You are on page 1of 6

EKO-TULA SA EKOLOHIKAL NA LENTE: PAGUSUSRI SA AKDANG LUPANG

PAMANA

ISINULAT NI

MIZPHA BIANCA M. MOMO


BSED FIL 2A

Oktubre 2022
REPERENSIYA

 https://philnews.ph/2019/10/15/ang-pagbabalik-ang-tula-na-isinulat-ni-jose-corazon-
de-jesus/

INTRODUKSYON

Ang tulang “Lupang Pamana”, ay isang tulang pumapaksa sa

BUOD
Ang Eko-kuwentong “Ang Bibe na Nangingitlog ng Ginto” ay umiikot sa isang lalaki na nag-
aalaga ng iba’t ibang hayop tulad ng pato, manok, bibe, at gansa. Isang araw ay may Nakita
siyang isang pugad na may gintong itlog dito, ngunit di niya alam kung alin sa kanyang mga
hayop ang nangitlog ng ginto. Ilang pagkakataon na inobserbahan niya ang kanyang mga
hayop. Ibinenta niya ang mga guntong itlog at bumili ng mga kagamitan, ngunit hindi niya
ito pinapahiram kahit kanino, nagging madamot ito. Hanggang isang araw ay Nakita niya na
ang bibe pala ang nagingitlog ng ginto. Hindi na siya makapag antay na mangitlog ito, kaya
ang ginawa niya dinakip ang bibe, pinatay at binuksan ang tiyan nito. Ngunit, sa kasamaang
palad ay wala ni isang itlog ang kanyang nakita. Naging maramot pa rin ang lalaki at may
isang araw na nagising nalang siya sa pagkakatulog, at nasusunog na pala ang kanyang
bahay, at wala ni isang gamit ang natira sa kanya. At dahil dito ay bumalik siya muli sa
pagiging mahirap.

PAGSUSURI

Marahil ay atin nang naabuso ang ating likas na yaman, at kapaligiran, sapagkat
hindi na natin iniisip ang kapakanan nito. Hindi lingid sa ating kaalaman na mayroon
talagang masamang maidudulot ang pag-abuso sa kapaligiran at kalikasan. Ang eko-
kuwentong “Ang Bibe na Nangingitlog ng Ginto” ay sumasalamin sa ating pag-uugali
tungo sa kalikasan. Pinapakita sa kuwnetong ito ang pagiging sakim at iresponsable
ng mga tao sa kalikasan, yaong tipong kumuha tayo higit pa sa ating kailangan,
sapagkat atin lamang iniisip ang ating sariling interes at kapakanan, sa halip na ito
ay ating pakaingatan at pangalagaan.

Hindi maikakailang ibang-iba na ang pamumuhay natin ngayon kumpara noon


unang panahon. Kapansin-pansin ang pag-unlad ng paraan ng pamumuhay na
ating tinatamasa kumpara sa ating mga ninuno. Gayunpaman, marami na ring
mga kaganapan na nagdulot ng pagbabago hindi lamang sa estado ng ating
pamumuhay, kundi pati na rin sa ating kapaligiran. Kaakibat nito ay ang pag-
usbong ng iba’t-ibang bagay na produkto ng mga malikhain pag-iisip.

Isa na ito ay ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Dahil dito ay


marami ang nabago at naging mas epektibo ang ating pamumuhay. Marami na
ang mga nadiskubreng bagay na nakaambag ng husto sa pag-usbong ng bagong
kabihasnan. Unti-unti ng nabawasan at nawala ang ating kamangmangan.

Ngunit sa likod ng lahat ng kaunlarang ito ay ang hindi maitatagong


pagkawasak ng kalikasan. Umabot na sa sukdulan ang lahat. Nawala na sa ating
mga isip ang tamang pangangalaga sa kalikasan na siyang nagbigay sa atin ng
buhay at pag-asa. Mas nakatuon ang ating pansin sa pagtugon ng ating mga
pangangailangan. Unti-unti nang nauubos ang mga yamang likas dahil sa
sobrang pagkuha natin sa mga ito upang makaimbento ng mga bagong
produkto. Gaya na lamang ng pagputol ng mga punong kahoy upang makakuha
lamang tayo ng ‘lumber‘. Dahil dito, unti-unting nakakalbo ang ating mga
kagubatan. Ito rin ay maaaring maging sanhi ng mas malalang pangyayari, gaya
na lamang ng pagbaha o landslide.

Marami-rami na rin tayong naririnig na mga ulat sa radyo ukol sa unti-unting


pagkawasak ng kalikasan sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Hindi lamang tayong
mga tao ang apektado nito kundi, pati na rin ang mga hayop. Mayroon nang
mga kilusang itinaguyod upang masolusyunan ang mga alarma at suliraning ito,
subalit sa kabila ng lahat, hindi pa rin ito sapat at epektibo.

Sa hindi natin siguro na hinaharap, darating at darating talaga ang mga sakuna
na bunga ng ating pag-abuso sa kalikasan. Gaya na lamang ng matinding
baha, landslide, at matinding tagtuyo na kumikitil ng libu-libong buhay. Kaya
naman, kung sobra na ang naging dulot ng Yolanda at iba pa, marahil ay hindi
pa titigil sa pagbibigay ng parusa ang Inang Kalikasan dahil sa ating pagiging
abusado at pagpapabaya.
KONGKLUSYON

Sa simula ay sapat ito at kuntento tayo sa biyayang dulot nito sa ating buhay,
subalit, sa paglipas ng panahon, dumami ang ating mga pangangailangan. Ito
ang naging dahilang upang umisip ng paraan ang tao kung paano matutugunan
ang mga pangangailangang ito. Ang mga imbentor ay walang humpay sa
paglikha dahil hindi nauubos ang pangangailangan ng tao.

Ngunit, hindi pa huli ang lahat; maaari pa nating mabago ang mga posibleng
mangyayari sa hinaharap. DISIPLINA! Ito ang kailangan upang ang mga
suliraning ito ay malutasan. Dapat nating matutunan ang pagkontrol sa
pagkuha at paggamit ng iba’t-ibang likas na yaman. Sa halip, ito ay ating
pagyamanin. Dapat tayong sumunod sa mga alituntunin na naglalayong
mapangalagaan ang mga ‘wildlife’ at kalikasan. Dapat tayong magsagawa ng
mga solusyon kahit ito ay mga simpleng bagay, gaya ng pagtatanim muli sa
mga nakalbong gubat (reforestation) at ng pagtatapon ng maayos ng ating
basura; ito ay dapat sa ating sarili mismo magsimula. Ang mundo ay iisa
lamang at ito ang ating tahanan. Gaya ng ating buhay, nararapat lamang na
alagaan at pahalagahan natin ang biyayang ito na bigay ng Maykapal. Wala
nang ibang panahon, kundi ngayon na – iisa lang si Inang Kalikasan at nasa
ating mga kamay ang solusyon upang maibalik siya sa kanyang dating
kaanyuan.

You might also like