You are on page 1of 2

MA. ZANDRA V.

NUADA BA BROADCASTING 1A
SOSLIT

“ PITONG SUNDANG ”
Ni : Ericson Acosta
Ang aking ginawang digital collage at mga larawang nakalagay sa itaas ay naglalahad ng
ibat ibang suliranin ng lipunan sa pananaw ng mga inaapi namula pa man noong sinaunang
panahon hanggang kasalukuyan ay nararanasan pa din tulad na lamang ng di pagka pantay
pantay ng estado ng buhay sa lipunan. Ang akdang ito ay nagsisilbing pakikibaka upang
ipahayag ang kanilang dinaranas at hinaing na hindi nabibigyan ng pansin o di kaya’y sarado
ang kanilang tenga upang sila ay pakinggan. Tunay ngang nakakadismaya dahil karamihan
satin ay nakakaranas pa din ng pang – aapi ngunit sarado at nakapikit ang mga nasa itaas
upang di ito makita at nakatiklop naman ang mga tenga sa mga hinaing. Ang krimen naman
ay lalo pang dumarami maging ang mga pagtatalo-talo. Ito’y ng pakikibaka ng isang
matapang na sundalo na handing maglingkod sa bayan kahit walang kasiguraduhang
siya’y makakabalik ng buhay. Hindi niya iniisip kung anong posibleng mangyari sakanya
kung siya ba’y makakauwi ng buhay o patay,basta sinsusunod niya lang ang kanyang
sinumpaang tungkuling protektahan, alagaan, ipagtanggol at iligtas/ilayo sa kapahamakan
ang bansa. Isang malungkot na sitwasyong pagpapaalam sa kanyang ina bago tumungo sa
digmaan naghahabilin na kahit anong mangyari sa gitna ng digmaan ay katulad din ng
pagpatak ng ulan dahil sa bawat patak ng putok ng baril, patak ng dugo at pawis ay
nagpapakita ng kabayanihan na ipagtanggol ang bayan mula sa karahasan. Hindi
matutumbasan ang buhay ng isang magigiting na sundalo na namatay para lang maligtas
ang ating Inang Bayan.

Ihalintulad nalang natin noong mga kasagsagan ng PANDEMYA ang ating mga
FRONTLINERS ang nagsisilbing ulan sa kabila ng kalabang hindi natin makita. Sa kabila
ng madilim na pag-asa kung tayo paba’y mabubuhay sila ang ating sandigan at nagsisilbing
Liwanag upang huwag mangamba , pero sa kabila ng lahat sila rin ay lumalaban at nagsisilbi
pa rin kahit walang kasiguraduhang magkakaroon ba sila ng virus o hindi. NINANAIS
NILANG MALAYO SA MGA MAHAL NILA SA BUHAY UPANG TAYO’Y
MAPAGLINGKURAN !!!

You might also like