You are on page 1of 39

ESP 10

QUARTER 3

Prepared by:
Mr. Joe Allan Mark G. Tumamao
Suriin Natin!
Matinding baha, hangin: Bagyong
Ulysses pinaramdam ang bagsik sa
Metro Manila
In terms of pag-ulan natin, ina-
assess pa rin natin pero... masasabi nating
mas maraming pag-ulan na naranasan dito
sa bagyong Ulysses compared kay Ondoy
dahil malawak ang bagyo," ani weather
forecaster Benison Estareja sa ABS-CBN
TeleRadyo nitong Huwebes.

Ang tropical storm Ondoy ay


naghasik ng lagim sa Marikina at ilang
bahagi ng Metro Manila at Rizal noong
2009. Nag-iwan ito ng higit 400 patay sa
mga lugar na naapektuhan nito. (ABS-CBN
News, Nov 12, 2020)
Bagyong Rolly nanalasa sa
Bicol, ilang residente nasawi

Patunay ng bagsik ng
bagyo ang mga larawan ng
malalakas na hangin na tila
sumisipol at humahambalos,
at pagkaanod ng malalaking
bato, buhangin, at lahar dulot
ng baha.
Libo-libong residente
rin ang inilikas at nananatili
ngayon sa mga evacuation
center, at nawalan din ng
kuryente sa maraming lugar
sa rehiyon. ABS-CBN News,
Nov 01, 2020)
Nagulat ka ba sa mga
ulat? Ano ba ang mga
dahilan kung bakit
ang mga ito ay
nagaganap? Sino ba
ang may kagagawan
ng mga ganitong
pangyayari? Hindi ka
ba natatakot?
Bilang mag-aaral ng Grade 10, ano ang
ipinapahiwatig ng video clip?
Pamilyar ka ba
sa kuwento ng
paglikha o
paglalang?
Tandaan
Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang
kapangyarihan na pangalagaan ang
kalikasan na Kaniyang nilikha.
Ano nga ba ang kalikasan?
Ano ang kahalagahan nito sa
atin bilang tao?
• Ayon sa Google, ang kalikasan ay ang lahat ng bagay na natural at
katutubong mula ito sa mga kababalaghang nagaganap sa pisikal na
mundo, at maging sa buhay din.
Ayon naman sa
Environmental Conservation
Organization

ang kalikasan ay
isang biyayang galing
sa ating Panginoon.
Dito nanggagaling
lahat ng bagay na
ating ikanabubuhay.
• Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin
na maaaring may buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga
puno’t halaman, at lahat ng iba’t-ibang uri ng hayop mula sa
maliit hanggang sa malaki.

• Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik na


siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga tao na may buhay. Kabilang dito
ang hangin, lupa, tubig, at iba pang mga anyo nito.
Sabi nga sa
Compendium on the
Social Doctrine of the
Church,
sa bahaging may
kaugnayan sa kalikasan,
ang ugnayan natin o
kaya’y tungkulin sa
kalikasan ay makikita
sa ugnayan natin sa
ating kapwa at sa
Diyos.
Ano-ano bang pang-aabuso
ang nagawa ng tao sa
kalikasan?
LECTURE PROPER
Mga Maling Pagtrato
sa Kalikasan
1. Maling Pagtatapon ng
basura. Ito ay isang uri ng
maling gawain na patuloy na
nangyayari sa isang
komunidad. Isang maling
gawain na naging sakit na ng
iilang mamayanan na kung
saan hindi na nila
napapatnubayan ang kanilang
sarili sa pagtatapon nila ng
basura kung saan-saan.
2. Illigal na pagputol ng mga puno (illegal logging). Ang mga puno at iba
pang halaman ang siyang tagapagbigay sa atin ng napakahalagang hangin na
ating hinhinga upang mabuhay tayo at iba pang mga hayop.
3. Polusyon
• Mga Uri ng Polusyon
• a. Air Pollution – Ito ang pagkakaroon
ng pollutants sa hangin, gaya ng
mapanganib na usok at mga kemikal.
• b. Water Pollution – Ito ang
pagkadumi ng tubig kung saan
nahahaluan ito ng mga kemikal,
bacteria, o mga sambutil ng metal o
lupa.
• c. Soil Pollution – Ang pagsisira sa
lupa at agrikultura sa pamamagitan ng
pagkalat dito ng basura at hazardous
waste; at mga maling paraan ng
pagsasaka at pagmimina.
• d. Noise Pollution – Mga malalakas na ingay na gawa ng tao,
katulad ng sobrang lakas na tugtugin, ingay galing sa
eroplano, tren, trapik, konstruksyon, at paputok.
• e. Light Pollution – Sinasabing mayroong light pollution ang
isang lugar kapag hindi na makita ang mga bituin sa langit
nang dahil sa sobrang liwanag na galing sa mga billboard,
neon signs, at mga building at sasakyan.
• f. Thermal Pollution – Ito ang pagtaas ng temperatura nang
dahil sa air pollution at pagsingaw ng carbon gasses na
nagdudulot ng sobrang init sa mundo.
• g. Radioactive Pollution –
Isa ito sa pinakamapanganib
na polusyon dahil nagiging
sanhi ito ng radioactive
poisoning; galing ito sa
hindi wastong pagtapon ng
nuclear waste at sa
pagkakaroon ng tagas sa
mga nuclear plant.
• h. Visual Pollution – Lahat
ng mga bagay na masakit at
nakakaapekto sa paningin
ay tinuturing na visual
pollution, gaya ng mga
sobrang laking billboard at
gusali na humaharang sa
magagandang tanawin.
• 4. Pagkaubos ng mga
natatanging species ng
hayop at halaman sa
kagubatan. Ang Pilipinas ay
napagkalooban ng Diyos ng
isang napakagandang
kagubatang tropical. Dito
makikita ang iba’t-ibang uri ng
halaman at mga hayop na ang
iba ay dito lang talaga
makikita.
• 5. Malabis at mapanirang
pangingisda. Ang Pilipinas ay
nabiyayaan din ng mayamang
karagatan at iba pang anyong
tubig. Iba’t-ibang uri ng isda
ang naninirahan dito kung kaya
nga’t maraming lugar dito sa
atin ang umaasa sa
pangingisda bilang kanilang
ikinabubuhay.
• 6. Ang pagko-
convert ng mga
lupang sakahan,
iligal na pagmimina,
at quarrying. Bakit
nagkakaroon ng
kakulangan sa suplay,
asukal, at iba pang
produktong mula sa
mga magsasaka na
ayon sa
pangangailangan ng
tao?
Anong nangyari sa Compostela
Valley? Ano ang kapansin-
pansin na pagbabago?
• 7. Global warming at climate change. Ang malawakang pag-
iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na
nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang
Sistema ng klima ay tinatawag na climate change.
• 8. Komersiyalismo at Urbanisasyon. Ang komersiyalismo ay
tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang
labis na pagpapahalaga na kumita ng pera. Ang urbanisasyon
naman ay ang patuloy nap ag-unlad ng mga bayan na
maisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga Halimbawa:
malls at condominium units. Baguio City,
Philippines
ESP 10
QUARTER 3

Prepared by:
Mr. Joe Allan Mark G. Tumamao
SAMPUNG UTOS
PARA SA KALIKASAN
1.Alagaan natin ang kalikasan
sapagkat ito’y nilikha rin ng
Diyos para sa atin.
• 2. Ang kalikasan
ay hindi dapat
ginagamit bilang
kasangkapan na
maaaring
manipulahin at
ilagay sa mas
mataas na lugar
na higit pa sa
dignidad ng tao.
• 3.Responsibilidad
natin at ng
susunod na
henerasyon ay
paggalang sa
kalikasan.
•4. Isaalang- alang
muna ang etika
bago ang
makabagong
teknolohiya.
• 5. Ang
pagagamit sa
kalikasan ay hindi
kailanman mali
maliban kung
ginamit ito sa
taliwas sa kung
ano ang
kaniyang lugar at
layunin.
•6. Bigyang
pansin ang
kahalagahan
ng kalikasan.
• 7. May kaugnayan ang pagtatapos ng mundong ito
sa kalikasan.
• 8. Karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay
dapat protektahan.
• 9. Kailangan ng moderasyon ang routine ng
pangangalaga sa kalikasan upang hindi ito magsawa.
• 10. Ang mga
isyung
pangkapaligiran
ay
nangangailanga
n ng pagtugong
espiritwal.
• 1. Itapon ang basura sa tamang lugar.
Hakbang upang • 2. Pagsasabuhay ng 4R’s.
makatulong sa • 3. Pagtatanim ng mga puno.
pagpapanatili sa ganda • 4. Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga
ng kalikasan sa mundo tagapagpatupad nito.
• 5. Mabuhay ng simple.
–Pope Benedict
• “Ang planetang hindi mo
XVI isinalba ay ang mundong hindi
mo matitirahan”.

You might also like