You are on page 1of 14

Mga Anyo

ng
Panitikan
Mga Ibong Mandaragit Buod
Nobela ni Amado V. Hernandez

Sa kalagitnaan ng 1944, kung saan humihina na ang hukbo


ng mga Hapones sa digmaan, napagpasiyahan nilang
atakihin ang Sampitan at tinangkang agawin din ang Infanta
mula sa mga gerilyang Pilipino. Nagkaroon ng digmaan at
halos mapulbos ang mga Pilipino gerilya.

May ilan-ilan namang nakaligtas mula sa madugong


digmaan at salakayan. Isa sa mga ito ay si Mando. Nilakbay
niya ang kagubatan upang makaligtas nang tuluyan sa mga
sundalong Hapon. Sa gubat ay nakita niya rin ang dalawa
pang gerilyang nakaligtas, sina Martin at Karyo.

Ang tatlo ay nagpasiyang magtungo sa bahay ni Tata


Matyas na isang gerilya rin noong kaniyang kabataan. Pinatuloy sila nito sa kaniyang tahanan. Habang
naghahapunan sina Martin at Karyo, nag-uusap naman sina Tata Matyas at Mando tungkol sa nobela ni
Jose Rizal na El Filibusterismo at Noli Me Tangere.

Ayon kay Tata Matyas, totoo ang mga kayamanang iniwan ni Rizal. Dahil dito ay nakumbinsi rin ang
tatlo na totoo nga ito. Hinanap nilang tatlo kung nasaan ang iniwang kayaman ni Simoun na mula sa
mga nobela ni Rizal.

gintong aral ng Mga Ibong Mandaragit (Buod) wakasNakita nila ang kayamanan sa karagatan ng
Atimonan. Gayunman, nasawi naman si Karyo dahil sa pating na sumalakay sa kanila. Si Martin naman
ay pinaslang ni Mando dahil sa kasakiman nito at nais masolo ang kayamanan.
SI LANGGAM AT SI TIPAKLONG
(PABULA)

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam. Nagluto
siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na
siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng
pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita
niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang
bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

“Magandang umaga, kaibigang Langgam”,


bati ni Tipaklong. “Kaybigat ng iyong dala.
Bakit ba wala ka nang ginawa kundi
maghanap at mag-ipon ng pagkain?”
“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni Langgam. “Tumulad ka sa
akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya.
Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”

“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang maganda
ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may makain pagsumama
ang panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay
umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang
pagbuhos ng malakas na ulan.
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan ang kaibigang
si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang
makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.

“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. “Tuloy ka. Halika at maupo.”
Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng pagkain.
Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa iyo. Kailangan nga pa
lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom.”

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama na
siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang mag-impok.

Aral:
 Ugaliing mag-impok upang kapag may pangangailangang dumating ay may madudukot.

 Hindi masama ang magsaya paminsan-minsan. Ngunit palaging pakatandaan na hindi sa lahat ng
pagkakataon ay kailangan mo itong gawin. Magbanat ka ng buto at paghandaan ang hinaharap.

 Maging masipag. Huwag tatamad-tamad. Mas mabuti sa tao ang nagtatatrabaho kaysa tumambay
at maging pasanin sa iba.
Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga
Mula sa Mateo 25:1-13
(PARABULA)

“Ang kaharian ng langit ay maitutulad


dito. May sampung dalagang lumabas
upang sumalubong sa lalaking ikakasal.
Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang
lima sa kanila’y hangal at ang lima
nama’y matatalino.
Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang
mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng
langis. Ang matatalino nama’y nagbaon
ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan. Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya’t
inantok at nakatulog sila sa paghihintay. “Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw, ‘Narito na ang
lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!’
Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa
matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’
“‘Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili ng para
sa inyo,’ tugon naman ng matatalino. Kaya’t lumakad ang limang dalagang iyon upang bumili ng langis.
Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa
kasalan, at isinara ang pinto.
“Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. ‘Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!’
pakiusap nila. “Ngunit tumugon siya, ‘Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.'”
Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya’t magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang
oras man.”
Aral:
Palaging maging handa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesus.
ALAMAT NG ROSAS
(ALAMAT)
Noong unang panahon sa isang
malayong nayon, ay may isang dalaga
na nagngangalang Rosa na kilala dahil
sa natatangi nitong ganda at dahil na rin
sa kanyang mapupulang mga pisngi,
kung kaya’t pinagkakaguluhan si Rosa
ng mga kalalakihan.

Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga manililigaw na si
Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung
saan ay masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio
lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni
Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa
pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na
unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon rin siya labis na
nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang
marinig niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si
Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig. Hindi tumigil sa pag-
iyak si Rosa habang siya ay pabalik sa kanilang bahay. Nag-aalala naman siyang tinanong nang kanyang
mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga. Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa
mga sumunod na araw. Isang araw ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang
tagpuan nina Rosa at Antonio. Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay
nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot
sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa magandang
bulaklak na hindi nasasaktan.
IBONG ADARNA
(KORIDO)
Nagkaroon ng malalang sakit ang hari ng Berbanya na si
Don Fernando dahil sa isang masamang panaginip. Nakita
niya sa kaniyang panaginip na pinaslang ng dalawang
buhong ang bunso niyang anak na si Don Pedro at
pagkatapos ay inihulog ito sa balon. Ayon sa isang
medikong paham, tanging ang awit lamang ng Ibong Adarna
ang makakapagpagaling ng karamdaman ng hari.

Inutusan ng hari ang panganay na anak na si Don Pedro na


magtungo sa bundok Tabor at hanapin ang puno ng Piedras
Platas dahil dito dumadapo ang Ibong Adarna. Nabigo itong mahuli ang Ibong Adarna dahil naging bato ito nang
mapatakan ng dumi ng ibon. Sunod na inutusan ng hari si Don Diego ngunit nabigo rin ito. Natulad lamang siya
sa sinapit ng panganay na kapatid.

Huling inutusan ni Haring Fernando ang paborito niyang anak na si Don Juan. Sa kaniyang paglalakbay ay
tinulungan siya ng isang matandang ermitanyo kaya nailigtas niya ang kaniyang mga kapatid na naging bato.
Nang pabalik na sa Berbanya ay pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan. Binugbog nila ito at
iniwang nakahandusay sa daan habang sila ay umuwi sa kaharian dala ang ibong Adarna. Muling tinulungan ng
ermitanyo si Don Juan kaya ito nakabalik sa Berbanya. Nagalit si Don Fernando nang malaman ang pagtataksil
nina Don Pedro at Don Diego. Napatawad naman ito ng hari dahil inihingi ito ng tawad ni Don Juan. Dahil sa
anking ganda ay nawili ang hari sa ibon. Sa takot na mawala ang ibon ay inutusan niya ang tatlong anak na
magbantay. Nakatulog si Don Juan habang nagbabantay sa ibon at pinakawalan ng dalawang magkapatid ang
Ibong Adarna.

Dahil sa takot na baka maparusahan ng ama ay tumakas ito at naglakbay hanggang sa makarating sa Armenya
upang doon manirahan. Doon ay sinundan naman siya ng kaniyang mga kapatid. May natuklasan sila doon na
mahiwagang balon. Lahat sila ay nagtangkang bumaba ngunit si Don Juan lang ang nakapagpatuloy hanggang sa
pinakailalaim na bahagi. Nang maabot ang kailalimang bahagi ay natuklasan niya ang isang lugar na malaparaiso
sa ganda. Nakilala niya doon sina Donya Juana at Prinsesa Leonora. Natalo niya ang mga tagapag-bantay ng mga
prinsesa katulad ng higante at serpyente na may pitong ulo. Inilabas niya ang mga ito sa balon ngunit biglang
naalala ni Prinsesa Leonora ang naiwang singsing. Muling bumalik si Don Juan sa balon upang kuhanin ang
singsing. Nang makarating sa baba ng balon ay pinutol ni Don Pedro ang lubid.
Inutusan ni Prinsesa Leonora ang kaniyang alagang lobo upang iligtas si Don Juan. Nang makaligtas at gumaling
ang kanyang mga sugat ay muling nagkita si Don Juan at ang Ibong Adarna. Inutusan ng ibon na pumunta ang
prinsipe sa Reyno delos Cristales. Ginabayan siya ng mga ermitanyo at inihatid siya ng isang olikornyo papunta
sa reyno. Inabot siya ng isang buwan sa paglalakbay bago tuluyang makarating sa banyo na paliguan ni Maria
Blanca, isa sa mga prinsesa ng Reyno delos Cristales na anak ng tusong hari na si Salermo.

