You are on page 1of 1

Lucasan, Celine A.

(2010-67202)
Anthro 10 (Reaction Paper – Teatro Porvenir)

Isang balanseng pagkakahalo ng komedya, kasaysayan, at drama ang dulang Teatro


Porvenir: Ang Katangi-tanging Kasayansayan ni Andres Bonifacio. Ito rin ay may kaunting
pagwiwisik ng kathang isip pagdating sa ibang aspeto ng kasaysayan tulad ng pagiging
parte ni Emilio Jacinto sa Teatro Porvenir.

Ang salaysay ng dula ay nagsimula sa kwento ng tatlong maginoong Pilipino na sina Andres
Bonifacio, Macario Sakay at Aurelio Tolentino. Sila ay kapwa nagumpisa bilang mga payak
na mamamayan lamang na pare-parehong malalim ang pagmamahal sa lupang sinilangan
at hilig sa pag-arte sa teatro. Lubos na nadakip ng dula ang kapayakan at kasayahan na
kanilang dinaranas mula sa pakikihalubilo sa kani-kanilang mga pamilya at kaibigan.
Ipinapaunawa rin sa mga manonood na maari nilang pinili na manatili lamang sa kanilang
sari-sariling mga mundo na puno ng sining at pakikipagkaibigan ang bawat araw ngunit
pinili nilang mabuhay ng higit pa roon.

Sa aking palagay, ang drama na ito ay naging daan upang maunawaan ng tagapanood ang
hindi masyadong tinatalakay na bahagi ng pagkatao ng ating mga tinaguriang bayani. Na
maaaring ang kanilang pamumuhay noon ay hindi gaanong iba mula sa atin. Naniniwala
ako na ang dulang ito ay nagtulay sa madla na maka-relate sa mga personahe na ito sa
maspersonal na pamamaraan. Tulad na lamang na noong mga panahong iyon, ang mga
bayaning ito ay mayroon ding mga kapamilya na nagpapahalaga sa kanila, ang ilan sa mga
kasapi ng KKK ay estudyante rin lamang, at lahat sila ay may kinagigiliwang libangan. Sila
ay may mga disenteng pamumuhay, tulad ng karamihan sa atin, nagkataon nga lamang na
sila ay nabigyan ng pagkakataon upang magbigay serbisyo sa bayan. Sa kadulu-duluha’y di
na lamang sila mga simpleng personalidad ng kasaysayan na gumawa ng kabayanihan. Sila
ay nagsimula bilang mga karaniwang mamamayan na may mga engrandeng pangarap,
hindi lamang para sa kanilang mga sarili ngunit para sa kanilang mga kababayan, at
tumungo sila sa direksyon na iyon at isinakatuparan ang mga ito.

Sa katapusan ng dula, ang tanging tumatakbo sa aking isipan ay ang paghahambing ng


aking buhay sa buhay nila. Hindi ko mapigilang itanong kung ang kabataan ba ng
henerasyon natin ngayon na namumuhay sa ibabaw ng poverty line ay naging masyado ng
makasarili sapagkat lahat ng kanilang pangunahing pangangailangan ay nasustentuhan na?
Na sa sobrang narcissistic nila ay wala na silang paki sa paghihirap ng kanilang mga
kababayang nagdurusa sa baluktod na pamumuno? Pwedeng pinili na Emilio Jacinto na
magbulag-bulagan na lamang sa problemang tumutuligsa sa bayan sapagkat siya’y
estudyante pa lang noon ngunit hindi niya yun ginawa. Tumutulong ba tayo kahit sa
pinakamaliiit na paraan o sinusubukan ba nating ilarawan sa ating pamumuhay ang
mundong ating nais sa pang araw-araw? Ang sakripisyo ba ng ating mga bayani ay
napupunta lang sa wala dahil nabibigo tayong magpatuloy na magsumikap para sa
masmabuting kinabukasan? Para sa akin, ang dulang ito ay hindi tungkol sa pagpapabuti ng
aking kaalaman sa kasaysayan o upang masmakilala ko ang aking mga pambansang bayani
ngunit ito ay isang panawagan para magising ako mula sa aking pagkawalang-ulirat at
pagsasawalang-bahala sa aking bayan.

You might also like