Kung atin pong babalikan ang isang kaganapan na marahil ay naging
isang makasaysayang pangyayari na naganap sa kasaysayan ng pilipinas, isang kagimbal-gimbal na pangyayaring hindi makakalimutan ng lahat dahil sa pinsalang naidulot nito at naiwan lalo na sa mga taong lubos na nasalanta, napinsala at naapektuhan nito sa kanilang buhay maging sa kabuhayan na isang iglap lang nawala. Ito po ang pagsabog ng bulkang taal noong ika-12 ng febrero, 2020. Noong panahong magyari ito ay wala ako dito sa Laguna, kasalukuyang nagbabakasyon po ako sa Bacolod ng mabalitaan ko na lang sa telebisyon ang isang nakahihindik na balita, ang pagsabog ng Bulkang Taal. Habang pinapanood ko sa balita ang update sa mga pangyayari, nakita ko na bakas sa mukha ng mga tao anag takot, lungkot at pagkabigla. Hindi naman kase natin aakalain ng bigla na lang mangyayari ang ganitong trahedya na bumago sa pamumuhay ng mga naninirahan malapit sa pinangyarihan. Marami din ang nalungkot dahil sa nakita nila na ang dating magandang paligid at magandang tanawin ay nabalutan na ng makakapal na abo na galing sa bulkang sumabog. Nawalan ang mga tao dito ng mga bahay na napakatagal nilang ipinundar, mga kabuhayan na sa pang araw-araw na panustos ay dito nila kinukuha. Nakakalungkot isipin na ang dating maunlad na lugar ay nakaranas ng krisis sanhi ng pagsubog na ito. Ngunit ganun pa man, iisang bansa lang tayo, iisang lahi na kung saan mayroong pagdadamayan sa panahon ng kagipitan. Hindi nawala ang pagtutulungan, na kahit sa isang maliit na bagay ay may taong napasaya kahit papaano, na kahit sa kaunting barya na ating pinagsama - sama ay mayroon tayong mga taong naitawid sa gutom kahit papaano. Ang bayanihan dito ay hindi nawala, kung saan kahit ang mga may hidwaan o alitan, o kahit na ang may di pagkakasunduan ay nagkaroon ng pagkakataon na kalimutan muna ang lahat para sa kapwang nangangailangan. Sabi nga sa awiting TULONG TAAL, “ito ang panahon upang ang ating malasakit ay ipakita”. Dahil sa mga pagsubok na naranasan nung panahong mangyari ang pagsabog ng bulkan. “PAGTULONG ANG TANGING KASAGUTAN”, “ANG IALAY NATIN AY PAGMAMAHAL.” Nangyari man noon ang ganitong trahedya, nangibabaw naman sa mga puso ng mga pilipino ang likas na pagiging matulungin sa kapwa, ang lahat ay gumawa ng paraan upang mabilis na makaahon ang lahat ng naapektuhan.