You are on page 1of 3

Life and Works of Rizal

Ian Calvelo
BSIT-2G

Gawain 5

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay gamit ang mga salitang naglalarawan sa sakit ng lipunan na nakapaloob sa
dayorama na nasa ibaba.

MGA SAKIT NG LIPUNAN

kamangmangan kaguluhan

pangangamkam

Pang-aabuso sa karapatan Kawalang katarungan

Ang ating lipunan ay may ibat ibang sakit na nakakapagdulot ng pagkalugmok ng ating bansa sa kahirapan,
krimen at hindi pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan. Una ay ang kamangmangan ng mga tao, Ang
kamangmangan ay hindi nakabatay kung may tinapos ka sa pag aaral o wala. Ito ay nakakaaapekto lamang
kapag ang isang tao o grupo ay bulag sa katotohanan. Kapag sila ay hindi na nakikinig sa mga payo at bingi sa
mga paliwanag ng ibang tao sa kanila. Kapag sila ay walang pakialam sa nakikita ng kanilang mata bagkus
nanatiling pinaglalaban ang kanilang maling pananaw. Ang mga ganitong tao maimpluwensiyahan ng matindi
ang kanilang pag iisip o sila ay ginamitan ng suhol at pangako o kaya’y pananakot at pagbabanta sa kanilang
minamahal. May mga maituturing na mangmang sa lipunan kapag sila ay nagpapatupad ng batas ngunit hindi
inintidi ang mga alituntunimg pinapatupad, halimbawa nalammang ay ang babaeng nagsabing hindi daw
mahalaga ang lugaw. Ang mga mangmang ay hindi sumusunod sa batas o alituntuning pinapatupad ng lipunan
sila ay pasaway at walang pakealam sa mga ito. Kaya naman hindi naging matagumapay ang tatlong buwan na
lockdown dahil sa mga mangmang na ito at ang naging dulot nito ay pati ang mga sumusunod ay apektado.
Ang ikalawa naman ay kaguluhan, ito ay ating nararanasan dahil sa inluwensya ng ibang tao ukol sa totoong
kalayaan at pagkakapantay pantay. Ang bunga ng ibat ibang pananaw ay nagdudulot ng hindi pagkaka
unawaan na humahantong pa sa pagtatatag ng rebelyon sa bansa. Ang mga rebelyong ito ang nangugulo at
nagtatangkang pabagsakin ang gobyerno. Sila ay gumagamit ng dahas at pananakot sa mga normal na
mamamayan upang sila ay gawing bihag bilang panangga sa militar ng ating bansa. Ang mga halimbawa
rebelyong ito NPA at ASF sila ay nagbibigay ng maling pananaw lalo sa sa kabataan upang kumampi sa
kanilang pinaglalaban. Ang banta ng terorismo ay lubhang nakakapag bigay ng takot sa mamamayan dahil
nakasasalay dito ang kanilang buhay. Ang isa din na ugat ng kaguluhan ay kahirapan dahil sa kahirapan ay
kumakapit sa pantalim para sa pamilya. Sila ay
nakakagawa ng masama dahil wala silang mapantustos sa pangangailan ng kanilang pamilya. Sana ay
maaksyunan ng gobyerno ito upang gumaan at maging maayos ang pamumuhay ng mamamayan ng ating
bansa. Ikatlo ay pangangamkam kalimitan itong gawain ng mayayamang pamilya. Dahil ang mga mahihirap ay
walang sapat na kakayahan upang ipaglaban ang kanilang karapatan. Kinakamkam ng mayayaman ang mga
lupain ng mahihirap upang tayuan ng bahay o gawing pangkabuhayan. Ang mga mahihirap ay walang
pampatitulo kaya nagiging lamang ito mayayayaman. Ang ikaapat ay amg pag aabuso sa karapatan. Ang pag
abuso sa karapatang pantao ang mga ito ay nagaganap kalimitan sa mga pulis may mga pulis na nag abuso sa
karapatang pantao tulad ng namaril na pulis sa mag ina at nangyari din ito noong drug campaign na kung saan
libo libo ang namatay. May mga naginterbyu na kahit hindi nanlaban ay binabaril ng mga pulis. Ngunit hindi
naman lahat ay abuso mas marami parin namang pulis na tapat sa kanilang tungkulin. Ang huli ay kawalang
katarungan , ito ay nangyayari sa mga mahihirap dahil ang mamayan ay may perang panulsol kaya naman
napapawalang sala ang mayaman kapag nagkakasala hanggang ang mahihirap ay hindi nakakatamo ng
katarungan. Kung ating susurin kapag ang mayaman ang nakulong ay parang naka VIP ang dating dahil solo at
may aircon pa sa kulungan. Ang katarungan ay nakadipende sa iyong lagay sa lipunan kapag may koneksyon
ay malaki ang posibilidad ng malusutan ang kasalanan. Isa pang halimbawa ng kawalan ng katarungan ay doon
sa pamimigay ng ayuda ngayong pandemya dahil marami din ang hindi nakatanggap nito dahil sa ibang mga
lokal na may tungkulin ay namimili mg kanilamg bibigyan.
Ang mga nabanggit na ito ay naranasan na natin mulang tayoy sakupin ng kastila. Ginawa sating ang mga
ninuno ang mga ganitong gawain. Ngunit tila hanggang ngayon ay nakakakulong parin tayo sa ganitong
sistema. Tila tayo ay hindi pa tunay na malaya. Ang mananakop ay wala na ngunit ang epekto ay narito padin,
kung magpapatuloy ito ay masasabi kong sayang ang paghihirap ng ating mga ninunong bayani. Kaya marapat
lamang na sulusyonan ito ng ating gobyerno upang ang ating bansa ay umunlad at lumago at makamtan ang
kaginhawaan ng mamamayan.
Gawain 6