Doon ay humarap siya sa iba’t-ibang pagsubok ni Haring Salermo upang payagan na mapasakanya ang anak na si
Maria Blanca. Sa huling pagkakataon ay naisahan ng hari si Don Juan. Nalaman ni Maria Blanca ang plano ng
ama kaya tumakas siya kasama si Don Juan. Dahil sa galit ay isinumpa ni Haring Salermo na makakalimot si Don
Juan at pagtataksilan si Maria Blanca.

Nang makabalik sa kaharian ng Berbanya ay nakalimot nga si Don Juan at inibig si Prinsesa Leonora. Hindi ito
matanggap ni Maria Blanca kung kaya’t nagpanggap siya bilang emperatris na panauhin sa kasal nina Don Juan at
Prinsesa Leonora. Gumawa ito ng paraan upang ipaalala sa prinsipe ang mga pagsubok na napagdaan at ang pag-
iibigan nilang dalawa ngunit nanatiling tapat si Don Juan kay Prinsesa Leonora.

Paglaon ay muling bumalik ang alaala ni Don Juan at humingi ng tawad. Nangako ito na hindi na muli
magtataksil.

Ipinamana kay Don Diego at Prinsesa Leonora ang kaharian ng Berbanya samantalang si Don Juan at Maria
Blanca naman ang namuno sa Reyno delos Cristales.
ARAW, BUWAN AT KULIGLIG
(MAIKLING KWENTO)

Noong unang mga panahon, laganap pa sa


kapaligiran ang mga punong siyang
maaaring panirahan ng mga kuliglig.
Kakaunti pa ang tao sa mundo, masagana
ang kabukiran.

Isang araw, ang Buwan at ang Araw ay


naglalakbay sa alapaap. Masaya ang mag-
asawang ito. Gwapo ang Araw at maganda ang Buwan. May anak silang lalaki. Mahal na mahal nila ang
anak nilang ito. Masaya silang namumuhay na mag-anak. Ang kasayahan nilang mag-anak ay ginulo ng
isang alitan. Nagsimula lamang iyon sa isang munting pagtatalo, hanggang sa magpalitan na sila ng
mabibigat na mga salita. Nagalit si Buwan. Inihampas ang walis sa pisngi ni Araw. Umalis si Araw dahil
sa malaking galit sa asawa.

Isang araw, habang pinaliliguan ni Buwan ang kanilang anak biglang dumating si Araw. Isinaboy niya
sa mukha ni Buwan ang dalang mainit na tubig. Napasigaw si Buwan. Nasira ang magandang mukha
nito. Dahil sa kabiglaan ni Buwan sa nangyari sa kanya, nabitiwan niya ang kanyang anak at nahulog ito
sa lupa. Sinasabing ang anak na ito ang naging kuliglig. Umiiyak ito tuwing lumulubog na ang araw sa
kanluran. Nais niyang makita ang kanyang mga magulang na matagal nang nawalay sa kanya. Dahil
naman sa pagkakagalit ng mag-asawa hindi na sila nagsamang muli. Kung araw lamang makikita si
Araw, kung gabi naman makikita si Buwan.

Aral:
Huwag nang palakihin ang maliit na pagtatalo. Ang pagpapakumbaba ay higit na mahalaga upang ang
pagsasama ay lalong maging matibay at maligaya.
Palaging iisipin kung ano ang magiging bunga ng mga desisyong inyong gagawin. Kaawa-awa ang
maaring mangyari sa mga taong maaring maapektuhan ng mga maling desisyong iyong nagawa.
TALAMBUHAY NI ANDRES BONIFACIO
sinilang: Nobyembre 30, 1863 – Namatay: Mayo 10, 1897

Tinagurian siyang Ang Dakilang Dukha, Ama ng Demokrasyang


Pilipino, Tagapagtatag ng Katipunan at Bayani ng Maynila. Si
Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre,
1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina
Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya’s nakatapos s
kanyang pag-aaral sa isang primaryang paaralan sa ilalim ng
pagtuturo ni Guillermo Osmena. Ngunit sa kadahilanang di-
inaasahang pagkamatay ng kanyang mga magulang siya’s huminto
sa pag-aaral upang suportahan ang kanyang sarili at kanyang mga
nakababatang kapatid.

Sa sapat na pinag-aralan at kaalaman sa pagsulat at


pagbasa, sa gulang n labing-apat na taon siya’y naging isang mensahero ng kumpanya ng Fleming and
Company, isang negosyo sa paggawa ng mga rattan at iba pang pambenta. Hindi sa kasapatan ang mga
salaping naipon kaya’t siya’y inilipat sa kompanya ng Freshell and Company ay siya’y nakakuha ng
malaking sahod bilang ahente.

