You are on page 1of 3

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM

Batayang kaalaman sa metodolohiya sa pananaliksik-panlipunan na

napakamahalaga ang pagsasagawa sa komunidad, bayan o bansa. Ito`y

naisasagawa ukol sa isang kalagayan ng isang lipunan, ekonomiya, politika,

kultura at iba pa. Etnograpiya, kuwentong buhay, eksperimentasyon ay mga

halimbawa ng pangunahing metodo sa pananaliksik. Sa pagsasagawa neto

merong ibat ibang yugto katulad na lamang ng aral-kaso at action research at

napaloob sa action research ang pagpaplano, implementasyon, obserbasyon at

pagmumuni na nagpapahusay sa komprehensyon ng isang mambabasa. Video

documentation, literature review, interbyu, focus group discussion(FGD),

obserbasyon at participant observation pagsasagawa ng sarbey, transkiripsyon

ay mga halimbawa sa pamamaraan sa pagtitipon ng datos na nagagamit sa

pangangalap ng datos at meron ding pamamaraan sa pagsusuri ng datos.

KONGKLUSYON

Base sa mga resulta ng pag aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay nabuo

ang mga sumusunod:

Ang wikang Filipino ay madalas na ginagamit ng mga mag-aaral sa mga

asignaturang Ingles, tulad ng Edukasyong Pisikal, Araling Panlipunan, at Literatura

sapagkat ang guro at ang mga mag-aaral ay malayang gumagamit ng sariling wika sa

asignaturang nabanggit at dahil sa mas higit na naiitindihan ng mga mag- aaral ang

isang kesyon, lao na ang mga malalalim at mahihirap na salitang Ingles. Mas nagiging
maganda ang daloy ng talakayan at nagiging kapakipakinabang ang paggamit ng

wikang Filipino sapagkat mas nagiging aktibo ang mga mag-aaral na ipahayag ang

kanilang saloobin at mga ideya ng klase.

Sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino sa mga asignaturang Ingles

ang midyum sa pagtuturo ng mga mag-aaral ay hindi gaanong nahahasa at nalilinang

ang mga kakayahan at kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa wikang Ingles.

Madalas din na ang ibang mag-aaral ay nahihiyang gumamit o magsalita ng wikang

Ingles sa kadahilanang mas nasanay sila sa wikang Filipino at sa kadahilanang hindi pa

ganon kaintelektwalisado ang wikang Filipono ay wala tayong panumbas sa ibang salita

sa Ingles kaya minsan nakakaligtaan na ang wikang Filipino.

Sa paggamit ng wikang Filipino sa talakayan ang mga mag-aaral ay nagiging

aktibo sa pakikilahok sa, nakakasunod sa daloy ng talakayan, nakakapagbigay ng mga

ideya sa klase, nauunawaan ang leksyong itinuturo kapag ipinapaliwag sa Wikang

Filipino, napapadali ang pagkatuto sa paggamit ng wikang Filipino, sa madaling salita

bilang isang Pilipino hindi natin maiiwasan na gumamit ng sarili nating wika sapagkat

mas nagkakaintihan tayo, mas natin ang ating saloobin sa mga tinatalakay sa leksyon,

halimbawa sa mga asignaturang Ingles.

REKOMENDASYON

Matapos malagom ang lahat ng mga natuklasan sa pag- aaral na ito,

iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod;

1. Mas dalasan ang paggamit ng Wikang Filipino sa mga leksyon sa klase

lalong-lalo na sa pagpapaliwanag mga leksyon ng sa gayon mas lalong

maintidihan ng mga mag- at sila' y ganahan.


2. Hikayatin ng mga guro ang mga mag- aaral na gumamit ng wikang Filipino

kung hindi nila kayang maihayag ng tuwiran sa Ingles ang kanilangideya

nang sa gayon mag nagkakaintindihan at nakakapagpartisipeyt ang mga

mag- aaral sa talakayan.

3. Magkaroon ng kalayaan na gumamit ang mga mag- aaral at mga guro na

gumamit ng wikang Filipino kanilang tinuturo at pinag- aaralan.

You might also like