You are on page 1of 4

Bayaning Mandirigma ng Lahing Kayumanggi

Ang taong gumagawa ang siyang dapat lamang magtagumpay.


Ang tamad na tao ay kalaban ng kanyang pamilya at bayan
Andres Bonifacio
Mula pa sa kanyang unang paghinga ay nakapunla na ang binhi ng paggawa sa
kanyang katauhan. Puhunan lagi ang pawis at dugo sa panata ng mga banal na
layunin.Taglay ang mataos na pag asa sa tagumpay ng bawat nagbabagang adhika.
Maagang sinubok ng buhay ang kanyang katatagan at tibay ng loob.Lumatay sa
kanyang pagkatao ang sigid ng malupit na tadhana,nang sa edad na labing apat ay maulila
sila sa mga magulang,Ngunit sa halip na igupo ng masaklap na kapalaran,buong tatag
niyang sinuong ang hagupit ng dumadaluyong na bagyo ng kahirapan.Dahil panganay
pinasan niya ang bigat ng tungkulin na maging magulang sa kanyang mga
kapatid.Tinaguyod niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga baston at
pamaypay.Sa kalaunan ng kanyang buhay ay nasaksihan niya ang marahas na pagsalakay
ng epidemyang higit na mabangis kaysa karalitaang gumagapos sa bayan,dili ibat ang
paniniil ng mga dayuhan.
Sa marubdob na pagnanais na pugtuin ang tanikala ng kaalipinang nakapalupot sa
kaluluwa ng inang bayan,ginising niya at pinapag alab ng apoy ng katapangan sa kanyang
puso.Tinatag ang kataas-taasang,kagalang-galangang katipunan ng mg anak ng
bayan,noong ika 7 ng Hulyo taong 1892, katuwang ang mga kababayang may masidhing
malasakit sa bayan.Kinilalang utak ng samahan si Emilio Jacinto.Samantalang siya ay
tinawg ng kanyang magigiting na kapatid naSupremo.Layunin ng lihim na samahang

ito na palayain ang Pilipinas mula sa paghahari harian ng mga puting panginoon sa
pamamagitan ng madugong pakikibaka.
Ang kabagayang pinaguusig ng katipunang ito ay lubos na dakila at
mahalaga;pag iisahin ang loob at kaisipan ng lahat ng Tagalog,sa pamamagitan ng isang
mahigpit na panunumpa,upang sa pagkakaisang itoy magkalakas na wasakin ang
masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng
katuwiran at kaliwanagan.
Mga katagang nag ahon sa mga lunod na isipan mula sa malalim na
pagkakatakot.Isang makapangyarihang pwersa na patuloy na paiigtingin para sa bayan.
Silang handang magbubo ng dugo at makitalad sa alinmang larangan ng madugong
labanan.
Ngunit sa kabila ng panata sa kalayaan na siyang susi sa mga napagtagumpayang
labanan sa Cavite,ay gayon na lamang ang pagdarahop ng mga Katipunero upang
maipanalo ang pakikipagtagisan ng mga tabak laban sa mga punlo at kanyon ng mga
maniniil sa lupain ng Maynila.
Sa

kabila

ng

lahat

ng

hirap,

pagpapakasakit

at

sa

matatag

na

paninindigan,dagliang pagtugon sa mga tungkulin sa bayan,ay nalinlang pa rin ang mga


