You are on page 1of 4

Sa paraang pabula binigyan ng kulay ang napakahusay na maikling kwento ni Firmo Estocapio.

Hindi dahil ang target nitong mambabasa ay mga bata kundi nais nitong pitikin ang isipan ng mga
taong nasa hustong gulang na maaaring papasimula pa lamang sa pagharap sa tunay na arena ng
buhay o sa mga nakararanas na nang iba't ibang hampas at daluyong ng kanilang buhay.

Maaaring ang tanong sa pamagat pa lamang ay" Bakit hindi na lang " Sa Daigdig ng mga Tao"
gayong kinakatawan naman ng dalawang isda ang dalawang klase ng tao sa mundo sa larangan
ng pakikibaka?

Sa tingin ba ninyo, magkakainteres ang isang mambabasa na pansinin ang ganitong titulo gayong
maaari naman niyang sabihing, "tao ako, at alam ko na ang daigdig na ginagalawan ko?"

Kumpara sa orihinal nitong pamagat, mas magigising ang interes at kuryosidad ng mambabasa
dahil magsisimula siyang magtanong at maghinuha. " Ano nga ba ang mayroon sa daigdig ng mga
Isda?"

Paano ba ang kanilang pagkilos sa ilalim ng dagat, ilog, sapa, batis, lawa o saan pa mang may
tubig na malaya silang gumalaw?

Naririnig kaya nila ang mga tao sa tuwing magsasabi ang mga ito ng panghihinayang " sayang,
nakawala sa lambat, sayang nakawala sa pamingwit?

Nagdadala rin kaya ito ng takot sa kanila kaya't magtatago na lamang sila habang naroon pa ang
mga ingay at kaluskos ng tao?

Ilan lamang ito sa mga simpleng tanong sa isipan ng bawat isa. Ngunit, marapat ding magkaroon tayo ng
analisis sa naging ugnayan ng kwentong ito sa kwento at magiging kwento pa ng ating mga buhay-buhay.
Masasabing napakahusay ni Estocapio dahil naging maingat siya sa pagpili ng kanyang mga karakter lalo
at ito ay iniugnay pa rin niya sa kulturang Ilokano.

Ang dalawang isda ay kilala sa kanilang rehiyon dahil binibigyang hudyat nito ang uri ng kabuhayan ng mga
tao, ang Agrikultura at Pangingisda. Ang mga magsasaka, mangingisda at panahon/ klima ang mga salik
na nakaaapekto sa buhay ng mga lamang-tubig na nabanggit.

Pagmasdan ang nasa VENN Diagram. Nagtala ako ng ilan sa mga katangiang taglay ng dalawang karakter:
ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.

Sa pamamagitan pa lamang ng inyong dati nang kaalaman sa dalawang isda, batid kong masasabi ninyong
mukhang may bias, dahil alam nating mas malaki ang dalag kaysa sa ayungin.

Subalit subukin muna nating tingnan ang kanilang mga katangian sa magkahiwalay na konteksto, maliban
sa pagsasabing sila ay parehong ISDA at nais mabuhay.

Inilarawan si Dalag bilang mas malaking nilalang hindi lamang dahil sa literal nitong sukat kundi dahil sa
laki ng kanyang paningin sa pag-asang hinaharap matapos ang panahon ng tagtuyot.

Ang tagtuyot ang nagbigay sa kanya ng katatagan na sa pamamagitan ng kakayahan niyang manatili sa
ilalim ng lubak, ay masisilayan pa niya ang paparating na pagpapalit-panahon.Hindi kailanman pumasok
sa kanyang isipan ang matakot dahil batid niyang ang buhay ay isang pakikibaka.

Siya ay mapangahas dahil hindi niya hinahayaan na malugmok sa lugar kung saan siya naroon, naroong
makipaglaro sa dila ng kamatayan dahil sa mga magsasakang nanghuhuli rin ng ulam na pasasayarin sa
kanilang sikmura.

Dahil sa paniniwala niyang ang buhay ay isang pakikipaglaban at pakikipagsapalaran, lumabas ang pagiging
tuso niya sa pagyaya kay Ayungin na sukatin ang kakayahan ng kanilang kapangyarihang mabuhay sa isang
nakatatakot na delubyo at iyon ay ang nakaambang kamatayan na maaaring idulot ng taong naghahanap
ng pagkain, kamatayan dahil sa pagkagutom, kamatayan dahil sa pagsuko sa buhay.
Dumako naman tayo kay Ayungin, inilarawan siya bilang isang maliit na isda hindi lamang sa kanyang sukat
kundi maging sa kanyang paniniwala sa posibleng pagkakaligtas mula sa tag-araw.

