You are on page 1of 2

WIKAKUL

1. Ano ang pangunahin o iniikutang tema o paksang tinalakay sa dula?


Ang pinaka-pangunahing tema sa dula na Bonifacio ay ang pagmamahal sa bayan.
Dahil ang kuwento ng dula ay tungkol sa buhay at karanasan ni Andres Bonifacio sa
umpisa pagumpisa ng Rebolusyong Pilipino, ipinapakita sa dula pagmamahal ng bayan sa
paraan ng hindi pagtanggap ng mga Pilipino sa pag-alipin sa bansang Pilipinas ng
Espanya. Hindi lang naipapakita ang pagmamahal sa bayan sa mga mata ni Andres
Bonifacio, ngunit naipapakita rin sa mga mata ng ibang Pilipino tulad ni Emilio
Aguinaldo, Emilio Jacinto at Tandang Sora.
2. Ilahad ang mga punto o konsepto o karanasan o elementong kultural, sosyal,
pulitikal, etc. na ginamit upang mapalakas ang kabuuang kuwento ng dula, kung
mayroon man.
Isa sa pinakamahalagang konsepto na ipinakita sa dula na nagpapalakas sa kabuuang
kuwento ay and konsepto ng pagiging makabayan. Ang labis na pagmamahal ni Andres
Bonifacio at Emilio Aguinaldo sa Pilipinas ang naging dahilan sa bawat galaw at
desisyon nilang dalawa. Isa pang halimbawa ng konsepto ng makabayan na naipakita sa
dula ay ang hindi paghanap ng pahiganti ni Andres Bonifacio sa Katipunerong nagtaksil
sa kanila. Ipinakita dito ang pagiging makabayan dahil inpinasya ni Andres Bonifacio na
hindi ang kapwa Pilipino ang kalaban ng Katipunan, ngunit ang mga Kastilang sumakop
sa kanila. Isang konseptong nagpapalakas din sa dula ay ang konsepto ng sakripisyo.
Naipakita ito sa eksena kung saan nagpasya si Emilio Aguinaldo na sumunod sa payo ng
kaniyang mga kalihim na ipapatay si Andres Bonifacio para sa ikabubuti ng bansa at ng
rebolusyon. Naipakita din sa parehas na eksena ang pagtanggi ni Andres Bonifacio sa
pagtanggi niya ng tulong nila Emilio Jacinto dahil naisip niya na mas mahalaga ang laban
kontra sa mga Kastila kumpara sa pagaaway sa loob ng rebolusyon.
3. Sa paanong paraan ginamit ang wika upang maiparating sa mga manunuod ang
kabuuang mensahe ng nasabing dula?
Mahalaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa pagpaparating ng mensahe sa dula dahil
ang mensahe na ipinaparating sa mga manonood ay ang pagmamahal sa inang-bayan.
Kung hindi gagamitin ang tubong-wika sa dula, baka ito ay baliwalain ng mga manonood
dahil mahalaga at isa sa pangunahing bagay sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan ay
ang paggamit ng sariling wika.
4. Sa inyong palagay, naging epektibo ba ang ginamit na midyum o paraan ng
presentasyon ng dula?
Naging epektibo ang midyum na pagsasadula ng kuwento ni Andres Bonifacio at ang
Rebolusyong Pilipino sa paraan ng pagsaliwan ng awit at sayaw dahil ito ay nagbigay ng
bagong paraan ng pagbabahagi ng kuwento ng Rebolusyong Pilipino sa mga tao kung
saan hindi napapabigat na tulad sa pagtalakay niya sa paraan ng pagturo klase sa paaralan

kung saan pinagaaralan lang ang mga petsa at tao at minsan nalilimot na ikuwento ang
Rebolusyong Pilipino.
5. Ilapat ang kabuuang tema/paksa ng dula sa riyalidad na umiiral sa kasalukuyang
panahon. Paano isinakonteksto ang panahon ni Bonifacio at maging ang ilang mga
historikal na pangyayari sa dula?
Mahirap ilapat sa magandang paraan ang kabuuang paksa ng dula sa riyalidad ng
kasalukuyang panahon. Ang kabuuang paksa na gustong iparating ng dula ay ang
pagmamahal sa inang-bayan. Sa panahon ngayon, marami-rami din ang mga tao na
binabaliwala ang pagmamahal sa bayan dahil ang paningin nila sa ating kultura ay mas
mababa kung ikukumpara sa kultura ng ibang bayan. Ang marahil na dahilan sa ganitong
pagtingin ng karamihan sa sarili nating bayan ay ang matagal na pagsasakop sa atin ng
ibat-ibang bansa kung saan ipinakilala nila ang kani-kanilang kultura sa mga
mamamayan.
Isinakonteksto naman ng dula ang panahon noon sa paraan ng kaunting paggamit ng
modernong paraan ng pagsasalita ng ating wika. May isang natatanging eksena rin kung
saan ginamit ang mga modernong mga termino upang ikonteksto ang dula sa panahon
ngayon.
6. Sa kabuuan, ano ang kahinaan o kalakasan ng nasabing dula?
Ang kalakasan ng dula ay ang pagkakasiya ng mga mahalagang pangyayari sa
Rebolusyong Pilipino sa loob ng dalawang oras at may kasama pang sayaw at awit. Isa
rin sa kalakasan ng dula ay ang pagdadagdag nila ng kaunting comedy. Ang kahinaan
naman ng dula, para sa akin bilang isang manonood, ay ang kawalan ng tagapag-salaysay.
Isa itong kahinaan para sa akin dahil hindi ko makita ang ipinapakita sa screen dahil
malabo ang aking mga mata.

You might also like