You are on page 1of 3

Pagsusuri sa Wild Flower

Mahahalagang Tauhan:
 Lily Cruz/ Ivy aguas (Maja Salvador) : Ang bida sa teleseryeng
ito (wildflower), Siya ang babaeng humahanap ng at lumalaban para
makamtan ang hustisya.Masasabing ang karakter na ito ay
sumisimbolo sa mga taong lumalaban upang makamit ang hustisya
at siya ang rumerepresenta sa mga taong ipinag lalaban ang tama sa
mali sa abot ng kanyang makakaya.
 Camia Cruz (Sunshine Cruz) : Siya ang ina ni lily cruz isa siyang
mapagmahal at mabait na guro na handang tumulong sa mga
mahihirap. masasabing si camia ang sumisimbulo sa mga taong nag
hahangad ng pagbabago sa ating mundo sa pamamagitan ng
pagtulong mismo natin sa ating mga kapwa.
 Atty. Dante Cruz (Christian Vasquez) : Ang mapagmahal at
maarugang ama ni lily cruz si dante cruz ay isang marangal na tao na
ipinag tatangol ang mga naaapi. Siya rin ay isang taong matuwid na
may matibay na debosyon sa kanyang pamilya. Maaaring masabing
siya ang rumerepresenta sa isang tao walang kinikilingan at tapat na
nag sesrbisyo sa bayan at mamamayan nagbibigay hustisya sa mga
taong naapi at isang representasyon na mabuting ama o padre
pamilya sa kanyang pamilya.
 Julio Ardiente (Tirso Cruz III) : Si Julio ay isang magaling na
pinuno, ngunit sa ilalim ng lahat ay isang madilim na kulay ng
kalupitan. Iniisip niya na ang mga kababaihan ay hindi maaaring
maging kasing galing ng mga lalaki at kailanman hindi
mapapantayan ng mga ito ang mga kalalakihan.Ang karakter na si
julio ay ang representasyon ng mga taong mapagmataas na walang
inisip kung hindi ang sarili lamang nila.
 Diego Ardiente (Joseph Marco) : Isa sa mga naging tapat na
kaibigan ni lily at tumulong sakanya sa pag kamit ng hustisyang
kanyan minimithi.Masasabing si diego ay isang representasyon ng
taong tumutulong sa iba upang makamtam ang ninanais na hustisya
at isang taong sumu-supporta sa alam niyang tama.
 Arnaldo Ardiente (Rk Bagatsing) : Ang paburitong apo ni julio
at ang mag tutuloy ng pamana ng kanyang pamilya. Maari siyang
magrepresenta isang taong gagawin ang lahat para sa pangalan ng
kanilang pamilya.

Tunggalian
Gustong kilalanin o kaibiganin ni Helen Ardiente si Lily Cruz sa kabila na binilaansiya ng
kaniyang anak na si Emilia at ipapatay na lamang ito. Nakikisosyo si Helen sanegosyo ni Lily
katulad ng ginawa rin una ni Lily sa pamilyang Ardiente sa mga naunangepisode kaya mas
lalong lumakas ang kaniyang kapangyarihan. Tunay nga ang
kasabihang “keep your enemy close” dahil inimumungkahi ng telenobela na sa tunay na
buhay ay magkaibigan o magkalapit ang magkakaaway lalo na sa pulitiko.

Lokasyon
Umikot ang episode sa mansion ni Helen dahil inanyayahan niya si Lily paramakipagkaibigan.
Naganap ang kasukdulan ng episode sa spa ni Helen kung saanbinantaan niya ang buhay ni
Lily. Mababakas ang pagiging elitista ni Helen dahil sa mgakoleksyon ng pintura, vase, at
figurine sa kanyang tahanan.
Simbolismo
Makikita sa larawan ang hawak nakarayom ni Helen. Ginamit angkarayom na simbolismo dahil
kahitito ay maliit kumpara sa mga ibapang sandata ay nakakamatay dinito. Inimumungkahi rin
sa teleseryana nakakatusok din ang hawakanng karayom o sa ingles ay doubleedge weapon
nanangangahulugang maari ringmasaktan ang gumagamit nito.Kaya sa episode ay nagamit din
niLily ang nakakamatay na karayomni Helen laban sa kanya mismo.
Ang tema na binibigyang diin sa wildflower ay ang kawalan ng hustisya sa
kanyang mga magulang at ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa pagitan
ng mayaman at mahirap kung saan ang mahihirap ay nakakaranas ng
hindi pantay ng pagtingin at pagtrato mula sa mayayaman

Marami sa ating mga tao ang kapag nag gawan ng masama o hindi kaya
ay nag away ay kinakain na lang ng poot sa kanilang puso at nag tatanim
na lamang ng galit sa bawat isa kadalasan rin ay talagang hirap tayong
mga tao na mag patawad lalo na kung sobrang laki ng kasalanan nito
saiyo

Sa teleseryeng “wildflower” ay naipakita ang ibat-ibang isyung


panlipunan katulad na lamang ng hindi makatarungan na pamamalakad
ng pulitiko sa bayan at sa hindi pag bibigay ng makatarungang hustisya
sa mga tao. Ngunit naipakita din rito na kahit gaano man kasama o
kalaki ang nagawa ng taong ito saiyo ay dapat matuto tayong
magpatawad sa isat- isa. at ipaglaban mo ang karapatan at hustisya ng
bawat isa.

Ang mensahe ng teleseryeng ito ay ipinapakita saatin na ang mga babae


rin dapat ay marunong lumaban at kayang makipagsabayan sa paghawak
ng mga armas atbp. sa mga lalaki. naipakita rito na kung ano ang kaya ng
lalaki ay kaya rin ng mga kababaihan sa madaling salita ay ipahiwatig o
naipakita saatin ang paka pantay pantay sa kasarian ng tao. At isa pa na
naipakita rito na dapat matuto tayong mag mahal at mag patawad sa
ating kapwa kahit gaano pa sila kasama saiyo.

You might also like