Panuto: Bigyan ng isang REPLEKSYON ang larawan na nasa


ibaba. Gumamit ng 500 na salita o higit pa.

Ang orihinal na litrato nito ay ang "Lady justice", ang Lady


Justice ay isang simbolo na karaniwang matatagpuan sa mga
sentro ng panghukuman at mga courthouse na kumakatawan sa
bulag na hustisya. Si Lady Justice ay nagsusuot ng piring,
nagdala ng ispada, at may hawak na isang hanay ng mga kaliskis.
Ang mga antas ng hustisya ay kumakatawan sa mga kadahilanan
ng isang kaso na tinimbang para maibigay ang hatol. Ang bigat ng
katibayan sa isang panig na mas malaki kaysa sa kabilang panig
na sanhi ng mga kaliskis na maitabi sa pabor ng pagkakasala o
kawalang-kasalanan. Ang espada na dala niya ay isang
representasyon ng hustisya na maging matulin at pangwakas. Ang
blindfold Lady Justice na isinusuot ay naglalarawan kung paano
ang hustisya at dapat hanapin nang patas at walang pinapanigan.
Ang mga katotohanan lamang na ipinakita ang isinasaalang-alang
kapag nagbibigay ng isang hatol.
Ngunit sa litaratong ating basehan ay putol ang kamay dahilang hinde nito hawak ang espadang sumasagisag sa
pagpapatupad at paggalang, at nangangahulugan na ang hustisya ay naninindigan sa desisyon at pagpapasya
nito, at makakagawa ng pagkilos. Ang katotohanan na ang tabak ay hindi napainit at napaka nakikita ay isang
palatandaan na ang hustisya ay transparent at hindi isang pagpapatupad ng takot, ngunit sa ibang kahulugan
maaring karahasan ang simbolo ng espada. Maari nating maihalintulad ang litrato sa ideolohiya ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na tahimik at hinde madugong digmaan.

You might also like