Professional Documents
Culture Documents
2. Nakapaglahad muli ng isa sa mga dulang nabasa gamit ang komik strip
Aralin
Ang damdamin ng pagsasarili ay namayani sa puso ng sambayanang Pilipino nang makamtan ang
kalayaan noong Hulyo 4, 1946.
Maraming pagbabago ang nararapat gawin sa iba't ibang aspekto ng buhay dala ng kakakamit na
kalayaan.
Ang panitikan lalo na ang larangan ng dulaan ay nakisangkot sa pambansang layunin na ito, kaya't isang
pangkat ng mga manunulat an nagbalak magpalalathala ng kanilang mga akda.
Isa sa mga tinatayang pinakasikat na samahang panteatro sa bansa noong mga dekada ng animnapu at
pitumpu, ito rin ay palagiang laman ng mga pahayagan at iba pang lathalain. Pawang mga dula sa wikang
Ingles ang itinatanghal ng pangkat na ito na naging matagumpay naman sa mga manonood at kritiko
noong mga panahong yaon.
Ito ay isa sa mga unang samahang panteatro na ang layunin gawing propesyonal ang mga mandudula at
palaganapin ang propesyonalismo sa dulaan sa Pilipinas. Sa panahong ang mga pagtatanghal ng
"lehitimong mga dula" ay nakasentro sa mga paaralan, kolehiyo, at pamantasan, ang MTG ay nagkaroon
ng regular na panahon ng pagtatanghal sa Army and Navy Club sa tabi ng Roxa Boulevard. At sapagkat ito
ay malapit sa Luneta (Rizal Park), hindi iilan ang naganyak upang panoorin ang kanilang mga
pagtatanghal na nagtampok sa mga sikat na mandudula ng dekadang animnapu. Karamihan sa mga
mandudulang ito ay mga propesyonal at mamamayang tinitingala sa lipunan.
Ilan sa mga dulang matagumpay na itinanghal ng MTG ay ang mga sumusunod: THE GLASS MENAGERIE,
CAT ON A HOT TIN ROOF, SWEET BIRD OF YOUTH, at SUMMER AND SMOKE na pawang mula sa panulat
ng bantog na mandudulang Amerikanong si Tennessee Williams; HOUSE OF BERNARDA ALBA at BLOOD
WEDDING ni Lorca; at ilan sa mga dula nina Eugene O'Neill at William Shakespeare.
Ang mga batikang artista sa tanghalan na gumanap sa mga dula ng MTG ay kinabibilangan nina Carmen
Enriquez, propesora sa Ingles at sikat na artista sa telebisyon; Nestor U. Torre Jr., sikat na manunulat at
artista ng tanghalan; Julie Carpenter; Leila Nicasio; Tita Muñoz, Nick Agudo; Pocholo Apostol;, Joonee
Gamboa; Butz Aquino; Vic Silayan; Vic Diaz; Henry Duval; Maggie dela Riva; Tommy Abuel; Georgiana
Powell; Nick Lizaso, at iba pa.
Ito ay may pangunahing layunig paunlarin ang mga pagtatanghal ng dula sa Pilipinas. Ang ideyang
pagkatatag nito ay nabuo mula sa mga klase ni Dr. Severino Montano na Drama and Speech Personality
sa Philippine Normal College.
Ang unang miyembro nito ay mga mag-aaral ni Dr. Montano. Noong mga unang taon ng pagkatatag ni
Montano, ang pangkat ay nakalikom ng sapat na salapi upang ang mga miyembro ng Arena Theater ay
makapagtanghal ng tatlong dula. Ang tagumpay ng unang pagtatanghal na ito ay nagbigay-daan upang
mabatid ng taumbayan ang kahalagahan ng ng Arena Theater, na ito ay magagamit upang mapataas ang
kalinangang antas ng mga Filipino nang sa ganoon ay maging makulay at makahulugan ang kanilang
pamumuhay. Kaalinsabay ng pagkatatag ng pangkat na ito ay ang paglulunsad ng iba't ibang sangay na
nagtatanghal ng mga kalipunan ng dula, hindi lamang sa Maynila kundi gayundin sa mga lalawigan nang
sa gayon ay makinabang din naman ang mga hindi nakapag-aaral na mga magsasaka. Sa kalagayang ito,
inakala ng mga miyembro ng Arena Theater na ang madulang pagtatanghal ng mga bagay tungkol sa
kanilang kabuhayan at kapaligiran ay makadulot ng kaligayahan sa mga anak-pawis na tulad ng mga
magsasaka at mangingisda.
