You are on page 1of 10

PROFILE / DISKRIPSYON SA SARILI

PANGALAN: RONEL P. JAKOSALEM


KAPANGANAKAN: IKA 28 NG PEBRERO,1995
EDAD: 15
KASARIAN: LALAKI
TIRAHAN: AVE MARI ST. BURAUEN LEYTE
AMA: FILICITO P. JAKOSALEM
TRABAHO: Wala
INA: TARSILA P. JAKOSALEM
TRABAHO: HOUSEWIFE
PAARALAN: BURAUEN COMPREHENSIVE
NATIONAL HIGH SCHOOL
MGA PABORITONG
KULAY: PULA AT ITIM
PAGKAIN: LAHAT NG PAGKAIN
LIBANGAN: MAGLARO
GUSTONG
KATANGIAN: MATULUNGIN

Awit ni Amai Sondak, Landas ni


Minayun, at ang mga Pamahiin ng
Ating Panahon: Tungo sa Filipinong
Estetika sa Panitikang Pambata
ni Eugene Y. Evasco
Sa isang lugar ng Pagadian, ayon sa mga kuwento, naririnig pa ang
awit ni Amai Sondak, isang onor ng epikong Darangen. Naluklok sa
pagiging alamat ang nasabing mang-aawit. Sa rikit ng kaniyang sining,
nabighani niya ang mga tonong. Dinakip siya ng mga ito para sa langit
siya makaawit. Inilalarawan ng alamat na ito ang sagradong akto ng
paglikha na magsisilbing pangkalahatang talinghaga ng panukala sa
Filipinong estetika at sensibilidad ng panitikang pambata.Sa pagsusulat
ng mga akdang pambata, nalublob ang karamihan sa Filipinong
manunulat sa estetika at katangianbuhat sa Kanluran. Maipapaliwanag
ito sa pagiging anyong banyaga, bukod pa sa naging aparato ng
mananakop, ng panitikang pambata sa bansa. Sa pagsubaybay sa
produksiyon sa ibang bansa, nagkakaroon ng tendensiyang ikompara
ito sa pambansang produksiyon. Tuwina’y nakapanlulumo ang ani ng
mga aklat sa bansa. Hinahanap ko ang sigasig ng manunulat at
tagapaglathala sa US at UK sa sariling pambansang produksiyon;
inaantabayanan ko kung nakasusunod sa pag-unlad ang pagsusulat sa
Pilipinas. Tinutugaygayan ko ang mga katumbas ng partikular na autor
sa aking mga kapwa manunulat. Ang kapangahasan sa mga tema ng
nobelang pangkabataan ay malayong-malayo kung ikukumpara ko sa
ating produksiyon. Sa kanila’y may mga nobelang nasa anyo ng tula
(blank verse) at dahil sa masusing dokumentasyon ng kanilang
panitikang-bayan, may baul silang mapagdudukalan ng mga bagong
akdang pantasya. Sa ulat din ni Nicolas Tucker (“Children’s Literature
the next 20 years”), natukoy niya ang mga pag-unlad ng kanilang
panitikang pambata: (1) pag-usbong ng fan fiction (o ang pagdurugtong
ng mga mambabasa sa nobela ng isang autor; paglikha ng mambabasa
ng baryasyon sa isang nobela); (2) ang phenomenon ng cross-over na
katha; at (3) tuluyang pagwasak sa mga taboo sa panitikang pambata.
Sa kanila’y may konsepto ng “panitikang pambatang pangmatanda”
pero dito’y pinalalawak pa ang mga depinisyon at anyo ng panitikang
pambata. Sa Kanluran, marka ng kahusayan ang pag-igpaw sa
depinisyon at parametro ng panitikan para sa kabataan. Samantalang
dito’y namimihasa pa ang karamihan sa mga pormula at sa
konsiderasyong komersiyal.Nito lamang mga nakaraang buwan, saka
ko napaglimi na ang wala sa konteksto ang paghahambing sa
produksiyon ng dalawang kultura. Paano makaiigpaw ang panulat sa
bansa, gayong usapin para rin ang pagsasalehitimo ng anyong ito?
Paano mabibigyan ng pakpak ang sariling panitikang pambata, gayong
hindi pa ito nauugat sa tradisyong pampanitikan? Tulad sa akda ni J.M.
Barrie na nanamamatay ang isang fairy kapag mayroong hindi
naniniwala rito, ang mga diwata at tauhang mitolohikal sa bansa ay
nasa bingit na ng kamatayan dulot naman ng pagkakalimot.Sa
pagbabasa ng etnoepiko ng bansa, matutukoy ang paraan na
pagkukuwento na maaaring magamit: ang pag-uulit at ng eksaherasyon,
ang paghahanay ng mga salitang magkakahawig ng kahulugan, ang
pagbibigay ng pangngalang pantangi sa mga kagamitan, ang
pagkakaloob ng mahiwagang sasakyan at sandata ng tauhan, ang
pagbabanyuhay sa mga limot na diwata at bayani sa mga etnoepiko.
Maaaring sagot ang mga nabanggit sa namamayaning estetika ngayon
na minimal ang salita, halos walang prosa, at walang deskripsiyon sa
teksto. Pinaniniwalaan na payak lamang ang maiintindihan ng mga bata
dahil maikli ang kanilang attention span. Sa ganitong estetika ng
kaiklian, nababansot ang naturang anyo. Halimbawa nito ay ang
pagsasalin ng epiko at kuwentong bayan sa anyo ng picture book.
Dakila naman ang layon sa pagpapamalas ng kariktan ng folklore
ngunit suliranin itong maihahalintulad sa pagsasalin ng lawa ng Laguna
sa isang puswelo. Maraming detalye at sinaunang teknik ang
nawawaglit, dahil pilit isinusunod ang katha sa pamantayang
Kanluranin. Hamon sa mga manunulat pambata sa bansa na gawing
kaiga-igaya ang panitikang-bayan at ipamalas ang yamang taglay nito;
hindi bilang maputla, tila buod, nawalan ng sustansiya, at dumaan sa
liposuction na prosa. Kagyat na matutukoy ang sagwil sa pag-usbong
ng mahaba-habang akda: ang limitasyon ng palimbagan, ang limitasyon
ng anyo ng picture book, at ang itinakdang tuntunin ng mga paligsahan
na lima o kaya’y sampung pahina lamang ang kuwento.

