You are on page 1of 1

“Burak Patungo sa Pangarap”

Ang Kahirapan ay higit na matutukoy sa pamamagitan ng paraan ng


pamumuhay ng mga tao sa komunidad kung saan kinikitaan ng isang palatandaan at
patunay na ang kahirapan ay ating nararanasan ngayon. Tumutukoy rin ito sa
kalagayan na hindi kayang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng tao
tulad ng pagkain, damit at tirahan. Ang kahirapan bilang isang malalim na sugat ay
makikita sa bawat sukat ng lipunan kaya isa rin ito sa matinding problema na
kinakaharap ng ating pamahalaan.

Sa aking napanood na dokumentaryo ukol sa mga batang nangangalakal sa


dagat na punong burak ng basura. Kung para sa atin ay negatibo ang hatid na
epekto nito para naman sa kanila ay biyaya ang dulot ng basura. Sapagkat
naniniwala sila na may pera sa basura. Kahirapan at gutom ang kalaban nila sa
pagtupad ng kanilang pangarap. Nakalulungkot isipin na upang matupad nila ang
kanilang pangarap ay kailangan nilang magtiyaga upang sisirin ang madilim na ilalim
ng kasuklam suklam na burak at basura. Kailangan nilang tiisin ang hirap ng paglusong
sa ilog kahit pa alam nila ang peligrong naghihintay rito na maaari silang malunod o
masugatan. Sa pagpatak ng bawat araw ay kailangan nila na may maipang tawid
gutom sa kumakalam na sikmura ng kani kanilang pamilya. Isa na rito si Junjun, sa
bawat pagtapak niya sa tone toneladang basura ay walang kasiguraduhan kung
suswertihin o hindi sa kanilang pangangalakal upang makaipon ng bakal plastik at iba
pa sa animo’y dagat ng basura na pinaghalong bubog,basura,patay na hayop,burak
at iba pa. Di pansin ang hirap na dinadanas dahil mas umaapaw ang determinasyong
makatulong sa pamilya. Tanging dala-dalang sandata nila ay pangarap at pag
asa para makayanan ang bawat pagsubok na haharapin nila.

Sana ang dokumentaryong ito ay magsilbing leksyon at realisasyon na


napakaswerte natin kung nakakakain tayo sa isang araw at may bahay tayong
tinitirahan dahil minsan hindi natin naiisip na may mga tao na mas naghihirap sa atin.
Nais ko lang sabihin na pahalagahan natin kung anong mayroon tayo at magsikap pa
upang paunlarin ang sarili. Dahil ang mga batang ito ay hindi sumuko upang gumawa
ng paraan upang gamitin ang mga bagay na alam nilang maaari nilang
pakinabangan katulad ng plastik, bakal at iba pa. Naniniwala sila sa kanilang sarili na
kaya nila kaya dapat ikaw kahit gaano pa kahirap kayanin mo rin. Katulad din
ni Mico ang batang si Jun jun, hindi man kayang tustusan ang pag aaral ay
gumagawa parin sila ng paraan upang may matutunan at hindi mapag iwanan ng
panahon sa madilim na kahapon.

You might also like