You are on page 1of 1

“Bagyo ka lang, Pilipino kami”

Sa panahon na dinaranas ng Pilipinas ngayon, nagkaroon tayo ng sakuna, bagyo at


pagbaha, ang mga ito ay ikinalulungkot ko at marahil ay ikaw rin. Sa kabila ng mga unos na
dumating, saan kaya kinukuha ng mga Pilipino ang kanilang ngiti na nagpapagaan at nagbibigay
pagasa sa atin? Paano kaya nila nagagawa na maging positibo pa rin? Natanong mo rin ba ang
mga ito? Marahil dahil tayo ay Pilipino na kahit may kalamidad ay nakukuha pa rin nating
tumawa na parang walang nangyari. Tayo ay naniniwalang may pagasa pa rin at makakabangon
muli. Tila nga normal na lamang ito para sa atin at naging bahagi na ng ating buhay taon-taon.
Kahit anong sakuna o trahedya ang danasin ng mga Pilipino, mapapansin natin na nananatili pa
rin ang ating pagbabayanihan. Tayo ay nagtutulungan na maiahon sa unos ang bawat isa. Marami
ang boluntaryong ibinuwis ang kanilang buhay upang makapagsalba ng kapwa Pilipino. Ang iba
naman ay taos pusong nagbibigay ng mga tulong sa nasalanta. Ganyan ang mga Pilipino,
matatag, matulungin at hindi matitinag ng kahit anong sakuna at delubyo.

“Ang Hagupit ng Bagyo sa Pilipinas”

Ang kalamidad ay isang pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa lahat.


Anumang klase ng kalamidad ay maaaring umatake kailanman at hindi natin ito maiiwasan. Sa
ating bansa, ang Pilipinas, tayo ay taon-taong napipinsala ng kalamidad, tulad ng malalakas na
bagyo kung saan ito ay ating naranasan muli kamakailan lamang, ang bagyong Ulysses. Ang
kalamidad na ito ay nagdulot ng pagkawasak at pagkasira ng mga ari-arian, maraming tao ang
nasawi at nawalan ng kabuhayan. Ayon sa pagtataya na ginawa ng NDRRMC, mahigit 253
milyong piso ang nawasak na imprastraktura, halos 1 bilyon naman ang nasira sa agrikultura at
higit kumulang na 200 libong pamilya ang naapektuhan. Sa unang tingin, tila mahihirapang
makabangon at makabalik sa dati ang mga napinsala ng bagyo ngunit sa lahat ng ating dinanas
na kalamidad, ang mga Pilipino ay nanatiling matatag at matibay sa pagharap sa bawat
pagsubok. Sa mga panahon na ito, hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa na tayo ay
makakabangon muli. Kailangan natin kumilos upang manumbalik ang dating sigla at saya sa
ating mga mukha.

You might also like