BARBERO
Umaga nanaman, parang kanina lang ay hawak ko pa sa aking mga
kamay ang lahat…
Parang kanina lang, na ako’y masaya na umaawit sa harap ng electric
fan, at taas noong ngumingiti sa harap ng camera…
Parang kanina lang, ay natutunan kong ngumiti at humalakhak sa mga
simpleng bagay tulad ng paglaglag ng hotdog sa tinidor…
Parang kanina lang, at natutunan kong maging independent sa larangan
ng paghuhugas ng pwet…
Parang kanina lang, ay umiyak ako ng malakas dahil di ako nabile ng
lobong aking inasam asam…
Parang kanina lang, na parang kailan lang… sumagi sa isip ko… na ang
pagiging bata ay parang kanina lang…
Ito ang mga bagay na nasa loob ng isip ng ating bida, habang hawak
nya ang mahiwang dambel na ibinigay sa kanya ng isang jajaporms
japorms na matanda na na meet nya sa hagdanan ng LRT habang
pumapapak ng fudgee bars (dalawa e)…
“Sayo ko ipapamana ang dambel na to, ikaw na lang ang natitirang pag
asa, halina’t tanggapin mo to at mapapasayo ang kapangyarihan na
magpapaganda sa takbo ng buhay ng ating bayan”…
Di ito sineryoso ng ating bida, pero tinanggap niya ang dambel, sumagi
kasi sa isip nya na pwede pala nyang mabenta ang libreng dambel sa
murang halaga…
kahit bente lang…
Pero pag uwi nya sa bahay agad syang inantok at dumiretso na sa
kama…
Napanaginipan nya ang matanda at, sa panaginip nya ito’y me
sinasabi…
“Limang dambel sa kanan at limang dambel sa kaliwa”…
“Nasayo ang kinabukasan ng ating bayan…
Pag gising nya, inisip nya ang napanaginipan, siyay tumawa ng
malakas at kinuwa nya ang dambel…
“HAHAHA, wala namang masama kung susubukan e, limang bayo sa
kanan limang bayo sa kaliwa… malay mo maging si captain dambel
ako? HARHARHAR!!
Ginawa nya ang mga narinig nya ayon sa kanyang panaginip, pero
walang nangyari… Pagkalipas ng limang minutong pagbabayo ng
dambel, tinigilan niya na ito… Lumipas ang taon, pero wala talaga,
baka napag tripan lang siya, baka na WOW mali.. Pero kung bakit niya
napanaginipan yung matanda ay yun na ang di ko na alam… Siguro
nga sa loob loob nya naniwala sya,.. umaasa… kahit alam nyang
imposible naman ang mga bagay na ganun sa panahon ngayon, at kung
meron man, Sino nga ba naman siya? para pagkaluuban non… Pero sa
pag lipas ng panahon hanggang sa pag tanda niya tinago niya ang
dambel, di niya ito binenta sa halagang bente pesos, at ginamit niya
nalang ito upang pa seksihin ang maskels niya sa arms… Ewan ko
kung ano pa ang kasunod ng kwentong to… wala na akong maisip e,
ano na nga ba ang nangyari sa matanda? natigok ba siya pag bigay ng
dambel? sino siya? empleyado lang ba siya ng home tv shopping na
umiistyle para maka benta pagkatapos mag bigay ng free? baliw lang
ba siya? tungkol naman sa ating bida… ewan ko… Wala sigurong
epekto sa buhay niya yung mga nangyaring yon… Pero di naman
siguro magiging seksi ang maskels niya sa arms kung di dahil sa
matanda e… Haaayyyy… ang gulo ng kwento ko! ewan ko nga kung
Napaliwanag ko na masaya ako sa kwentong to… HAHAHA! lang
kwenta… pero kanya kanyang trip yan!… Pagkalipas ng ilan pang
taon… Nang matanda na ang ating bida… habang siya ay nakaupo sa
LRT linabas niya ang dambel mula sa kanyang back pack na sira… at
inabot sa isang poging totoy at binanggit ang katagang…