Nakatanggap ito ng mga papuri mula sa mga pangunahing kritiko ng sining ng panahong iyon na sina
Rosalinda Orosa ng Manila Chronicle, Carmen Nakpil ng Manila Times at Eduardo La Chica ng Philippine
Herald. Dahil sa pangyayaring ito, ang PNC ay nakilala bilang nangungunang tagapagtaguyod at
tagalaganap ng Arena Theater sa ating bansa. Ang kalagayan ding ito ang nag-udyok sa kanila upang
maitatag ang 35 mga sangay sa iba't ibang lalawigan.
Ito rin ay sinuportahan ng Rockefeller Foundation. Isang pagtatanghal ng Arena Theater ang nasaksihan
ni Dr. Charles B. Fahs, Humanities Director of Rockefeller Foundation at nang mabatid nito ang katangi-
tanging layunin at adhikain ng pangkat, ay nagpadala ito ng tulong sa pangkat. Ang tulong na ito ay
tatlong taong bayad ng sweldo ng sinumang direktor na magtatatag at mamamahala ng mga proyektong
ginamit ng Arena Theater.
Isa sa mga magandang dulang ginawa ng mga miyembro ng nito ay ang pagsasalin ng mga dulang
SABINA, PARTING OF CALAMBA, THE LOVE OF LEONOR RIVERA at THE MERRY WIDOWS OF MANILA sa
limang pangunahing wika sa ating bansa: Tagalog, Pangasinan, Ilokano, Hiligaynon at Cebuano.
Nakuha rin nila ang suporta ni dating Pangulong Ramon Magsaysay. Si Benigno Aldana, Direktor ng
Kawanihan ng Pampublikong Paaralan ay nagpalabas ng Memorandum Bilang 49 serye 1955 noong
Hunyo 1, 1955 na naghimok na magtatag ng Arena Theater sa mga lalawigan sa pamamagitan ng mga
paaralang pampubliko. D. Barangay Theater Guild
Ang Barangay Theater Guild ay isa sa mga napasimunong magtanghal ng mga dulang Ingles sa ating
bansa. Itinatag ito ni Lamberto Avellana noong 1939, ang pangkat ay nagsimulang magtanghal ng mga
dulang Tagalog sa Avenue Theater, isa sa mga tanyag na sinehan sa Maynila noong dekada '30 hanggang
'50. Noong panahon ng Liberasyon, ang pangkat ay nagdaos ng pagbasa ng mga kalipunan ng mga dulang
kanilang itinanghal. Nangunguna sa dulang ito ang dulang kanilang itinanghal. Nangunguna sa mga
dulang ito ang Portrait of the Filipino as an Artist ni Nick Joaquin. Karamihan ng mga dulang ito ng
Barangay Theater Guild ay ipinalabas sa mga guho ng Moog ng Intramuros.
Karamihan ng mga produksiyon ng pangkat, ay mga dulang Ingles at klasikong dula ng mga Europeo.
Gayundin, manaka-naka rin silang nagtanghal ng mga dula sa wikang Ingles na sinulat ng mga Pilipino.
E. Dulang Satiriko (Kwentong Kutsero)
Ang Dramatic Philippines ay isang samahan na nakilala sa mga dulang satiriko na kanilang itinanghal
mula pa sa Panahon ng mga Hapon hanggang Panahon ng Republika. Isang halimbawa ang "Kwentong
Kutsero" na una nilang ipinarinig bilang dulang panradyo, pagkatapos ay itinanghal sa dulaan; sinundan
ng pagsa-pelikula at pagkatapos, ay pagsasa-telebisyon.
(Epifanio G. Matute)
Junior: Anak ng huwe naman! Meron ho ba namang trabahong hindi nakapapagod? Pulubi: Alam ko,
Totoy.... Pero, pag napagod ako....lalo akong lumalakas kumain!
