ng Aralin Bago natin wakasan ang ating talakayan sino muli ang makapag sasabi ng
pagkakaiba ng Sex at Gender Ma’am ang Sex po ay ang Biyolohikal at Pisyolohikal na
tumukoy sa pagkababae at pagkalalaki ng isang tao agad po
itong nalalaman sa oras ng kapanganakan, samantalang ang
Gender naman po ay tumutukoy sa panlipunang gampanin,
kilos, at Gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki

ang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa kakayahan ng


isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyon apeksyunal,

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

Napakahusay! Ano naman ang pagkakaiba ng Sexual Orientation at Gender Identity? emotional at seksuwal, samantalang Ang Gender Identity
naman ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao

Magaling! Ngayon naman upang ating masukat ang inyong natutunan ngayong araw
maghanda ng ikapat na papel at sagutan ang mga sumusunod.

Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin ng maiigi ang bawat bilang at isulat sa sagutang papel ang titik lamang ng tamang sagot.

A B
1. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na a. Gender
nagtatakda sa pagkakaiba ng babae sa lalaki.
2. Malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian b. Oryentasyong seksuwal.
ng isang tao, na maaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex
nya noong siya ay ipinanganak.
3. Ito ay tumutukoy sa panlipunang gampanin kilos at Gawain na c. Sex
itinakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki
4. Kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyon d. Gender Identity
apeksyunal, emosyunal, seksuwal; at pakikipag relasyon sa
kasaeian na maaring katulad ng kanya, iba sa kanya, o sa
kasariang higit pa sa isa.
5. Mga taong walang nararamdamang sexual sa anumang kasarian e. Asexual
f. Pansexual

Susi sa pagwawasto.
1. C
2. D
3. A
4. B

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

5. E
Karagdagang Gawain para sa
Takdang-Aralin at
Remediation

Mga Tala

Pagninilay

Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation.

Nakatulong ba ang remedial?

Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking Punongguro at Superbisor?

Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kung ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
Inihanda ni: Sinuri ni:

GENALYN T. JACOB JOLLY A. GALLEGO


Gurong Mag-aaral Guro

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com

You might also like