You are on page 1of 1

ABSTRAK

Bisa ng paggamit ng Filipino bilang midyum ng mga talakayan sa mga klase sa pangalawang wika sa University of Hawaii
sa Manoa. Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, ukol sa layunin ng komunikasyon at wikang pagtuturo. Ang
pagtuturo ay isang gawaing masalimuot at may maraming anyo. Pangunahing layunin ng pag-aaral na malaman kung aling
pamamaraan at kasanayan at kung paano ginagamit ang Filipino sa mga talakayan sa klase sa pamamagitan ng pagsusuri sa
mga patern ng mga interaksiyong pangklasrum mga tungkulin ng wika sa mga talakayan, at iba pang mga kagawiang pangwika
sa loob ng klasrum.
May mga kadahilanan kung bakit ginagamit ang sariling wika, isa na dito ay mas madaling maintindihan at maisaisip
ang mga leksyong itinuturo ng mga guro, napapadali nito ang prosesong pag-aaral. Ang aplikasyon ng naturang sistema ng
pagsusuri sa interaksiyong pangklasrum ay nagbibigay ng napakahalagang datos para mailarawan ang gamit ng wika sa
talakayan, ang dami ng pagsasalita ng guro, ang uri at patern ng mga tanong ng guro, ang uri ng interaksiyon ng mga
estudyante. Ang epekto ng paggamit ng wikang Pilipino, ang midyum sa pagtuturo ay nakatutulong upang mas higit na
maintindihan at mabigyang- halaga ng mga mag-aaral ang pagpapaliwanag sa wikang Filipino. Ang mga datos na nairekord ay
itinranskrayb, ang mga estadistikal na datos ay kinompyut at binigyan ng kaukulang pagsusuri at interpretasyon mga datos ng
pag-aaral ay hango sa personal na tala ng mananaliksik at audio-recording ng talakayan sa klasrum. Batay sa pagsusuri at
interpretasyon ng mga datos, nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon at rekomendasyon.. Nagamit ang Filipino bilang wika
ng talakayan sa iba’t ibang layunin o tungkulin gaya ng pagtatanong, pagbibigay ng impormasyon.
Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika
ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ang guro at mga estudyante ay kapwa gumagamit ng halong-wika at palit-wika sa mga
talakayan sa mga klase. Ang mga guro ay dapat pumili ng mga pamamaraan na pinakamainam na makatutulong sa mga
estudyante na maunawaan ang mga nilalamn, doktrina at alituntunin ng isang particular na makatutulong na pangasiwaan ang
pagpapasigla at pagsasabuhay. Ang pagsasaisip sa layunin sa paggamit ng isag particular na kasanayan o pamamaraan ay
makatutulong sa mga guro na gamitin ang mga ito sa mas makabuluhang paraan. Bagamat laging nadodominahan ng guro ang
mga talakayan sa klase, nagawa naman niyang mapanatiling kasiya-siya at kawili-wili ang talakayan. Gayunpaman, kailangan pa
ring isaalang-alang ang pagpili ng mga napapanahon at makabuluhang paksang lilinang ng kanilang mga kasanayang pangwika
at ng pagmamahal sa wika at kulturang Pilipino. Napapabilis nito ang proseso ng edukasyon at malaki ang maitutulong nito sa
intelektwalisasyon ng mga Pilipino.

You might also like