You are on page 1of 5

Sipa at Sumpa ng ‘Suhi’ sa Mindanao

Ang Komadrona sa Suhi. Larawan ng IPAG

Sa labas ng Rizal Mini-Theater ng Mindanao State University (MSU)-Iligan,


Hilagang Mindanao, mapapansin ang upuan ni Salvador Dali na animo’y sumulpot sa
kung saan: Perpekto ngunit nakabaliktad; di tunaw, ngunit tumpak ang pagkabitin sa
tabi ng pintuan ng manonood, habang sa likod nito’y ang mata ng Komadronang
testigo sa dalawang dekadang gera at animo’y naaagnas na kaharian.

Para sa mga estudyante at guro ng MSU Iligan, naging pamilyar ang upuang ito
sa installation sa kampus bago ang pagbukas ng dula noong ika-8 ng Agosto 2014. Sa
loob naman ng mala-Tanghalang Batute, muling matunghayan ang mga upuang
nakalambitin nang patiwarik sa palibot ng ulunan ng manonood habang sa gitna ang
istruktura ng organong pamproduksiyon ng babae tungong bahay-bata.

Pinatingkad ng disenyo nina Vicmar Paloma, Hermi Dico at Tres Roldan Cartera ang
mahihinuha ng manonood mula sa dula: ang ugnayan ng Ina at Anak at ng
Tagapagmanang Anak sa Lipunan.

Sa dula-sayaw na Suhi, naranasan ng manonood ang transcreation ni Steve Fernandez


sa Oedipus Tyrranos, isang klasikong trahedya ng Gresya na sa sa tantiya ng mga
historyador ay unang itinanghal noong 429 BCE. Tanyag din bilang Oedipus
Rex o Oedipus the King, ipinapahayag ng dula sa panulat ni Sophocles (496 BCE –
406 BCE) na ang “gawang kamalian ng tao ang siya ring magdudulot ng pagbagsak o
ikasasawi nito.”
Naranasan ito ni Oedipus, ang hari ng Thebes (matatagpuan sa Boeotia ng modernong
Hilagang Gresya) na sa kanyang limot na malay ay pinatay ang kanyang amang si
Hari Laius at pinakasalan ang sariling ina na si Reyna Jocasta. Sinasabing ang ‘di niya
matanggap na buhul-buhol na pagkakamali’y isang propesiyang sa lumang paniniwala
ng cosmic order ay ‘di maaaring suwayin ng tao.

Ang unibersal na diskusyon sa dula gaya ng kapalaran, kapangyarihan at kapasyahan


ay salik sa popularisasyon ng dula at pagsalin nito sa pelikula man o entablado sa iba’t
ibang bansa. Sa Pilipinas, ilan sa kilalang salin ay tinanghal ng Dulaang UP,
Tanghalang Pilipino, Tanghalang Ateneo at Philippine Educational Theater
Association.

Mula nang itinatag ang Integrated Performing Arts Guild (IPAG) noong 1978 sa
pangunguna nina Steve Fernandez at Ligaya Fernando-Amilbangsa, ang mga
dulang transcreation ay siya nang bumubuo ng repertoire ng organisasyon. Nakabase
na ngayon sa Antipolo si Amilbang bilang artistikong direktor ng AlunAlun Dance
Circle habang nagpapatuloy sa paglikha ng mga transcreation si Fernandez sa
pamamagitan ng pananaliksik, pagsusulat at pagtatanghal bilang artistikong direktor
ng IPAG.

Sa transcreation, “umiiral ang malikhaing proseso ng pagsasalin sa panahon at


espasyo ng tektsong pampanitikan at pangdulaan.” Hinihiling nito ang
transpormasyon at transplantasyon ng mga teksto, galaw, musika, tunog at iba pang
kumbensiyon sa paglikha upang mag-anak ng isang adaptasyong maaaring angkinin
ng isang komunidad o lipunan.

Sa muling paglikha ng kuwentong Oedipus, inilahad ni Fernandez ang ilang pulitikal


at kultural na aspekto ng kalapit na probinsiya ng Maguindanao. Isang produkto ng
pagsasanay sa pagsulat noong 2010, ang Suhi ay nabuo mula sa iskets ng Ampatuan
Masaker na isang konkretong larawan ng pag-iral ng masangsang na eleksiyon sa
ngalan ng tiwaling dinastiya.