“Sayo ko ipapamana ang dambel na to, ikaw na lang ang natitirang pag
asa, halina’t tanggapin mo to at mapapasayo ang kapangyarihan na
magpapaganda sa takbo ng buhay ng ating bayan”…

Teka lang? mga poging maganda ba ang maskels sa arms ang natitirang
pag asa? hahaha! KWENTONG BARBERO nga!

Naisip ko lang na tumatanda na pala ako… biruin mo pagkatapos kung


kumain nang luto niya at habang nag hahanda ako para pumasok sa
school, may tumitingin sa mga picture ko nung bata ako… Yun yung
dahilan kung bakit ko naisulat tong kwentong barbero na to. Wala
lang… Ang gulo no? Akin na lang yun… Sana sa tuesday makita ako
nang mamang jajaporms japorms…

UP IBALON BICOL
Katatapos pa lamang ng mahal na araw. Ang alingas-ngas ng tag-init ay
matindi maski ngayon. Ito ang panahon na ako'y nakapagugunita ng
tayo ay nasa UP pa.
Marami sa amin noon ang gustong umalis sa campus. Gusto naming
maka-uwi sa probinsya para makapagbakasyon. Ibig naming makalimot
sa hirap ng pagiging estudyante sa UP. Ngunit wala kaming pera para
makabili ng pamasaje sa Pantranco patungong Bikol!
Yung mga marunong, madaling umalis. Umuwi na sila sa kanilang mga
probinsiya. Mabilis silang lumisan para makapiling ang kanilang
pamilya. Siguradong ganado ang mga 'yun---lalo na't puro uno ang
kanilang mga marka. Yung iba naman, medio tagilid sa ekwela,
malungkot, minabuti na lamang ang maghintay sa Diliman para alamin
kung ano ang gradong nataggap sa mga terror na maestra.
Mainit ang panahon na yun! Kaka-kain pa lamang namin nina Julius
Lecciones, Ray Rayel at Butch Robredo sa Hong Ning sa Cubao.
Kaming mga Ibalon na taga-Molave ay walang magawa. Ang
maghapon na panonood ng TV ay nakakasawa na. Sarado ang UP
Swimming Pool; di pwedeng mag-langoy o mag-dive sa plataporma.
Maski ang paanyaya ni Butch na kumain ng sorbetes sa Dilimall ay
nakakawalang gana. Minabuti na lang ni Greg Forcadela na matulog sa
kanyang mahiwang kutson na itim. Ayaw na niyang pankinggan ang
kwento ni Julius na gabi na kung umuwi galing sa kanyang GF, ang
matamis na si Apple.
OO nga naman. Nakaka-inggit ang buhay ng may-GF na si JAL.
Kaming mga walang GF, bokya! Kaya ng si Ray Rayel ay nagpa-alam
na siya'y bibisita sa kanyang Tiya sa Maynila, kami'y ubod na natuwa.
Alam namin, di si Ray babalik ng walang dala. Hindi lang pagkain---
kundi Komiks!
Gaya ng mga taon na nakaraan, si Ray ay humakot ng komiks---
kolecksiyon ng kanyang mamahalin na Tiya! Hindi lang isa o dalawa!
Isang katerba! Malaking kahon ng Darigold. Bigay ng Tiya, para kami
manahimik magbasa!
Alam ng Tiya, bagama't may ambisyon kaming maging doktor, may
ambisyon din kaming magpakalunod sa kwento ng Aliwan o Tagalog
Espesyal!
Pagbukas ng kahon, sigaw agad si Ray na parang kapitan, "Oy! Sa akin
ang Pogi!" Si Mario Genio naman sabay dampot ng lahat na
"Liwayway." Si Julius at ako naglalaban para sa lahat na "Lagim." Si
Floro Balce, ang hilig Wakasan!
O! yun ang mga nakakatuwang mga araw!
Kaya kung meron tanging taong ako'y kailangan magpasalamat, ang
tiya ni Ray ay nangu-nguna sa aking lista. Mantakin ninyo, nakatulong
siya sa mahirap na landas ng pag-aaral! Ang mga bababasahin ay
nagpalakas ng aming pagkakaisa bilang mga magkakaibigan. Ang
komiks ay nagpawi ng aming kalungkutan sa buhay dormitoryo na
wala ang aming mga magulang!
Sa subsob naming pag-aaral, wala kaming oras magbasa ng komiks
maliban kung tag-init. Kung walang magawa. Kung nakakasawa ang
buhay! Ngunit sa pagbasa ng komiks, kami ay nata-uhan kung ano man
ang buhay ng mga Pinoy na nakataglay sa kwentong parating patuloy
na suspense "Sa susunod na kabanata."