Ang kanyang pagiging matatakutin ay ramdam na ramdam dahil sa maagang pagtanggap ng kanyang
maaaring maging kamatayan na hindi man lamang nag-iisip ng paraan kung paano siya maliligtas mula sa
isang kalunos-lunos na kalagayan.

Sa kahinaan ng kanyang loob ay agaran ang pagdedeklara ng kayang pagsuko sa buhay, na ang tanging
tiyak na mararating sa ginawa nilang pagsuong sa panganib ni dalag ay ang KAMATAYAN.

Makikita nating ang labis na pagiging emosyunal ni Ayungin ang lalong nagpapahina sa kanyang isipan.
Dahil hindi nito ninanais na umalis mula sa lubak na kinasadlakan dahil sa pag-iisip na mas mapanganib sa
lugar na hindi nila teritoryo.

Ngunit katulad nga nang sabi ni Dalag, duwag at bobo si Ayungin dahil hindi nito nagagawang mag-isip
upang mapaganda ng kanyang sitwasyon.

Naging kinatawan lamang ng katangian ng mga tao sina Dalag at Ayungin dahil ginawa itong eupemismo
upang ipakita sa lahat na hindi tayo pare- pareho ng paningin sa buhay. May patuloy na nakikibaka at
mayroon namang sumuko na.

Sa kabuuan, mula sa ilustrasyon na ito ay makikita natin kung ano nga ba ang nais ipahatid ni Estocapio?
Ano ba ang tingin natin sa buhay na ibinigay sa atin?

Sinasabing ang buhay ay isang pakikipagsapalaran, dahil mismong nakikipaglaban tayo sa para sa
kaligayahan na nais nating tamasahin sa kabila ng napakaraming balakid sa ating daraanan. Ito man ay
planado o hindi. Ito rin ay palakasan ng loob " survival of the fittest, elimination of the weakest".

Alam kong danas na danas nating lahat ang ganitong kondisyon. Sa inyo bilang mga mag-aaral, nananatili
kayong kumakapit sa pag-aaral dahil nais ninyong manatili sa ating kolehiyo, makakuha ng diploma,
makapasa sa board exam, makapasok sa trabaho at marami pang iba.
Si dalag ay nasa inyong katauhan. Ito rin ay pagbuo ng kapangyarihan, ibig sabihin, naikondisyon ninyo
ang inyong isipan na mas malakas kayo kaysa sa laksa-laksang problema katulad ng requirements na
minsanang bumabagsak sa inyong harapan. Nakita ninyo iyon sa karakter ni dalag, hindi niya kailanman
inisip na siya ay matatalo dahil siya ay " self-empowered".

Tinanggal din niya ng dysfunctional culture ng "kapalaran", ang paniniwalang lahat ng nangyayari sa
buhay ng nilalang ay dapat na tanggapin na lamang ng walang bindikasyon. Ang buhay ay isang mahabang
pakikipagbuno, pakikipaglaban; paglikha at pagwasak.

Nais nating bumuo ng ating sariling buhay upang malaman natin kung ito ba ay matamis o mapait na
tagumpay. Ngunit, sadyang nakatutuwa ang linya ni Dalag, na nabanggit niya ang Diyos na pinagmulan ng
buhay kaya't patuloy itong makikibaka.

Hindi nakalulungkot na upang makaligtas sa delubyo si Dalag ay kinain nito si Ayungin. Dahil ang
simbolismo ni Ayungin na punumpuno ng agam-agam o negativities at hindi nananalig sa tulong ng Diyos
ay marapat lamang na tuluyang walain sa sikolohiya ng bawat tao.

********
Ngayon, nais kong gumawa kayo ng isang diyalogo sa pagitan nina Dalag at Ayungin. Ipakitang dumaan na
sa katarsis (pagpupurga sa negativities) si Ayungin. Ibig sabhin, wawalain ang lahat ng negatibong iniisip
ni Ayungin.

Ilagay sila sa sitwasyong sila ay nag-uusap sa panahong natutuyo na ang lubak na kinalalagyan nila at
pareho silang sumisinghap upang makahinga. Mauunang magsalita si Dalag at sasagot si Ayungin.

DALAG:

AYUNGIN:

You might also like