Tony: (Halos pabulong sa sarili) May katwiran daw.... Tamad 'ka ninyo ang pulubing ito!..
Pulubi: (Narinig ang sinabi ni Tony) Aba, hindi po ako Tamad....Ang gusto ko lang trabaho...e 'yung walang
ginagawa?
Terya: Aba naku... ano ba 'yan?... Nanghingi lang ng limos ang tao e...nagtalo kayo?
Tony: O buweno... Bigyan na ninyo ng limos! (Uupo uli sa silya at itutuloy ang
pagbabasa)
Terya: (Habang kinakapa ang bulsa ng saya) Aba e...wala yata akong barya e...(Babaling sa pulubi)
Pulubi: Aba iyan lang ho ang maipagmalaki ko...Maski ako ganito e... Hindi ako basta-basta pulubi!
Tony: (Payamot na matitigil sa pagbabasa) E, ano bang klaseng bigas pa ang gusto ninyo?
lang!
Terya: (Pataka) Elo-elon?...Aba, naku! E, Naric 1 lang ho ang bigas namin, e...!
Terya: Bakit ho naman?...Masarap naman ang bigas Naric...medyo nga lang malagkit...
Tony: (Payamot) Siya...siya...Kung ayaw ng bigas e... Bigyan na lang ninyo ng pera..nang matapos na ang
salitaan!
Terya: O siya hala...Pero... wala akong barya e....(Babalingan si Junior) Meron ka ba riyan Junior?
Junior: (Dudukot sa dalawang bulsa) Sino, ako?... Ay, walang laman ang bulsa ko kundi...butas! (Lalapit
kay Tony na nakaupo sa silya) Ikaw, kuya?...Abonohan
mo muna..
Tony: Ha? (Kakapain ang bulsa) Wala rin e... Teka..(Titindig sa pagkaupo at lalapitan si Mr. Cruz) Meron ba
kayo riyan, Mr. Cruz?
Tinatalakay sa dulang ito ang pagsasakatuparan ng isang mapanganib at madugong misyon ng HMB na
ibagsak ang pamahalaan noong panahon ni Presidente Magsaysay. Gabi bago dumating ang Araw ng
Kalayan, Hulyo, 4, 1954 ay nagtungo sa Luneta ang apat na tauhan ng HMB na sina Pablo, Loida, Kintin at
Islaw. Lingid sa kaalaman nina Islaw at Kintin- (puno ng misyon Kumander Lenin), ang unang dalawa ay
nagkakaibigan na at nagbabalak nang lumagay sa tahimik. Lingid din kina Islaw at Kintin ay kinausap na
nang lihim nina Pablo at Loida ang isang senador tungkol sa kanilang pagsuko.
Huling dumating sina Islaw at Kintin sa kanilang tagpuan sa Luneta at hindi nila inabutan sina Loida at
Pablo na hinuli ng puli ang bintang na sila ay nagneneking. Pagkatapos nilang bigyan ng halagang
pantabako ang pulis ay hindi sila dinala sa presinto. Nang magbalik sila sa tagpuan ay inabutan na nila
sina Islaw at Kintin.
Ipaliliwanag sana nina Kintin ang kanilang planong pagtatanim ng mga dinamita sa ilalim ng grandstand
nang may ipinagtapat sina Pablo at Loida na nais nilang lumagay sa tahimik. Sinabi ni Kintin na
pagkatapos na ng kanilang gagawin sapagkat ito ay kikitil ng maraming buhay. hinimok niya ang dalawa
na sumuko na lamang sila. Naging marahas sina Kintin at Islaw at sinaktan pa sina Pablo at Loida.
Sa ganitong pagkakataon ay hindi nakatiis si Pablo at bumunot ng kaniyang baril gayundin si Loida. Hindi
nakakilos ang dalawa. Sinabi nina Pablo at Loida na ginawa nila iyon hindi upang makuha ang malaking
halagang nakapatong sa kanilang ulo kundi dahil nakilala na nila ang kanilang pagkakamali. Sa ganitong
pagkakataon ay dumating ang isang pangkat ng sundalo na pinamumunuan ni Koronel Santos.