LIHAM PAANYAYA
SAN JOSE STREET,

DAGAMI , LEYTE

DISYEMBRE 29, 2009

Sa mga kagalang-galang kong mga kamag-aral,

Matapos ang huli nating masaya pero bitin na kasiyahan na


pagtitipon sa pugad ng pag-ibig nina Carol at Clarion, ako ay
nagmumuni-muni sa kadahilanan at alalaumbaga ako ay
nangangarap na maulit muli ang munti nating pagsasaya. At sa
pagpaparamdam na rin ni Ellen na muling maganap ang nasabing
pagtitipon, ako ay nagdesisyon na rin, na kung kayo ay may
panahon sa darating na biyernes ika sampu ng buwan na ito,
ikatutuwa ko na makita kayo at makapiling sa aming munting
tahanan dito sa San Jose.

Sa pagkain ay walang problema, sapagkat magpapatay ako


ng isa sa aking mga kapitbahay ng sa ganun ay mabawasan rin ang
tsismosa o kaya ay magpapa-upo ako ng manok, pero patatayuin
ko rin pag-alis nyo. Sa mga mahilig naman sa gulay, marami pang
dayaming dapat gapasin sa likod bahay namin kung kaya hindi rin
bitin. At sa mahilig sa pagkaing dagat, pupunta ako sa Pacific.... sa
Pacific SuperMarket kung saan ang mga isda ay sariwa sapagkat
nung mahuli sila at ibalibag sa loob ng lalagyang puro yelo ay
nangingisay pa sila.

Inaasahan ko ang inyong pagdalo.Maraming salamat at ang sabi


nga ni Ate Luds: 'saranghamida' po.

Ang inyong lingkod na kamag-aral,

Tony

TAMBAY
Farewell, galileo! fare you well, old friend. ngayong linggo na
magpapakamatay ang space craft galileo. mawawalan na kasi ito
ng kili-kili power at hindi na makokontrol ng NASA ang pagtakbo
ni galileo pag nangyari ito. eh ano ngayon?yung europa kasi (one
of the sixty-one jovian moons), has an ocean underneath it’s icy
cover. alam nating lahat that life started in the oceans of the OUR
world. kung kaya, mayrong malaking posibilidad that there is life
in the oceans of europa. to avoid any possible contamination from
earth’s microbes, should galileo accidentally crash into europa, the
scientists at NASA decided to purposely plunge the spacecraft into
the atmoshpere of jupiter. and so, this sunday, galileo will commit
(a sort of) cosmic suicide for the benefit of the possible (or
FUTURE) life forms in europa.sounds like the arthur clarke “space
odyssey” science fiction novel but it’s true.sa pagkamatay ni
galileo, i look forward to the Cassini-Huygens saturn mission next
year. ito ay eagerly anticipated dahil the cassini spacecraft (besides
exploring saturn) will drop the huygens probe into saturn’s largest
moon, titan. this moon has an atmosphere and is another possible
candidate for finding life outside of the earth.watch the real player
video of galileo’s legacy . it’s a touching tribute to the whole
mission. so long galileo! if your namesake were alive today, he
would have been proud.

You might also like