Bagamat ang sariling kakayahan ay hindi pa kasapatan, siya’y nagbasa ng ilang mga aklat ni
Rizal, mga nobela nito, mga talambuhay ng president at iba pa. Sa iba’t ibang opinion na nalathala sa
kanyang isipan, siya’y nagtatag at nagtaguyod ng Katipunan.

Kasama niya sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano na nagtatag din ng
Katipunan, isang organisasyon ng masa na nagpasimula ng Rebolusyon ng Pilipinas o KKK
(Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892,
matapos dakipin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan. Itinatag niya ang Katipunan kasama sina
Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Dahil dito kinilala siya bilang “Ama ng
Rebulusyon.” At tinawag siyang “Supremo” ng ibang mga kasapi ng katipunan. Ang kanyang asawa na
si Gregoria de Jesus ang siyang lakambini ng Katipunan. Hindi lingid sa isipan ni Bonifacio na siya’y
handa na upang pamunuan ang isang organisasyon, Mayo 1896. Siya’y nagpadala ng isang tauhan ni
Rizal upang ipamungkahi na sumapi siya sa isang Rebolusyon ni Bonifacio.

Si Bonifacio ay nagsimulang pamunuan ang samahan ng buong talino’t lakas upang lumaban
bilang siang kampeon. Higit sa isang libong katao ang nakilahok at nagkaroon ng pagpupulong sa Pugad
Lawin, Kalookan noong ika-23 ng Agosto at doon ay sabay sabay nilang pinunit ang kanilang mga
sedula.
Motorcycle rider, patay matapos makabanggaan ang isang pick-up sa Ilocos Norte
(BALITA)

Patay ang isang motorcycle rider matapos makabanggaan ang isang pick-up sa Laoag, Ilocos Norte. Ang
rider, wala raw suot na helmet nang mangyari ang aksidente.

Sa ulat ni Katrina Son sa GMA News “24 Oras Weekend”, sinabi ng mga awtoridad na binabaybay ng
pick-up ang highway ng biglang sumulpot ang motorsiklo galing sa Barangay Road.

“Mabilis kasi ‘yung takbo ng Hilux talaga kasi diretsong daan ‘yun. Tapos biglang pumasok ‘yung naka-
MIO… sinubkan ng Hilux na umiwas pero nagkasagian pa rin sila,” ayon kay Police Staff Sergeant
Mark Briones.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang rider at nabagok ang ulo. Bumangga naman sa isang
poste ang pick-up.
ANG DAMPANG TAHANAN
(TULA)
Ang Dampang Tahanan
Madalas marinig
sa maraming bibig:
"Dumalaw ka naman
sa aming maliit at dampang tahanan."
Malimit na sagot
ay ang sumusunod:
"Di ko tinitingnan
ang bahay na munti kundi namamahay."

Ano ang tahanan?


Yaon ba'y gusaling pinagkagastahan
ng maraming pilak at malaking yaman?
Yaon ba'y kongkreto na ubod ng tibay
na di nagbabago bumagyo't umaraw?

Iyon kaya nama'y


isang bahay-kubong, kugon ang bubungan
at maraming butas sa palarindingan?
Isa kayang dampang tukod ay kawayang
sa kaunting hangin ay gigiray-giray?

Ang isang tahana'y


Hindi sinusukat sa mga paligid
na magandang tingnan at kaakit-akit;
Kahit na palasyong singganda ng langit
ay hindi tahanan pag-walang pag-ibig.

Ang isang tirahan


kahit sira-sira sa laot ng bukid
Pag ang namamaha'y may bukas na dibdib
at nagmamahalan sa lahat ng saglit...
Iyan ang tahanang tangi sa daigdig!
Buod ng Ibalon
(Epiko ng Bicol)

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo. Siya’y
nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya
ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling
kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay
namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang
kaibigang si Handiong. Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang
mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na
kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong
magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang
mga masasamang hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na
pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa
mga tao ng maraming bagay. Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak
ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.

Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang
bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay. Naging lalong maunlad at masagana ang
Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si
Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay
sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili
kay Handiong upang siyang pumatay kay Rabut.
Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog.

Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut, dapat
ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa
pamamagitan ng isang napakalaking baha.

Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat
sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong
buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.

You might also like