You are on page 1of 3

1.

Mula sa resulta ng pag-aaral, ano-ano ang mga naiambag ng UPIS sa


pagpapalaganap’ pagpapahalaga at pagpapayaman ng Wikang Filipino? Isa- isahin
ang mga ito kung paano nila isinagawa.

- May malaking naiaambag ang UPIS sa pagpapalaganap ng at pagpapahalaga sa


wikang Filipino at sa elaborasyon ng Filipino para sa iba’t ibang pangkomunikasyon
at pang-akademyang layunin.

Malawak ang pag-aaral na ninasang isagawa sa loob ng maikling panahon para sa


papel na ito kaya inilimita ang pamamaraan sa sumusunod na istematikong hakbang:

1. Upang masuri ang pang-akademyang register ng Filipino sa pagtuturo ng iba’t


ibang sabjek, sa paraang random sampling ay pumili lamang ng dalawang
materyales na panturo, sa anyo ng mga modyul at/o pagsusulit, para sa bawat
pang-akademyang sabjek. Kumuha ng isang kagamitang panturong pang-
elementarya at isang panghay-iskul, maliban sa Health na pang-grado 6 ang
ginamit sapagkat walang nakuhang panghay-iskul. Upang mapag-aralan naman ang
register ng Filipino sa mga opisyal na Komunikasyon at dokumento ng UPIS, pumili
rin sa paraang random ng ilang naipamahaging, memorandum ng principal sa
Filipino. Ginamit din ang opisyal na kopya ng proyektong pananaliksik ng UPIS
kaugnay ng pagbuo ng mga materyales na panturo sa Filipino,gayon ang isang
department report tungkol sa isinasagawang saliksik, at ang mga kopya ng mga
tanong pantalakayan, evaluation form, at katitikan o proceeding ng dalawang
katatapos na seminar –workshop. At upang masuri din ang pang-akademyang
register ng Filipino ng mga estudyante, ginamit ang ilang nahiram na kopya ng iba’t
ibang impormal na sulatin mula grado 3 hanggang 10. Kabilang ditto ang mga sulat
sa president ng Pilipinas ng mga estudyante sa grado 3, mga reaction paper
tungkol sa mga isinagawang field trip at napanood na mga pagtatanghal ng iba’t
ibang grado, at mga sulat sa kaibigan tungkol sa iba’t ibang paksa.

2. Upang magkaroon ng stratified sampling ng mga salitang susuriin, naipasiyang


pag-aralan lamang ang unang animnaraang (600) salitang pangnilalaman (content
words) na kakatawan sa bawat kagamitang panturong napili para sa bawat grado at
bawat sabjek. Samakatwid, para sa dalawang grado ng bawat pang-akademyang
sabjek, nagkaroon ng sampling na 1,200 salitang pangnilalaman, o kabuuang 8,400
salitang pangnilalaman para sa pitong sabjek o departamento, kasama ang K-2 Mula
sa mga kopya ng mga opisyal na komunikasyon at dokumento’y nakakuha ng
sampling na 1,200 salitang pangnilalaman at 2,200 naman mula sa mga sulatin ng
mga estudyante. Umabot sa kabuuang 11,800 content words ang isinama sa
pagsusuri, at ito,y nangangahulugang hindi ibinilang sa pinag-aralang leksikon ang
mga salitang pangkayarian ( function words) tulad ng mga pananda ( ang,ng,sa, at
pamparami ng mga ito). preposisyon o pang-ukol (tungkol/ ukol/para sa/ kay,at iba
pa), transisyonal na mga salita ( una,ikalawa, tapos, atbp.),at mga pang-ugnay na
koordineyt at subordineyt ( subalit, samakatwid, kaya, atbp.)