Sa Impuni-Tree ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon ng Unibersidad ng


Pilipinas Diliman, nakatala ang 58 kababaihan at mamamahayag na pinatay sa
munisipalidad ng Ampatuan noong Nobyembre 23, 2009. Hanggang ngayon, bulag
ang Kagawaran ng Katarungan sa ehemplong ito ng paglabag sa karapatang pantao
para sa pamamahayag at para sa buhay.

Iba-iba ang pagtanggap ng mga Pilipino sa suhing sanggol. Para sa ilan, ay suwerte.
Para sa ilan, ito ay malas. Para sa mga nanay at doktor, ito ay hamon.

Para kay Fernandez, isang kasuhian ang naganap sa Maguindanao: kasuklamsuklam


na kapangitan. Hindi binanggit ang Ampatuan Masaker sa dula, maging sa mga tala
nito sa inilimbag na programa, ngunit sa mga karakter at wikang Binisaya-Tagalog ay
maunawaan ang magkabilaang reyalidad ng karangyaan-kahirapan, ng kapangyarihan-
kamangmangan at ng warlordismo-nasalaulang prosesong pangkapayapaan.

Gaya ng mga Koro sa Thebes, ang Taumbayan sa bangsa ng Adin ay iniiyak-inaawit


ang kanilang matinding kalagayan sa gitna ng labanang Datu Udin (Michael Lagura)
at Sampulna (absent actor). Sinasaad sa pambungad pa lamang na ang kinasadlakan
na pamayanan na gutom, takot, sakit at kamatayan ay kaugnay ng nabubulok na
pamahalaan.

Ang napatalsik na diktador na si Sampulna ay nagbantang salakayin ang puwersa ni


Datu Udin upang magbalik sa puwesto. Nag-ipon siya ng lakas sa paniniwalang ang
asawa ni Datu Udin na si Bai Mayi (Lara Espiritu/Elaine Baulete) ang siyang pumatay
sa dating datu na si Layos. Samantala, ang paghiling niya ng pantubos/kolateral ay
humantong sa paghahanap ng sanggol na anak ni Bai Mayi.

Nagkaroon ng interogasyon sa Komadronang (Jerrah Apelado) bitbit ang mahigit


dalawang dekadang malupit na alaala sa pagpaslang kay Datu Layos sa araw din ng
kapanganakan ng suhi. Marahas ang trahedyang Griyego, ngunit maingat ito sa
pagpapakita ng karahasan sa entablado. Sa direksiyon ni Fernandez, tahasan namang
ipinakita ang kalupitan sa Komadronang nagpatunay sa kaligtasan ng sanggol nang
itinakas niya ito at ipinasa sa pangangalaga ng Saksi (Sheila Cañete). Ang pagbugbog
at paglibak sa kanya ni Datu Udin, kasama nina Bai Mayi at Heneral (Christopher
Lagos), ay pamilyar sa naratibo ng mga ikinulong sa panahon ng Batas Militar at
maging sa kasalukuyang presong mahirap at o kaya mga may pampulitikang
paninindigan.

Mahusay ang mala-babaylan na pagganap ni Apelado sa karakter ng matandang


nagladlad ng sumpa. Mahinuha ni Datu Udin sa huli na ang kanyang inang-asawa’y
siya ngang pumatay sa dating datu, samantalang ang kanyang malupit na kaaway
ngayo’y siya mismong ama nito.

Gawa ng kahinaan sa pagsambit ng mga salita, maging sa pagtangan sa mga diyalogo


sa tamang emosyon at pulso ng ilang aktor sa ilang eksena, maaaring di agad
maunawaan ng manonood ang komplikasyong ito at sa huli’y umuwing lito kung
“Bakit may mga babaeng naka-itim?”, “Sino nga ba ang suhi?, “Bakit sila nag-
aaway?”, “Sino kung gayon ang ama ni Datu Udin?” at “Sino ang rebelde?”.

Maaaring masagot ang ilang tanong ng mas mahusay na teknik sa bolyum at


intonasyon ng mga aktor at sensibilidad nito sa malapitang espasyo. Maaari rin itong
masagot ng musika (Fernandez) na di lamang maghatid ng tunog-Maguindanao
kundi’y makatulong upang higit na pumagting ang mga rebelasyon sa mga eksena na
nakaapekto sa swabeng pag-unawa at pakidalamhati ng manunood sa mga karakter.
Kongkreto sa dula ang away-pamilya ng naghaharing-uri na bumibiktima sa
pamayanan. Lumalabas din na ang kanilang bansa ay binubuo ng mga “rebelde” sa
magkabilaang panig, sang-ayon sa aplikasyon ng salita sa sariling karanasan ng
indibidwal at pagturing ng iba sa kanila.