Indio at napaniwala na ang supremo ng mga katipunero ay taksil at tampalasan sa bayan
at bagong tatag na Republika.
Sa pagkakanulot pagkakalilo sa diwa ng mga kasinungalingang mapandaya ay
umalingasaw ang dating pang bulok ng sistema ng lipunang pilit nilang ikinukubli sa
dahas ng sandata.Ang dating ragasa ng respeto sa supremo na tumayong ama ng
katipunan sa halos limang taon ay basta basta na lamang humupa.Tiniyot sinaid ng

konseho ng mismong samahan.Ang inaasahang magliligtas sa supremo sa bingit ng


kapahamakan ay sila pang maglulugmok sa kaniya sa naglalagablab apoy ng kamatayan.
Matapos ang gawa gawang halalan pampanguluhan sa Teheros Convention sa
Cavite,nagsimula na ang lihim na pagtratraydor sa supremo.Pinadakip siya ng bagong
hirang na pangulong Emilio Aguinaldo.
Nang madakip sa Bonifacio ng mga berdugo ng bayan,ay kasama rin niya ang
kapatid na si Procorpio.Ngunit bago pa man tumuntong ang mga paa sa piitan ay walang
awa tinaga ng mga gwardiya sibil ang mag kapatid.Sa pagputok ng gatilyo,ibinagsak ng
punlo ang kanyang duguang katawan.Sa kabila nito ay walang nagawa ang mga
katipunero para matulungan ang kanilang supremo.
Ikinukubli ng mga kaaway ng katarungan ang katotohanan,sa pagkat kahit anong
pilit ikubli ay umiiral pa rin ang palsipikadong batas.Nang binasahan ng sakdal ang
magkapatid ay nahatulan ang mga ito ng kamatayan sa salang pagtangkang pagpaslang sa
pangulo at rebelyon.Itinakwil siya at ipinakilalang taksil sa bayan.
Huwag niyo akong pataying nang nakatalikod!
Ika -10 ng Mayo taong 1897,ang mapait na tadhana ay unti unting yumayakap
habang ginugutay gutay ng talim ng tabak ang kaniyang katawan sa bundok ng Buntis sa
Cavite.Kamatayan para sa isang bayaning ipinagkamaling taksil sa bayan.
Langit ang mamatay para sa bayan
Ang dakilangpagbabagong panglipunan sa ngalan ng kalayaan ay humihingi ng
pag aalay ng banal na pagpapakasakit.Itinulot ng pagkakataong maging dakila ang
kataksilan at mabaon sa limot ng malungkot na kasaysayan ang kagitingan ng isang
bayani.

Isuka man ang katapangang inialay sa bayan ng mga bagong mukha ng


kasalukuyan,na tila bay nasa ilalim pa rin ng isang hipnotismo,ang apoy ng sigang
kanyang sinindihan noon pa man ay kailanmay di mauupos.Sa pagkat muling isisilang
ang bagong bayaning magpapatuloy sa pagsasayaw sa baga ng katotohanan hanggang sa
tangayin ng hangin ang mga alipato na siyang magtatanglaw sa mga buhay at abong tao
na saksi sa kanyang kabayanihan sa landas ng kasaysayan.

Aling pag ibig pa ang hihigit kaya ,


Sa pagkadalisay at pagkadakila,
Gaya ng pag ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag ibig pa?wala na nga! Wala!

Patotoo sa kaganapan ng kaniyang panata ang walang kamatayang tula na Pag


ibig sa Tinubuang Lupasa pitak na iniwan niya sa mapulang pahina ng kasaysayan.Na
kung hindi dahil sa pinunla niyang katapangan sa mayamang lupa ng nakaraan ay hindi
aanihin ang lantay na kalayaan ng Pilipinas.Isang biyayang ihahandog sa lahi ng
sangkapilipinuhan.
Hanggang sa isilang ng madilim na gabi ang maningning na umaga
Sa kabila ng karimlang nakalambong sa malupit at masaklap na pandudusta sa
kaniyang katauhan,ang kaiyang kadakilaan at kagitingan ay liwanag na Lalagos sa bawat
panahon.Magbabanyuhay sa lahat ng pagkakataon.At isisilang ng bukangliwayway ang
katotohanan.Darakilain siya at magiging moog ng kagitingan at dambana ng
kabayanihan.Siyang nagbubo ng dugo,pawis at luha,ay tunay na bayaning mandirigma.

You might also like