You are on page 1of 3

NANGAKATANIKALA

Nakita kita,

Sa madilim na kulungan, ika'y nangakatanikala

Ika'y nag-iisa, nanginginig sa lamig, nangungulila

Kitang kita ang lungkot sa iyong mga mata

Mga mata, na minsa'y puno nang saya

Saan ka nga ba nakatali?

Nakatali ka ba sa mga kasalanan, sa mga sakit ng nakaraan,

sa kung sino ka dati, sa pang-aabuso,

sa kasinungalingang bumabalot sa pananaw mo sa mundo,

sa mga expectasyon sa paligid mo nais nang mawala,

sa katotohanan, o sa iyong mga kinatatakutan?

May iba sa atin, nakatali sa mga ekspektasyon

Mga ekspektasyong gumugulo sa iyong pagbangon

Mga ekspektasyon na gusto mong mawala, pero andyan ngayon!

Kailangang ganito, kailangang ganyan, para lamang sa reputasyon,

Ayaw mo na, Di mo na makontrol ang emosyon

Sawang sawa ka nang sundin ang mga gusto nila,

Nabubuhay ayon sa sinasabi ng iba

Kaya’t ito ang iyong misyon

Mamuhay ka lang, gumawa ka ng sarili mong bersyon.

Mahirap kapag nakagapos ka sa Sistema

Ika’y susunod, yuyuko, kahit mali na

Hinahayaang mong humigpit lalo ang kadena

Nakakapagtaka, ang hustisya, nasaan na?


Nakakabaliw, nakakasakal, nakakasawa

Bakit ka tingin nang tingin sa Salamin?

Maging perpekto, yan ang iyong panalangin

Kinokompara ang sarili sa iba, sa amin

Gusto ng yaman, kagandahan, at kasikatan, lahat gustong Alamin

Sa bawat inggit na nararamdaman mo sa pagtingin sa Instagram

Tanging inggit ang nananaig sa iyong pakiramdam

Sana’y malaman mong ikaw ay perpekto, hindi mo lang alam!

Ang iba naman ay nakagapos sa Takot

Nagbubulagbulagan na lamang hanggang sila'y MaLungkot

Ikinukulong ang sarili, kaya't nahihirapan sa paghanap ng Sagot

Takot na bumabalot sa atin, kumukulong sa atin, naku! Ito ba’y may gamot?!

Ang iba’y nakagapos sa Nakaraan

Hindi makapag-patuloy sa mga ala-ala, pagkakamali,

Hindi ka makapag-paruloy sa kung sino ka dati

Di mo alam, may pagkakataon ka pang magbago, kaya't ikaw na ay ngumiti

Mahirap ding magapos at makulong sa Katotohanan

Alam kong Masakit pero kailangan tanggapin

Sa pagiging kung sino ka, mahahanap mo ang Kalayaan

Kaya’t ang katotohanan, kahit masakit ay dapat Sabihin

Sana sa pagkakataon na ito'y makawala ka sa Abuso


Sobra na sila, tignan mo naman ang sarili mo

Minsan, kailangan mo lang munang tumigil at mag pahinga

Wag mong hayaang maipit sa pagod, galit, at hirap

Malaya, masaya,

Minsa’y ayos lang na maging mahina ka,

Dahil sa pagkakataong iyon, magagabayan ka nila

Ayos lang kahit sabihin mo na hindi ka okay

Ayos lang kung di ka “perfecto”

Ayos lang kung takot ka

Ayos lang kung may hindi ka maka-move on

Kasi lahat naman ng tao ganiyan, tulad ko, tulad mo,, tulad nila

Ang importante ay ikaw ay masaya

Dahil dun ka langa magiging malaya

You might also like