You are on page 1of 1

Solusyon sa Kahirapan, Nasaan?

Orihinal na gawa ni Bb. Ana Lou Bago

Kahirapan sa ating bayan


Di na nga kayang mapigilan,
Lalo pa itong lumalala
Karamihan sa atin naaapektuhan na.

Kaginhawaan, kelan nga ba natin makakamtan?


Kung ang pamahalaan nati’y hindi maramdaman,
Korupsyon ang tinuturing na isa sa matinding dahilan
Subalit solusyon, nasaan?

Paglaki ng populasyon
Resulta’y matinding kagutom,
Sabay isisisi sa gobyerno
Bakit? Sila ba ang nagpaparami ng lahi ninyo?

Pagbabago’y dapat magmula sa sarili


Disiplina ang siyang dapat mamalagi,
Edukasyon ang isa sa itinuturing na solusyon
Kaya naman dapat ay pahalagahan natin ito.

Huwag iasa ang iyong kinabukasan sa gobyerno


Bagkus ay magsariling sikap ka para makaahon,
Lakipan ng gawa ang iyong mga hangarin
Tiyak sa buhay na ito, ika’y papalarin.

You might also like