You are on page 1of 1

1.Paano matutugunan ang mga suliranin o problema Ng lipunan?

(Halimabawa
underemployment)
Gaya nga po ng sabi, itaboy ang kahirapan huwag ang mahihirap. Ang pangunahing
suliranin ng isang lipunan ay ang kahirapan, ano nga po ba ang mga sanhi nito? Una,
underemployment o ang sinasabi nating mga taong hindi angkop ang trabaho sa antas ng
kasanayan. Halimbawa, ikaw ay nakatapos sa kolehiyo ng nursing ngunit ang
pinagtatrabahuhan mo ay sa pabrika, senyales ito na ikaw ay underemployed o overqualified.
Ikalawa, unemployed o ang tinuturing nating mga walang trabaho o pinagkakakitaan.
Halimabawa ay ang mga tambay at may malulubhang sakit.
Para sa akin ang dalawang ito ay nakakaapekto sa kahirapan ng isang lipunan dahil kung
ikaw ay underemployed meron ka mang naiibibigay sa pamilya mo, hindi pa rin ito sapat dahil
nga ang inaasahan nilang halaga ng iyong suweldo ay mas malaki dahil nga nakapagtapos ka.
Sa kabilang banda naman, kung ikaw ay unemployed, ibig sabihin ay hindi ka nakakapagbigay
o nakakatulong para sa gastusin sa pangaraw-araw.
Bakit nga ba? Ano nga ba ang koneksiyon nito sa pagiging mahirap ng isang tao?
Kapag po kasi hindi sapat ang kita sa isang tahanan maaaring maapektuhan nito ang batang
nag-aaral na naninirahan doon, at dito papasok ang trade off kung saan kailangan isakripisyo
ang isang bagay para sa isang mas mahalagang bagay. Katulad nga po sa aking halimbawa,
ang bata ay mapipilitang tumigil sa pag-aaral, unang una dahil naisip nilang imbis na araw-araw
na magbigay ng baon sa batang ito ay gagamitin na lang nila ito sa pagkain at ito po ang
nakakalungkot na bagay sa lipunan natin. Karamihan po kasi sa ibang pamilya ay pinanalaki sa
isang paniniwala ang kanilang mga anak na hindi na sila makaka-ahon sa kahirapan kaya
imbis na magpursigi ang bata sa pag-aaral, ay mawawalan ito ng pag-asa at maiisip niyang
kung gayon din ang dadanasin niya pagdating ng araw ay mas maiigi siya ay magsimula ng
magtrabaho na minsan ay impluwensya din galing sa magulang kung kaya't dito papasok ang
Child Labor.
Paano nga ba natin maiiwasan ang kahirapan? Maiiwasan ang kahirapan kung
babaguhin ng mga mamamayang pilipino ang sistema ng kanilang paniniwala, mas maiigi pong
ang mga magulang ang mag-udyok sa kanilang mga anak na mag-aral, ipakita at ipahiwatig po
nila ang kahalagahan ng pag-aaral ng sa gayo'y pagdating ng araw ay hindi sila kawawa.
Mababawasan din ang mga naghihirap kung ang ating gobyerno ay bubuo ng plano, hindi lang
para sa mga ito kundi para sa lahat. Katulad ng pagbibigay suporta sa unang anak ng bawat
pamilya, kung ang gobyerno ay magbabahagi ng pondo para sa pag-aaral ng mga panganay na
anak maaaring bumaba ang bilang ng mga mahihirap dahil sa pamamagitan nito hindi na
mamomroblema ang mga magulang ng batang ito para sa gastusin sa paaralan, mga gamit,
transportasyon, at baon. Dahil sa oppurtunidad na naibibigay sa bata magkakaroon na ng
pagkakataong maka-ahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Laging tandaan, ang wastong
edukasyon ay pahalagahan, ito ay susi sa magandang kinabukasan. Maraming salamat po!

You might also like