You are on page 1of 3

I.

Introduksyon
A. Ayon kina Anderson at Taylor (2007), ang kultura ay isang komplikadong sistema
ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng
panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
B. Bakit hindi na sistematikong nailalapat sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga
Pilipino ang mga nakagawiang kultura?
C. Kapuna-punansin na ang social media o teknolohiya at ang mas paggamit ng mga
wikang Ingles sa henerasyong ito ay ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa
ating kultura.
D. Layunin ng patnubay na ito na bigyang pansin at katuturan ang mga sangay ng
pagpapahalaga at suliraning panlipunan, pamahalaan, at mamamayan sa
katutubong kultura.

II. Katawan
A. Ang isang kultura ay hindi mabibigyan ng anyo sa diwa at saloobin kung wala
ang wika. Ang wika at kultura ay magkaugnay. Subalit, paano na nga ba kung
maging ang ating sariling wikang sumasagisag din sa ating kultura ay matabunan
na ng wikang Ingles?
1. Ang wikang Ingles ang ginagamit natin na instrumento upang umusbong
ang ating bansa. Kaya naman, ang Ingles ang napalawak natin habang ang
wikang Filipino naman ay mistulang hindi na nagagamit at nabibigyang ng
tamang pansin.
2. Kabaha-bahala ang suliranin na ito, sapagkat, sa tala ng Komisyon ng
Wikang Filipino (KWF), ay may tatlumpu't siyam (39) sa mahigit isang
daan at tatlumpung wikang katutubo sa Pilipinas ang maituturing na
"endangered" o nanganganib maglaho.
B. Ang isa sa mga salik ng pagkakaisa ng wika at kultura upang maging
dahilan na pagkalugmok ng mga ito sa ating lipunan ay ang:
1. Ang wika ay nakakaapekto sa kultura, sapagkat matutukoy o makikilala
natin ang isang tao sa kung ano ang wika ang kanyang ginagamit,
gayundin ang kaalaman natin kung ano ang kultura o etnikong kanyang
pinagmulan. Sumasalamin sa kultura ng isang tao ang kanyang ginagamit
na wika, may mga salita ring pag-aari lamang ng isang bansa.
2. Sa Pilipinas lamang may salitang “po”, “opo”, at “oho” na naglalarawan
ng pagiging magalang.
3. Ang ating wika ay dinamiko, ito ay nabubuhay at nag-iiba ng kahulugan
sa paglipas ng panahon at ang malaking nakakaapekto rito ay ang ating
lipunang ginagalawan.
III. Katawan
A. Dahil sa mga makabagong teknolohiya imbes magmano muna pagdating ng bahay
ay mas inuuna pa nila nag pagpansin sa kanilang mga gadgets. Nakakalimutan na
rin ang paggalang sa mga nakakatanda, sa halip na gamitin ang mga salitang
nagpapakita ng paggalang sa mga nakakatanda gaya ng po at opo ay sinisigawan
na lamang ng mga kabataan ang mga nakakatanda sa tuwing sila ay tinatawag
dahil abala nga sa paglalaro ng online games at pagkalunod sa mundo ng social
media.
B. Kung hindi ito masosolusyonan kaagad maaaring magbunga ito sa mga kabataan
ng tuluyang pagkalimot ng ating katutubong kultura at mapuno ang kanilang
kaisipan ng mga online games at mga online platforms ‘tulad ng Facebook,
Instagram, Twitter, Tiktok, at marami pang iba.

IV. Katawan
A. Subalit, sa kabila nang mga ito, mayroon namang mga posibleng
solusyon upang matugunan ang mga nabanggit sa suliranin.
1. Sapat na kaalaman, kamalayan, at pagmamahal upang matugunan ang
layuning maipamalas hanggang sa huli ang ating mga katutubong kultura.
2. Patuloy na paglapat, paggamit, paghahatid ng mga kultural na gawain sa
pamilya o malalapit na tao.
3. Pagsasalita ng sariling wika at sariling kinalakihang wika o lenggwahe.

V. Konklusyon
A. Mooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan
ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
B. Ang sapat na kaalaman sa kasaysayan ng katutubong kultura ay sumasagisag
bilang isang tunay na Pilipino.
Mga Sangguniang Pinagkunan ng Impormasyon:
http://filphotoblog.blogspot.com/p/suliranin-ng-wikang-filipino_26.html
https://iamthevaliantone.wordpress.com/2016/09/22/pagusbong-ng-teknolohiya-pagk
amatay-ng-wika-at-kultura/
https://news.abs-cbn.com/spotlight/07/30/19/paglaho-ng-mga-katutubong-wika-sa-pili
pinas-layon
https://quizlet.com/414941031/ap-1011-kultura-flash-cards/g-pigilan
https://www.coursehero.com/file/54989571/Ang-ugnayan-ng-wika-at-kultura-ay-ang-mga-sumus
unoddocx/
https://www.coursehero.com/file/93506893/WEREBACKBOISpptx/

Julianita Exciya Omadto


8-Thomas
Christian Ecclesiastical School
Gng. Michelle Vicente-Flores
Setyembre 24, 2021

You might also like