Ganoon na lamang ang tuwa ng Koronel sapagkat sa wakas bumagsak din sa kanilang kamay ang matagal
na nilang pinaghahanap na si Komander Lenin o Kintin. Laking pasasalamat ni Koronel Santos sapagakat
kung nagkataon ay maraming buhay ang masasawi unang-una na ang presidente ng Pilipinas sa
magsasalita kinabukasan sa grandstand.
Nagsimula ang dula sa pagkikita sa lansangan ng magkaibang Sol at Don. Ibinalita ni Sol na siya ay
dadaalw sa tahanan ni Patsing na anak nina Torcuato Bagatsing at Paz Bagatsing. Nalaman ni Don na si
Patsing ay pitong taon nang niligawan si Sol at hindi pa sila nagkakaunawaan nito. Nagtaka pa si Sol kung
bakit sa pitong taong pagdalaw ni Sol sa tahanan ninan Patsing ay wala pang nangyari. Sinabi ni Sol na
wala pa raw siyang ipinagtapat na pag-ibig kay Patsing. Sinabi ni Don na tama si Sol sapagkat napakabigat
na responsibilidad ang may asawa sa panahong iyon.
Maramig siyang binaggit na halimbawa ng mga kaibigan niyang nagsipag- asawa na naging kaawa-awa
ang naging kalagayan sa buhay. sinabi rin niya na ang pag-aasawa ay parang nasa bilangguan habang
buhay. binalaan siya ni Sol na huwag na huwag makikikain sa tahanan ng nililigawan sapagkat marami
nang pangyayaring ang lalaki ay napikot dahilan sa gayumang inilalagay sa pagkain. Bago naghiwalay, ang
dalawa ay ipinagbilin ni Don kay Sol na huwag kalilimutan ang mga babala niya rito.
Nang dumating si Sol sa tahanan ng mag-anal na Bagatsing ay oras na ng pananghalian. Nagtaka ang
mag-anak lalo na si Patsing nang tumangging kumain si Sol. Dati naman ay laging doon siya kumakain
tuwing Sabado sa loob ng pitong taon. Kahit pampalamig ay tumanggi siyang uminom at nagdahilang
wala siyang gana sapagkat kumain na siya.
Sa kanilang pag-uusap ay nagparinig si Patsing kay Sol na pitong taon na ay wala pang nangyayari.
Nagtsitsismis na raw sila ay wala pa ring linaw ang relasyon. Tuwing babanggitin ni Patsing ang bagay na
ito ay umiiwas sa paksa si Sol ay nagpaalam kaagad ang binata. Hindi na nakatiis si Patsing at sinabi kay
Sol na huwag na siyang babalik kailanman. Sinabi ni Sol na marami namang "call girls" kaya lalong nagalit
ang dalaga.
Nang pumasok sa sala ang mag-asawang Torcuato at Paz ay inabutang umiiyak si Patsing. Sinabi ng
dalaga na mahal niya si Sol. Tinanggihan daw niya ang lahat na manliligaw dahilan kay Sol. Inalo naman
ng ama ang anak at sinabing si Sol ay muling babalik.
Walang ano-ano'y dumating si Don na kaibigan ni Sol. Nang tanungin ni Patsing kung ano ang dahilan at
nadalaw siya ay sinabi ni Don na ang katulad niya ay isang ibong nangungulila at naghahanap ng
kalaguyo. Sinabi niyang siya'y may babaeng sinasamba sa loob ng pitong taon. Hindi raw niya alam kung
may nagmamay-ari na sa babaeng ito. Sinabi niya na ang naturang babae ay si Patsing. Handa raw niyang
pakasalan ang dalaga at ipinangako niyang handa siyang magtiis upang maging isang mabuting asawa.
Nabigla si Patsing.
Naging marahas si Don. Hinawakan at hinalikan si Patsing kaya ang dalaga ay nagsisigaw. Sa ganitong
pangyayari ay biglang dumating si Sol. Nalaman niya kung bakit ganoon na lamang ang pananakot at
paalala ni Don tungkol sa panliligaw niya kay Patsing. Magsusuntukan na sana ang dalawa nang pumasok
ang mga magulang at kapatid ni Patsing. Pinaalis nila si Don at sa pagtatanggol ni Sol sa dalaga ay
nangangahulugang ang hinihintay nila sa pitong taon ay matutuloy na rin.