3. Ginawan ng tig-isang talahanayan ang mga salitang kabilang sa bawat uri ng


materyales na napili. Isinagawa ang frequency count ng occurrence ng mga salita sa
ilalim ng anim na paraan ng panghihiram ng mga banyagang salita na inakalang
ginagamit sa leksikon ng Filipino ng UPIS. Ito ang mga paraan ng panghihiram sa
Ingles, Espanyol, at iba pang banyagang wika na tinukoy:
 Ganap na hinihiram ang lahat ng mga element ng salita at walang pagbabago sa
ispeling, tulad ng chlorophyll, photosynthesis, pizza pie.
 Maliban na hiniram sa Espanyol, may parsiyal o buong pagbabagong ponolohikal
upang maiangkop sa ponolohiya at dating ginagamit na ortograpiyang Tagalog, gaya
ng isport, kemistri .sarbey kudeta.
 May buo o parsiyal na pagbabagong ponolohikal, ngunit ginagamitan din ng mga
phoneme at grapheme ng ginagamit ngayong alpabetong Filipino, tulad ng sabjek,
fotosintesis, register.
 Panghihiram sa Espanyol at pang-aangkop ng salita sa bigkas- Espanyol ngunit
pagbaybay nito sa baybay- Tagalog, gaya ng gobyerno, komposisyon, alpabeto,
ponolohiya:
 Pagtutumbas/paggamit ng mga katutubong salita para sa mga katawagan, tulad
ng banyaga, katutubo, kakanyahan, kagamitan. Sa klasipikasyong ito’y maaaring
napasama ang ilang salitang hiram sa Malay, Sanskrit, at Tsino na napakatagal nang
naging bahagi ng leksikong Filipino kaya’t itinuturing nang katutubong bahagi ng
wikang Filipino. Kabilang ditto ang buyat, ugat at siyasat Malay,
buhay,lupa,sagana,aksaya wasto at akala ng Sanskrit, at ,ate, mami,at pansit ng
Tsino; at
 Paglikha ng mga bagong salita para sa isang konseptong hiram, o coining.
Pagkatapos ng frequency count ay kinuha ang porsiyento ng total occurrence ng mga
salita sa bawat paraan ng panghihiram at/o paggamit ng salita. Batay sa mga
tabulasyon ay sinuri ang pang-akademyang register ng Filipino ng UPIS.

2. Maituturing bang intelektwalisado na ang Wikang Filipino mula sa tulong ng


UPIS na itaas ang lebel ng batayang edukasyon? Oo o hindi? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Oo, sapagkat sa tulong ng sariling pang-akademyang register ng Filipino ,


pinatutunayan ng UPIS na maging sa level pa lamang ng batayang edukasyon ay
maituturing nang intelektwalisado ang wikang Filipino sapagka’t ito nga’y nagagamit
na ng eskuwelahan sa mabisang pagtuturo at pagkatuto ng halos lahat ng mga
pangakademyang sabjek- teknikal man o hindi. Kailangan nga lamang maging
desidido at malikhain ang sinumang guro sa paggamit nito upang makuha ang
ninanasang resulta.

3. Ano- ano ang mga suliranin ng UPIS na kailangang bigyan ng pansin kaugnay sa
pang- akademyang register sa Filipino? Ano ang iyong rekomendasyon sa
pagresolba upang maipalaganap ang kanilang mga layunin sa elaborasyon ng
Wikang Filipino?

Unang-una, kailangang magkaroon pa ng mas mahusay na koordinasyon ang mga


titser upang maiwasan ang mga inkonsistensing nakita ang kabuuangginagamit na
termino, makuha ang akseptabilidad at komprehensibilidad ng mga ito at tuloy
matukoy ang tiyak na problema- kung nasa mismong termino ba, nasa anyo o nasa
ispeling. Makatutulong din kung ang fakulti ng UPIS ay higit pang makikikoordineyt
sa mga guro at propesor ng iba’t ibang kolehiyo ng Unibersidad, lalo na sa Science at
Mathematics, para magkaroon na rin ng konsistensi at continuity ang kabuuang
pang-akademyang regiter ng Filipino ng UP. At huli, napapanahon nang makabuo, o
kung nagbubuo na’y matapos na sana, ang isang glosari ng mga katawagan para sa
iba,t ibang pang-akademyang sabjek at larangan.Malaki ang maitutulong ng ganitong
kagamitan tungo sa kodipikasyon at istandardisasyon ng wikang Filipino na
nadaramang kailangang- kailangan na ngayon upang lalong makahikayat ng paggamit
ng Filipino sa lahat ng larangan.

You might also like