You are on page 1of 4

HILING

Ang pyesang ito

Ay para sa mga taong

Paasa, pinaasa,

At patuloy pa ring

Umaasa sa mga ayuda,

Ayuda ng Gobyerno

Na baka’y makatanggap sila

Ngunit, sa kasamaang palad

Sila pa rin ang mga taong

Hindi pinalad

SAP?

Relief Goods?

Sino ka ba?

Ano ka ba?

At para kanino ka ba?

Karapat-dapat ba sila?

O karapat-dapat ba kami?

Mga salitang hindi nagsasawa,

Nahihilo, o napapagod man lang

Hindi nagsasawang, umiikot,

Tumatakbo, sa magulo kong isipan

Corona Virus maawa ka naman

Tumigil ka na, hindi kapa ba nagsasawa?

Ama ng Italya, pinaiyak mo na

Buong Mundo pinahirapan mo pa

Pandemic na iyong dala

Mahal naming Pangulo magpakatatag ka


ECQ na nagpatigil ng Mundo,

Mundo mo, at mundo ko

Upang kumakalat na kalaban

Masugpo, kahit mahirap man

Gobyerno’y gumagawa ng paraan

Para sa mga ultimong taong nahihirapan

para kahit papano,

kiram ng kanilang tiyan ay maibsan

Ngunit tunay ba silang natutulungan?

O mas lalo lang kumakapal mga buwayang

Walang pakialam,

Walang pakialam sa mga taong

Karapat-dapat na tulungan

Bulok na sistema , kaylan ka iiba?

Pilit na binabago ng Gobyernong

Tapat at sinsero

At pilit naman na hinaharangan ng mga pulpulitikong

Hawang ang kalamnan

Ayudang inaasam,

Nasa kamay ka ba ng nangangailangan?

O nasa kamay ka naman,

ng mga taong nagpapayaman

Sa krisis na ating kinakaharap

Pampupulitika pa rin

Ang lumalaganap

Kontra-Partido, kalaban ka na totoo

Ayuda ng Gobyerno

Hindi mapapasayo
Pulitika sa Pilipinas

Hindi na ba magbabago?

Bumalik tayo sa pinaasa,

Umasa, at Aasa

Pangala’y naisulat ng wasto

Bawat letra, naisaayos ng husto

Ngunit bakit biglang nawala at naglaho?

DSWD, Bakit Binago?

Umasa na sa SAP mapasama,

Malaking pasasalamat na sana

Ngunit pagpasensyahan mo na

Pangalan mo’y masyadong mabigat

Kaya di naisama

Nanlulumong mga mata

Galit na galit, gustong manakit

Dinagsa pati social media

Nagka-demandahan pa nga

Matakpan lang mga anomalya

Kawawang mahihirap

Nakulong ng di kusa

Batas sa Pilipinas,

Minsa’y nakakadismaya

Oh, diyos ko! Diyos ko!

Kami nawa’y tulungan mo

Panalangin sana’y dinggin

Mga kasalanan nami’y patawarin

Paghihirap ng mundo’y iyong alisin

Pagtitiwala sayo’y patatagin


Ito ang aming Hiling.

You might also like