You are on page 1of 4

1. Pumili ng isyung panlipunan na tinatalakajay sa dula.

Paano sinasalamin ng dila ang nasabing


isyung panlipunan?

Ako’y lubhang naapektuhan sa bahagi ng dula kung saan sina Jepoy at Popoy ay umarte sa harap ng
inang buwan. Ipinakita rito ang pagbabago ng pananaw ni Jepoy patungkol sa

Ang isa pang importanteng aspeto ng dula ay ang pagbibigay kapangyarihan kay Jepoy

2. Ano ang papel ng dulang pinanood sa pagunlad ng sining ng Pilipino?

Ito ay naghihikayat sa ating mga bagong henerasyon

3. Saan ka naapektuhan, anong bahagi at bakit?

Naapektuhan ako noong magsanib pwersa ang bawat henerasyon, pinapakitang may pagasa pa ang
bayan

4. Ano ang kalakasan at kahinaan ng dulang pinanood sa pangkalahatang aspeto?

Kalakasan ay ang mismong kuwento, at simbolismo ng mga tauhan, pati na rin ang makabagong
paggamit ng backdrop

Kahinaang aking nakikita lamang ay ang pagsalita ni ngo na nagpahirap sa aking intindihin ang istorya

[1 talata kada bilang, limang pangungusap minimum]

Pagkalimot sa kultura ng Pilipinas

Ang isang isyung panlipunan na tinatalakay ng dula ay ang paglimot sa kultura ng mga
Pilipino. Sinalamin ito ng dula gamit ang mga tauhan nito upang maging simbolo ng
kasulukuyang sitwasyon ng mga Pilipino. Ang ama ni Popoy na si Jeffrey o Jepoy ang
isa sa mga importanteng simbolo ng mga mas matatandang henerasyon ng mga
Pilipino na tumaliwas sa sariling kultura. Mahusay na ikinuwento ng dula ang
pagkawala ng tiwala ni Jepoy sa kuwento ng ating pagkakakilanlan, na dinagdagan pa
ng pagkabigo ng dalawang bayani sa istorya na sina Pepe at Pepito na salbahin ito.

Ngunit, sa pagtalikod ni Jepoy sa kultura ay ang katapangan at pursigi ni Popoy na


balikan ang nakaraan. Ginamit ng dula si Popoy bilang simbolo na halintulad sa atin na
siyang pag-asa ng ating bayan para balikan ang mga kuwento ng Pilipino, at ituloy pa
ito. Si Jepoy ay may makapangyarihan sa dula, lalo na sa mundo ng Dilim Dilim Land.
Ang lawak ng imahinasyon ni Jepoy ang sumalba, at tumulong sa kanilang paglalakbay
upang harapin si Papaw Halimaw, na nagsasabing ang ating henerasyon ay siyang may
kakayahang sumagip sa kuwento ng ating lahi.
Ang bahagi ng dula na ako’y lubusang naapektuhan ay kung saan may diskurso sa
pagitan ni Jepoy at ng inang buwan. Tinanong si Jepoy ng kaniyang ina, “Akala ko ba
ako ang makakalimutin sa ating dalawa?”, at tila tumagos ang tanong na iyon sa
pagkatao ni Jepoy, hanggang sa diwa ng mga manonood sa suluk-sulukan ng
Yuchengco auditorium. Ako’y naapektuhan sapagkat minsan ay nalilimutan ko na rin
ang ating kultura, habang ako naman ay nabibighani sa ibang mga bansa sa mundo.
Ang masama pa minsan ay ako’y nagkukumpara. Para sa akin, ang linyang iyon ay ang
isa sa mga tema ng dula – ang paglimot sa ating bayan. Malakas ang dating nito dahil
ito rin ay ang magbibigay sa atin ng ideyang pag aralan, pagyamanin, at mahalin ang
sariling atin.

Ang kalakasan ng dula ay nasa angking konsepto nito, mula sa paglatag ng istorya, sa
mga tauhan, hanggang sa mga teknikal na bagay tulad ng mga biswal na kagamitan sa
entablado. Ang konsepto nito ay hindi lamang para sa mga bata, ngunit para na rin sa
mga matatanda na maaaring namnamin ang dula, at payabungin ang kanilang kaalaman
sa sitwasyon ng ating bansa kung lalaliman nila ang kanilang pagunawa sa kuwento.
Ang mga tauhan naman ay may kanya-kanyang simbolo para sa akin: si Ngo ay ang
daga na ngongong maaaring sumisimbolo sa mga mahihirap nating kababayan na
madalas ay hindi natin naiintindihan o pinapakinggan, si prinsesa Mina na simbolo ng
peminismo, Ismail at Isabel na manlalayag na sumisimbolo sa mga OFW, at ang mga
bayaning sina Pepe at Pepito na sumisimbolo sa mga dakilang bayani natin na
ipinaglaban ang ating identidad at kultura ngunit ay nabigo pa rin ng mga sumunod na
henerasyon. Ang isa pang kalakasan nito ay ang para sa aki’y makabagong gamit ng
backdrop kung saan tila isang telang hugis buwan ang inilagay sa likod ng entablado,
na ginamit upang magdagdag ng misteryoso, mahikal, at mala-epiko na sangkap sa
dula. Ang tanging kahinaan na aking napansin lamang ay ang pagiging ngongo ni Ngo,
kahit na tingin ko ay may simbolismo ang kaniyang ngongong pagsasalita, na
nagpahirap sa akin upang maintindihan ang kaniyang mga linya at ibang bahagi ng
dula.

Kung susumahin, ang dulang napanood ay sulit naman sa ginugol kong oras at pera.
Ito ay nagpaalala sa akin na ‘wag kalimutan ang kahalagahan ng imahinasyon sa
paglalakbay laban sa mga halimaw ng ating buhay, at pinaka importante ay huwag
limutin ang pinanggalingan, at identidad bilang isang Pilipino.
Empowerment for the future geberations to save our culture

Di nagtagumpay ang mga dating bayani sabpagsalba ng ating kultura

Nasa kailaliman ng isip ang kultura ng pilipino at ito rin ay kumikislap

Ito ay ang ating kuwento, ang kuwento ng ating bayan at pagkakilala sa sarili

Ina = history/pilipinas

Akala ko ako ang makakalimjtin sa ating dalawa

Apo = tayo

Ano ang sumpa

Peminismo prinsrsa

Ano ang dga, mahirap, ngongo dahil walang boses

Matchbox?

Ishmael isabel ofw

Pepe pepito susi ng kasaysayan

Inang buwan - pilipinas

Ano ung sumpa sa kanila

Papang halimaw

Ituloy ang lwentong umuugnay sa atin

Conmendable effect

Bakit tagu taguan, bituin?

Ano yung treasure box?

Natapos yakap ang henerasyon, nanonood ang bayan at nakatatak sa buwan ang ating mga
idtorya

You might also like