Ang henchman na si Udoy (Miguel Joven Perfecto) ay nagrebelde noon sa


pamamahala ni Sampulna kaya’t nakipagtulungan ngayon kay Datu Udin. Si Datu
Udin naman ay dating aktibistang (“rebelde”) nanguna sa pagtuligsa kay Sampulna
habang si Sampulna naman ay nagrerebelde ngayon sa pamamahala ni Datu Udin.
Tanging si Bai Mayi ang may tangan ng talino kung bakit naganap ang ganitong
salimuot samantalang ang banal na konsehong si Pandita (Julius Hechanova) ay
tumayong tagapagitan.

Maaari ring pagtakhan kung bakit wala ang tipo ng “rebelde” mula sa
Koro/Taumbayan. Sa isang palagay, hindi ito hiniling ng aksiyon sa dula, sapagkat
hindi natumbok ang ugat ng “pagrerebelde” gaya ng usapin sa lupa/teritoryo lampas
sa emosyonal na pagkariwara ng mga indibidwal. Kung gayon, maaari lamang
tuldukan ng dula ang problema ng indibidwal pero hindi ang panlipunan. Bagamat sa
kamalayan ng manonood, tiyak na kaugnay ng mayamang lupain sa bansa ang pag-
iral ng nakakabaliw na dinastiya sa pulitika ng Pilipinas.

Dahil masakit ang katotohanan, binitay ni Bai Mayi ang sarili gaya ni Reyna Jocasta
sa ilang bersiyon ng orihinal na teksto. Sang-ayon sa prinsipyadong pamumuno, isa
itong aksiyon na magandang pagnilayan ng mga trapo kung ayaw nilang piliing
magbago.

Hindi naman tinusok ni Datu Udin ang sariling mata gaya ni Oedipus. Pero nilabas
nito ang baril. May kalabuan din kung ito ba’y pahiwatig ng pagpakamatay o tuluyang
pakikipag-away kaya sa kanyang amang “diktador”. Sa parehong resolusyon, hindi
nangangahulugang matatapos ang pasakit, katiwalian at kaguluhan.

Mahalagang banggitin ang mga namutawing ideya mula sa palabas ayon na rin sa mga
manonood: “Walang sikretong hindi mabubunyag”; “Mananaig ang katotohanan”;
“Ang pagtraydor ay nagdidiklap ng labanan”; “Ang kasakiman ay may karampatang
parusa”; “Ang sinumang pinuno ay dapat lamang matino mag-isip at magdesisyon”;
“Ang sinumang pinuno ay dapat dalisay ang pagsilbi sa taumbayan nang walang
pansariling interes”; “Ang katumbas ng pagbigay-kapangyarihan sa maling tao ay
karahasan/kahirapan”; “Matuto sa seryosong pakikinig sa panahon ng negosasyon”; at
“Mas mainam pang mamatay nang may dignidad kaysa mabuhay na ulol”.

Sa bahagi naman ng paggalaw at pagsambit, mainam na mabanggit ang pinamalas ng


Taumbayan/Koro na binuo nina Dianne Clemente, Blecy Cece, Kassandhra Suazo,
Lauro Villanueva Jr., Veniza Yamomo, Gaspar Cortez Jr. at Trixcel Emborong.
Nakapanghihinayang na hindi lubusang makalipad ang koryograpiya ni Leilani
Fernandez gawa ng maliit na espasyo.

Kaugnay nito, sa 37 taong pag-ambag ng IPAG sa pagiit ng dulaan sa Mindanao at


pag-unlad ng kasaysayan ng dulang Pilipino/Asya sa kabuuan, karapat-dapat sa
organisasyon ang magkaroon ng mas malaking tanghalan at ibayong pagbubukas ng
teatro sa mahahalagang usaping pampulitika, pang-ekonomiya at pangkultura gaya ng
matinding militarisasyon

Meaning. SPL. Sound Pressure Level. SPL. Surgical Planning Laboratory (Boston,
MA)at Muslim terrorist scare.

You might also like